Entry #2.

22 2 0
                                    

To Alas,



Hello ulit! Sorry na nga, sabi ko naman kasi sayo ayaw kitang padaan daan dito sa bahay lalo na marami palang gagawin sa school. Okay ako tsaka ano ba naman yung isa o dalawang linggong hindi tayo magkita diba? Focus ka na lang muna diyan sa studies mo.

Basta promise ko pagtapos ng lahat ng yan turuan na kitang gumawa ng yema saka sampaloc, tapos pala pati menudo marunong na din ako! Saktong sakto kakaturo lang sakin ni Lolama kagabi.

Uy, alam mo ba kanina dumaan dito si Tres, umiiyak ang mokong basted daw siya. Naku sinabihan ko na siya una pa lang wag na niyang ligawan yung anak ni Kap di naman nakinig, tapos pupunta punta dito may payakap yakap pa! Binigyan ko nga ng malutong na malutong na kutos chicharon bulaklak! Tapos wala pang balak umuwi! Balak pang dito makitulog kapag nakita daw kasi siyang umiiyak ng Nanay niya tsetsenilasin daw siya.

Ayoko nga sana kaso alam mo naman yun malakas kay ermats, kaya ayon nasa kabilang guest room tulog tapos kada isang oras ata nagigising iiyak. Tatlong beses ko nang pinuntahan para sampalin ayaw pa rin tumigil!

Hanggang dito na lang muna alas dose na kasi baka mahuli pa ako ni Papa na nagseselpon. Ayun sorry ulit, bati na tayo bukas ah? Dalhan kita leche flan sa bahay niyo bawal tumanggi! Labyu!

Love,

Uno.

Love, UnoWhere stories live. Discover now