CHAPTER THREE: RUDE // HELP

21 3 7
                                    

ODETTE

"That's all for today. Tomorrow we will have a recitation and like always, I would call all of you randomly," sambit ni Prof bago umalis ng room.

Last class na namin ito today kaya naman tumayo na din ako para umalis. Pinasok ko na yung binder ko sa bag ko, pati na din yung pencil case ko.

Sa cafe na lang ako magrereview...

Pagkatapos ko ayusin ang mga gamit ko ay paalis na sana ako ng classroom ng may lumapit sa akin na pamilyar na lalaki.

"Ikaw ba si Cloudette?" Tanong nito sa akin kaya natigilan ako.

Tinitigan ko lang siya dahil hindi ko alam kung anong sasabihin! Bakit ba ako kinakausap nito?

Nagbaba pa siya ng tingin kaya sinundan ko ang tingin niya, tumingin siya sa ID ko. 

"Ikaw nga. Uhh, kagrupo ka kasi namin. Pede ko ba mahingi fb mo para sa messenger na lang tayo lahat magusap?" Sabi nito kaya naman tumango ako at kinuha yung phone ko.

Nilihis ko na ang tingin ko dahil pakiramdam ko ay na-weirdohan siya sa pagtitig ko sa kaniya kanina. 

Binuksan ko na ang fb ko sa phone at pinakita sa kaniya ang profile ko. Kinuha niya naman ang phone niya at sinearch siguro yung pangalan ko.

Nag notify naman agad sa akin ang friend request niya kaya inaccept ko.

"Sige, add na lang kita," nakangiting sabi niya bago tumalikod.

Tinignan ko yung fb account niya.

Raziel Klian Spence

Agad ko naman bigla naalala kung bakit siya pamilyar!

Siya yung matangkad na moreno na kumausap doon sa lalaki sa cafe! Siguro magkaibigan sila...

Nagkibit na lang ako ng balikat at umalis na sa room namin.

Habang naglalakad palabas ng campus ay may nakita akong pusa. Luminga-linga ako bago nilapitan yung pusa at marahang hinimas ang ulo.

Baby pa ito kaya naman medyo maamo. Naalala ko bigla si Keya.

Napapitlag naman ako ng bigla itong tumayo at naglakad paalis. Sinundan ko yun ng tingin, lumapit ito sa isang lalaki. Favoritism...

Tumayo na ako mula sa pagkaka-squat at naglakad na papunta sa cafe, uwian pa naman baka mapuno yun ng mga tao at hindi ako makakuha ng upuan.

Ng makarating ako sa cafe ay umorder na muna ako at ganoon na lang ang ngiti ko ng makitang wala pang nakaupo sa favorite spot ko. Umupo na ako doon at sinet-up ang laptop ko.

Kakabukas ko pa lang ng word ng biglang may umupo sa harapan ko. Nag-angat ako ng tingin at ganoon na lang ang gulat ng makita yung lalaki.

Naka dark blue graphic shirt ito.

"Can I sit here?" Tanong niya.

We made eye contact.

Agad akong nagbaba ng tingin at nagsimulang i-type and title ng paper ko. 

Yes, hindi ko siya sinungitan like last time. Thinking back now, that was rude of me. Pero totoo din naman na weird at medyo galawang fboy ang basta-basta niyang pag approuch sa akin.

I mean.

Bakit?

"Cloudette?" Napatigil ako sa pagt-type ng tawagin niya ako sa pangalan ko.

He pointed on something kaya tumingin ako doon at nakitang may tatlong piraso ng glazed doughnuts sa isang platito.

"For you," nakangiting sabi niya bago nilapit sa akin yung platito.

September: Beneath The Hoodie She WearsOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz