18. Substitute.

33 1 0
                                    

"Nasaan na ba yung Skyler na yun?"-takang tanong ni Kurt sakanyang sarili. Anong oras na kasi
at wala pa ito. Lalong nagtataka si Kurt dahil ni minsan hindi naman nale-late si Skyler. Ngayon lang kung sakaling pumasok ito ngayon.

Minsan nga nauuna pa si Skyler pumasok sakanya sa trabaho.

Tinext at tinawagan nya na rin si Skyler pero hindi naman ito sumasagot. Medyo nakaramdam na ng kaba si Kurt para kay Skyler baka kung ano na kasi mangyari dun ng di nya alam.

"Hi."

Umangat ang tingin ni Kurt ng may magsalita sa harapan nya.

"Hindi pa po kami bukas Sir. Pwede po muna kayo mag hintay sa waiting area."-ngiting sabi ni Kurt sa lalaking dumating.

"Sorry. Pero di ako costumer."-sabi nung lalaki na ikinakunot ng noo ni Kurt. Bigla tuloy may sumulpot na tanong sa isip ni Kurt. Ang alam ni Kurt wala pang bukas na position sa Samgyupsal shop, Wala naman sinabi sakanila ang boss nila na mag hahanap ito ng bagong staff.

"Eh anong kailangan mo?"-di parin maalis ang kunot sa noo ni Kurt. Sumilay ang nakakalokong ngisi sa mga labi nung lalaki.

"I'm Paul John Augustin or PJ na lang for short. Ako muna papalit kay Skyler para sa shift nya tonight."-sagot nung lalaki na nagpakilalang PJ. Napalitan ng gulat ang mukha ni Kurt nung marinig nya ang pangalan ni Skyler na binanggit nito.

"Bakit mo kilala si Skyler?!"-salubong na kilay na tanong ulit ni Kurt. Lumapit naman ng kaunti si PJ sakanya pero hindi umatras si Kurt kundi tinignan lang nya ito ng mataman.

"Bestfriend ako ni Scott. May date kasi sila ni Skyler kaya eto nag presenta ako na ako muna ang papalit kay Skyler dahil supportado ko sila."-all smile pang sagot ni PJ. Natigilan naman si Kurt sakanyang kinatatayuan.

Bakit hindi nya alam yun?

Wala man lang naikwento si Skyler sakanya. Nag aalala pa naman sya ng todo kay Skyler tapos malaman-laman nya na nakikipag date lang pala ang magaling nyang bestfriend.

Pero...

Hindi agad naniniwala si Kurt sa PJ na to. Paano kung modus to? Baka pag nakawan lang sila nitong ni PJ hindi pa naman katiwa-tiwala ang mukha nito.

"Proof na totoo ang sinasabi mo."-hamon na sabi nya kay PJ. Nakita ni Kurt ang pagtawa ng mahina nito. Agad naman na may kinuha si PJ sa bulsa na suot nitong pantalon. May cellphone itong kinuha mula sa bulsa at saglit na may ginawa si PJ sa ngayong hawak nitong cellphone saka iniharap ni PJ ang cellphone sakanya.

"See? I'm Scott Dela Vega's Bestfriend."-pinakita ni PJ lahat ng photos nila ni Scott. Niliitan ni Kurt ang kanyang mata para makita nya kung ano ang nasa screen ng cellphone ni PJ. Nakita nya na puro litrato nga iyon na magkasama sa isang event si Scott at itong PJ, meron din sa beach, sa bar at iba't-ibang occasion pa.

"Naniniwala ka na?"-ngising tanong sakanya ni PJ pagkatapos nito ipakita ang mga photos at ilayo na ang screen ng cellphone nito sa mukha nya.

"Paano kung photoshop lang yan?"-taas kilay na balik na tanong ni Kurt. Hindi talaga sya naniniwala dito. Mas maniniwala pa sya kung si Skyler mismo magsasabi sakanya na etong lalaking to ang papalit kay Skyler na maging staff ngayong shift nila.

"Pwede bang maniwala--"

"Nandito ka na pala!"

Parehas silang napatingin sa biglang nagsalita.

"Boss Kim!"-masayang tawag ni PJ kay Boss Kim na may may-ari ng Samgyupsal shop kung saan nagtatrabaho sila ni Skyler. Kaya napakurap-kurap na lang ng mga matang pinanuod ni Kurt yung dalawang mag yakapan.

Marry Me, Skyler Perez [BL | Tagalog] HIATUSWhere stories live. Discover now