Episode 01

118 65 40
                                    

01: Interest.
Revious’ Point of View





Mataman kong tiningnan ang kabuuan ng silid kung nasaan ako ngayon. Maaliwalas ito. May bintana sa magkabilang gilid ng kuwarto. Nakapuwesto naman sa gitna nito ang mga silyang ngayon ay inuupuan ng mga kaklase ko.

Walang imik ang mga estudyante at para bang walang gustong magsalita bukod lamang sa isang guro na sa kasalukuyan ay nasa tabi ko.

Walang blackboard pero may whiteboard, kaya siguro may hawak na marker ang titser namin ngayon.

May kuwadradong lamesa sa gilid ng board kung saan nakalapag naman ang ilang gamit ng gurong nagpapasok sa akin, may maliit na book shelf din dito na nakapuwesto naman sa tabi ng kulay tsokolateng lamesa.

Sapat ng dahilan para matawag nga itong klase. Huminga muna ako nang malalim at nagpasya ng ipakilala ang sarili ko sa kanila.

“Revious Izatio Llavinez. 17 years old. A former student at AFTA school. . . aiming to make music on my own, that’s all. Thanks,” walang emosyong pakilala ko sa kanilang lahat.

Bakas sa mukha ang pagkadismaya ng ilang mga taong nakarinig sa paraan ko ng pagpapakilala sa sarili ko. Nakita ko kung paano nawala ang ningning sa mga mata ng ilang kamag-aral ko.

Tipid akong napangiti. Yumuko ako sa harapan nila bago muling tumayo nang tuwid. Napamulsa ako sa black pants ko. Muli kong ibinalik ang blangko kong mukha habang nakatingin sa kanila.

“Okay, sige. You may sit down there,” mahinahong saad ni Ma’am sa akin saka tinuro ang nag-iisang bakanteng upuan na nakapuwesto sa kanang sulok ng silid.

Tumango na lamang ako’t nagpasalamat sa kaniya. Hindi na ako nagsalita pa.

Walang imik akong naglakad papunta sa upuang itinuro ni Ma’am. Malapit ito sa locker namin, katabi lang nito ang bintana kung saan puwede mong makita kung ano ang nasa labas nitong building. Napabuntong-hininga ako.

Inilagay ko na muna ang bag ko sa likurang bahagi ng silya ko’t saka ako umupo roon. Pasimple ko pang isinandal ang buong likod ko sa sandalan ng inuupuan ko.

Nagsimula na ring magturo ang gurong tumanggap sa ’kin para makapasok ako sa klase na ito. Itinuon ko ang buong atensyon ko sa tinuturo niya hanggang sa...

“Psst,” bulong sa akin ng katabi ko dahilan para saglit ko siyang tapunan ng tingin. Ngumiti siya sa akin.

Awtomatik namang naningkit ang dalawang mata ko dahil sa inakto nito.

Bakit naman niya ako nginitian? Weird.

Kahit na nagtataka pa ako’y nag-decide akong baliwalain na lang siya’t hindi na lang din nagsalita pa.

Wala naman akong interes makipag-usap sa hindi ko kakilala.

Mabilis namang natapos ang naunang tatlong subjects namin. Breaktime na. Hindi pa man ako nakakatayo mula sa pagkakaupo ko ay bigla na lamang akong pinalibutan ng mga babae. Inintriga kaagad nila ako sa mga bagay na hindi ko gustong pag-usapan. Blangko ang mukha kong hinarap sila.



“Bakit ka lumipat ng school?”

“Ang sosyal mo naman nakatapak ka sa AFTA!

“Balita ko nga mayayaman lang nandoon e, tapos kung gusto mong mag-apply ng scholarship dapat matalino ka.”

“Legit! Ang hirap pa namang mag-maintain ng grade.”

“True, ma!”

“Dream school ko iyon, e.”

Artist Series #1: The Mystical Note WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon