DAY 4

137 67 2
                                    

Dedicated to: cierraXlie thank you sa book cover Leslie mabuhay ka hanggat gusto mo. Stay safe always, laham kita : )

*********************
DAY 4

"Tine, pinapatawag ka ni ma'am San Pedro nasa faculty office siya isama mo daw si Nathan." Kakagaling lang namin sa cafeteria ng salubungin kami ni Oliver sa tapat ng pinto.

"Bakit daw?" Pagtatanong ko. Baka wala na naman pasok pero impossible naman ata yun.

"Di ko alam kung para saan pinapatawag lang kayo may sasabihin ata." Tinanguan ko nalang si Oliver at tiningnan si ni Nathan na di naman nagsasalita.

"Tara?" Tumango lang siya pero di na nag salita. Hinayaan ko lang baka badtrip lang siya.

Pagdating namin sinabi lang samin kung ano ano ang mga gagawin para naman pala sa classroom pero mamaya pa naman yun.

Pag balik namin agad kong binalita sakanila ang dapat gawin.

"Sabi ni ma'am, mamaya daw kailangan nating ayosin at mas pagandahin ang loob ng classroom natin magtulong -tulong nalang tayo para mas mapadali ang paggawa, okay ba yun sainyo?" Nag agree naman sila. Well, kahit naman umayaw kayo wala kayong magagawa walang makakauwi mamayang hapon ng di pa naaayos ang room natin. I secretly smirked.

Pabalik na ko sa upuan ko ng mapansin na may kausap si Nathan isa sa mga tropa ni Oliver, si Angelo

"Crush mo Celestine no?" Natatawang tanong nito kay Nathan. Nakita ko ang pag iwas ng tingin ni Nathan sa kaklase namin

"Hindi ah, di kami talo nun ang sungit kaya nun tsaka mag kaibigan lang kaming dalawa." Sa sinabi niya napanatag ako mas mabuti na rin siguro na alam kong di magkakagusto sakin ang lalaking to.

Bumalik ako sa upuan na parang walang narinig. Umalis din naman agad si Angelo pagkaupo ko.

"Ayos ka lang?" Di ko napigilan magtanong. "Kanina ka pa tahimik ah." Pag puna ko pa.

"Wala may iniisip lang." Wala sa sariling sagot niya. Tinanguan ko nalang dahil sakto namang dumating na teacher namin.

"Before we start with our discussion," pagsisimula ni ma'am "I want you to find a partner for our upcoming activity, this is by pair."

Nag kanya-kanya na silang hanap ng makakapareho nila para sa nasabing activity na gagawin. Pero ako ito nakaupo lang naghihintay ng lalapit sakin.

Nakita kong palapit sakin si Oliver pero di pa man siya nakakalapit huminto na siya. Tumingin muna siya sa katabi ko bago tumingin ulit sakin at ngumiti ng tipid. Nagtataka kong tiningnan si Nathan pero naka iwas lang siya tingin.

"Tayo nalang dalawa," Bigla siyang napatingin sakin "ano... tutal wala ka pa naman partner di ba?"

"Sige"

Yun lang at natahimik na ulit kaming dalawa. Baka may problema siya kaya hinayaan ko nalang ang pananahimik niya.

The day went smoothly. Mabilis natapos ang klase ng buong mag hapon kaya ito kami ngayon magsisimula ng ayosin ang set up ng buong classroom.

"Oliver samahan niyo muna ako kunin yung mga gagamitin sa office ni ma'am," nagkatinginan muna sila " ano kung okay lang naman sainyo, kasi kung hindi kaya ko naman mag isa." Awkward na sabi ko

"Sakin okay lang ewan ko lang sa isa dyan" magpaparinig niya di ko alam sino pinariringan.

"Tara?" Yaya ko sakanila. Tumango lang sila, pero bago pa kami makalabas lumapit samin si Nathan.

15 DAYS WITH YOU [Completed]Where stories live. Discover now