DAY 14

78 48 2
                                    

DAY 14

Hindi ako nakatulog kakaiyak buong magdamag. May pasok kami pero tulala pa rin ako sa bintana. Parang namanhid ang buong katawan ko at maya maya lang tumutulo na naman ang mga luha sa mata ko. Hanggang kailan ka ba bubuhos?

Iyak lang ako ng iyak hanggang sa hindi na ako makahinga at maramdaman ko ang pagkirot ng dibdib ko. Wag ngayon please.

Hawak hawak ko lang ang dibdib ko, hinihintay na kumalma ito. Pero ilang minuto na ang nakalipas mas lalo lamang itong sumukip. Gusto kong sumigaw pero walang lumalabas sa bibig ko.

"Mommy" gusto ko ng sumigaw sa sakit pero kahit ang pagsalita di ko magawa. Walang wala ng lakas ang buong katawan ko.

Hindi na ako makahinga at hawak hawak ko lang dibdib ko. Kung kanina umiiyak ako dahil sa nakita kagabi, ngayon umiiyak na ako sa sakit na nararamdaman ko. Namamanhid na ang buong katawan ko.

"Celestine!" Nakarinig ako ng katok sa labas ng pinto ko.

"Gising ka na ba? Malalate ka na baby." Alam kong ang nanay ko yun. Gustohin ko mang humingi ng tulong sakanya hindi ko magawa.

"Tine malalate ka na." Patuloy siya sa pagkatok ng pinto.

Sinubukan kong tumayo pero natumba lang ako. Sa sobrang lakas ng pagbagsak ko alam kong rinig yun sa labas ng kwarto ko.

"Tine! Ayos ka lang ba?" Halata na sa boses nito ang pagaalala.

"Tine?! Answer me! What happened?" Natataranta na si mommy. Ayoko siyang pag alalahanin pero di ko na kaya.

"Yaya!" Rinig na rinig ko pa rin ang taranta sa boses niya habang tinatawag ang isa sa mga katulong.

"Kunin mo ang spare key ng kwarto ni Celestine. Bilisan mo." Nagmamadaling utos pa nito.

Panay pa ang tawag niya sakin palakas na ng palakas ang katok niya.

Bigla kong naalala ang sakit ko. 3 taon na ng huling maramdaman ko to, akala ko okay na ako. Alam ko namang maaring maramdaman ko ulit to pero bakit parang mas doble yung sakit ngayon?

Biglang bumukas ang pinto at nakita ko ang pagdaan ng gulat at pag aalala sa mukha ng mommy ko.

"Celestine! Oh my God what happened to you?" Dali dali siyang lumapit sakin.

"M-mom I c-ca can't b-breathe" nanghihinang sabi ko. Nag unahang tumulo ang mga luha niya.

Nagsimula ng magsusumigaw si mommy sa pangalan nina daddy at kuya. Mabilis namang lumabas ang kasambahay at maya maya lang kasama na nito sina dad at kuya.

"What happened?" Natatarantang tanong ni daddy. Sapo sapo ko naman ang dibdib ko kaya mas na doble ang pag aalala nito. Malamang na alam na niya ang nangyayari.

"I don't know what really happened, basta nadatnan ko siya sa ganyang kalagayan. We need to bring her to the hospital as soon as possible." Umiiyak na sabi ni mommy.

'I'm sorry. Nang dahil na naman sakin nasasaktan at nahihirapan na naman kayo.'

Si kuya Christian ang nagbuhat sakin papunta sa sasakyan. Lahat ng tao sa bahay natataranta. Nakita ko pang umiiyak si Ate Alex sa sala habang si Axel naman naguguluhan sa nangyayari.

"Why daddy is carrying tita ganda, mommy?" Narinig ko pa siya ng makadaan kami sa tapat nila pero di ko na narinig ang sagot ni Ate Alex dahil tumatakbo na si Kuya.

Siya na din ang nag drive ng sasakyan. Katabi ko sina mommy at daddy. Panay ang tingin ni Kuya sa rearview mirror alalang alala na.

"Ano ba kasi ang pinaggagawa mo?" Umiiyak na sabi ni mommy.

15 DAYS WITH YOU [Completed]Where stories live. Discover now