Entry #1.

71 2 0
                                    

To Alas,







Hello! How do I say this? Ah! ano nakita kita kanina... kaso ano eh nahiya ako lumapit. Dami mo kasing kasama, ang friendly mo naman kasi talaga hirap tuloy makalapit sayo tsk! Sayang kamo yung pinapaabot na yema saka sampaloc ni Nanay ang sarap pa naman.
Sorry kung hindi ako nakapagsabi na mapapa aga yung balik namin galing Nueva, biglaan lang din naman kasi.

Ayun bale kakabalik lang namin nung lunes, di na kita natawagan gaya ng promise ko. Sorry. Balita kasi sakin ni Ten finals niyo na maraming kailangan ipasa, tapos may laro pa daw kayo next week. Kilala na kita mula dulo ng mga split ends mo hanggang sa mga ingrown mo sa paa, alam na alam kong di ka papayag na di makakatapak yang mga ipanema  mong tsinelas dito sa bahay kapag nalaman mong nakauwi na kami.

Parang ang haba na ng nasulat ko no? Bukas na lang ulit! Babye, ingat palagi sa practice tsaka alam kong yakang yaka mo yang mga exams na yan basic! Fighting!

Love,

Uno.

Love, UnoWhere stories live. Discover now