Entry #5.

6 1 0
                                    

To Alas,





Happy Advanced Birthday!!! Grabe naiisip ko pa lang na batiin ka mamaya natatawa na ako, pano kasi sigurado ako bubusangot na naman yang cute mong mukha maghapon. Alam ko naman na hate mo talagang binabati kita tuwing birthday mo, diba kasi sabi mo since our birthdays are just three days apart mas gusto mo na i-celebrate na lang natin in between those three days?

Kaya nga since elementary hindi na ako nagse-celebrate ng birthday ko sa mismong araw, same as you. Kasi you prefer it that way. And I love you more for that, di ko na sasabihin sayo ah alam ko kasi lalaki na naman ulo mo eh haha.

Naalala ko tuloy yung first time na nalaman mo na halos magkasunod lang tayo ng birthday, grade four tayo nun diba? Or was it five? Di ko na masiyadong maalala basta tanda ko nun di mo ko kinausap ng dalawang araw, panay kang nakila Tres nun tapos sakanya ka nagsusumbong kung gaano kasama loob mo na hindi ko nasabi sayo kung kelan birthday  ko. Tapos ito namang si Tres papasama sa Mama niya papunta sa bahay, saka niya ikukwento sakin yung mga sinabi mo. Kita mo na sabi ko sayo mga bata pa lang tayo traydor na si Tres eh!

Edi ayun the next year kinausap mo si Mama pati si Papa kung pwede sabay na natin I-celebrate birthday natin, kinontsaba mo pa Mama mo para sabihin kila Mama na may sakit ka tapos ayun na lang gift nila sayo. Tsk! Ikaw naman bata pa lang manipulative na, di ko nga alam pano ko kayo naging kaibigan ni Tres eh. Si Tres gago, ikaw siraulo tapos si Ten naman chismoso. See? Ako lang matino sating apat.

Oh, wag ka nang umanggal sa huling part! Basta love kita oks ka na dun!

P.S. Wish ko magkajowa ka na. Hindi ko sinasabing si Disa ah? Pero bagay naman kayo kaya parang ganun nga hahaha.

P.S. Wag mo invite si Tres ah? Tampo pa rin ako dun sa kinain niyang kaldereta nung sabado eh.

Love,
Uno.

Love, UnoWhere stories live. Discover now