CHAPTER SEVEN: HOME // EMPTY

25 2 15
                                    

ODETTE

"Do you even wash that?" Tanong ni Mon habang nakaturo sa hoodie ko kaya napasimangot ako.

"Grabe! Of course I did! This is my favorite hoodie so I wear it often okay?" Depensa ko sa sarili ko bago tinignan yung beige kong hoodie.

Dapat ba yung orange na hoodie ko yung sinuot ko? Kaya lang nakabihis na ako e, okay na ito.

"You didn't pack much?" Tanong ni Mon at tumango naman ako.

"I think my clothes are still there so? And it's just a long weekend. Ikaw? Paano ka?" Tanong ko pabalik pero nagkibit lang siya ng balikat.

Sinukbit ko na ang backpack ko at binuhat si Keya. Yes, I'm bringing Keya with me. 

Hindi ko siya maiwan dito and miss na din naman siguro siya nila mama.

Actually, Keya is the daughter of our family cat. Siya lang ang nag survive sa limang kittens ng family cat naming si Marisol.

Pagkasakay namin sa sasakyan niya ay sinuot ko na ang seatbelt.

"Oh! How's your café buddy? Hindi mo na siya na k-kwento," tanong bigla ni Mon habang dinidrive niya palabas ng parking ang sasakyan.

"Hindi ko siya kinikwento," sabi ko.

"Okay," he said in a not so convinced way.

"Hindi naman talaga, tinatanong mo siya," clarify ko.

What? Totoo naman na siya itong nagtatanong lagi. I just answer him.

"Okay fine. So?" Tanong niya kaya naman napatingin ako sa labas ng bintana.

"Haven't seen him," sabi ko at ramdam ko naman na napatingin siya sa akin.

"Did you just get ghosted? Oh wait, why do you seem disappointed? You sound disappointed," sunod-sunod na sabi niya kaya naman napasimangot ako.

"I only said three words Mon. Ang dami mo ng conclusion," sabi ko at narinig ko naman siyang matawa kaya napalingon ako sa kaniya.

"That's the thing. You sound so lifeless and all of that. Bakit kasi hindi mo kinakausap noong mga times na gusto ka kausapin?" Napabuntonghininga na lang ako at hindi na siya sinagot.

Sasabihin ko sanang hindi ko naman gustong kausapin pero baka asarin pa ako nito na defensive.

"Drive thru muna tayo sa mcdo," sabi niya kaya naman tumango ako bago kinuha ang phone ko at nagpatugtog.

"Please lang Odette. We'll be travelling for a few hours. I don't want to listen to a song I don't even understand," sabi niya kaya naman natawa ako.

He's not a fan of kpop.

I changed the song to an Olivia Rodrigo song.

"Okay seriously? Are you that disappointed?" Sambit ni Mon kaya naman bumuntonghininga ako.

Ang dami niyang nasasabi!

"It's just a song Mon, ano ba? Oh, forward na," sabi ko ng makitang umandrar na yung sasakyang sinusundan namin sa drive thru.

September: Beneath The Hoodie She WearsМесто, где живут истории. Откройте их для себя