CHAPTER EIGHT: SMILE // I'M FINE

12 0 0
                                    

ODETTE

"Do you have any plans this afternoon ate? We're going to hang out at the arcade with my friends. Pakilala kita?" Excited na aya sa akin ni Annika.

"Wouldn't it be awkward?" Sabi ko naman bago inayos ang tinidor ko dahil naubos ko na yung cake.

I then wiped my lips with the cloth provided.

Awkward naman talaga, they're what? Two to three years younger than me? Hindi din naman ako sociable.

At mas lalong hindi ko alam ang mga trends ngayon. Ni wala nga akong tiktok,

"Sumama ka na anak, para na rin may kasama silang someone responsible," sabi ni mama kaya naman napabuntonghininga ako.

Alam ni mama na I rarely say no to her. Mukhang gagawin pa nila akong chaperone.

"What time?" Tanong ko at nakita ko namang magliwanag ang mukha ni Annika.

Why is she so invested in me joining their hang out?

"Later at 3pm! Uno will pick us up since he lives in the same subdivision as us," sabi niya kaya naman tumango ako.

Napatingin ako sa orasan at nakitang one o'clock pm pa lang naman. I already did my studying kaya hindi ko na alam kung anong gagawin ko for the next two hours.

Sakto naman na tumunog ang phone ko kaya tumayo ako at nagpaalam sa kanila na sasagutin ko lang yung tawag.

["Hey, how is it?"] Napabuntonghininga ako sa tanong ni Mon.

"Didn't I tell you to get a girlfriend? Bakit ako na naman ginugulo mo," pagtataray ko kaya naman natawa siya.

Seryoso kaya ako!

["I am, okay! Kaya lang ayoko ng ldr, sa manila na lang ako maghahanap.] Rason nito kaya napailing na lang ako.

"I guess it's okay here? Na meet ko na yung boyfriend ni Annika," kwento ko.

["And? Were you inspired to get into a relationship?"] Napasimangot naman ako sa sinabi niya.

"You do know that my priority right now is to get good grades and enter med school right?" Sabi ko kaya naman natawa siya.

["Exactly! Once you enter med school you won't be able to experience the fun in life! The more reason you should date."] Pagkukumbinsi niya sa akin.

"Annika also invited me to this hang out with her friends. Pinilit din ako ni mama para may chaperone sila," pagbabalik ko sa original topic.

Wala naman kasi talaga akong interes na pumasok sa isang relasyon. I'm not ready for that commitment yet.

Ni pagkakaibigan nga hindi ako ready ibigay pagmamahal pa kaya?

["That's great! Baka mas pasok sa taste mo yung mas bata sayo."] Hindi ko man nakikita ang itsura ko ngayon pero sigurado ako na hindi iyon mapipinta ngayon.

"Wala ka naman atang matinong sasabihin. Stay alive and find a love life," sabi ko bago binaba yung tawag.

Bumalik na ako at nakita ko namang kinukuha na ng mga katulong yung mga pinagkainan namin.

"Who was that swan lake?" Tanong ni papa.

"It was Montreal," sabi ko at napatango naman sila.

"Don't you have other friends ate?" Tanong bigla ni Annika kaya naman ngumiti na lang ako ng pilit.

"I do Annika," sabi ko.

Obviously lying.

Ayoko lang isipin nila na loner ako, not that there's something wrong with that. Baka lang kasi i-set up na naman nila ako sa kung sino. 

September: Beneath The Hoodie She WearsNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ