Episode 02

89 63 17
                                    

02: Blame Guilt.
Revious’ Point of View





Sandaling napahinto ang kasama ko sa paglalakad nang makitang hawak ko, napatitig ako sa screen ng phone ko.

Today | 5:27 PM | SIM1
Umuwi ka na.

Bagsak ang dalawang balikat kong pinuntahan ang bahay namin matapos kong mabasa ang text message na iyon. Alam naman na ni Janrick kung sino ang madalas tumawag at mag-text sa akin.

Sino pa ba?

E ’di iyong mismong bumili ng phone na ito para sa akin which is, si Papa.

“Oh, nariyan ka na pala. Tara kain,” salubong nito sa akin pagkapasok ko pa lang sa salas namin. Mataman ko siyang tiningnan.

“Wala akong gana,” tipid kong tugon. Umiwas ako ng tingin. Ayaw ko kasing makita ang mukha niya.

“E? Sayang, mga paborito mo pa naman itong niluto ko para sa i—”

“Ang sabi ko. . . wala akong gana,” pagputol ko sa linya niya. Huminga ako nang malalim. Tumingala ako’t saka nakipagtitigan sa kisame namin.

“Rev...” mahinang pagtawag pa nito sa ngalan ko. Tumikhim muna ako bago muling tumingin sa gawi niya.

“Aakyat na po ako sa kuwarto ko. May tatapusin pa akong assignments. Mauna ka na lang kumain dahil busog pa ako,” direktang wika ko sa kaniya saka tumuloy sa hagdan. Muli akong nagkulong sa kuwarto ko.

S-Sorry...

Napabuntong-hininga ako. Matamlay na naglakad sa loob ng kuwarto ko. Inilagay ko ang bag ko sa silya kong nakatapat sa study table ko na katabi lang nitong kama na nakapuwesto naman sa gitnang bahagi nitong kuwarto.

Simula noong nawala ang mga magulang ni Papa na nag-aruga sa akin noong mga panahong iniwan nila ako ni Mama, lumayo ang loob ko sa kaniya, sa kanilang dalawa.

Pakiramdam ko kasi, inabandona nila ako.

At sa tuwing tinitingnan ko ang mukha ni Papa, naalala ko sila. Ang mga magulang niya na nag-alaga sa akin noong iniwan nila ako ni Mama.

Naaalala ko kung gaano sila kasaya noong inaalagaan pa nila ako’t kusang-loob na tinanggap sa loob ng bahay na ’yon. . . na sa isang iglap lang ay naglaho na lang nang ganoon.

And until now, sariwa pa rin ito sa isip ko. Hindi ko pa rin matanggap ang lahat.

Lola, Lolo, sorry...

Napalunok ako. Pabagsak kong inihiga ang buong katawan ko sa parihabang kama ko na kulay abo’t may halong bilog na kulay itim sa disenyo nito.

Napapikit ako’t inilagay ang braso ko sa tuktok ng ulo ko, sa bandang noo. Napasinghal ako saka muling nagpalamon sa mga bagay na parati na lang akong ginugulo sa isipan ko.

Grabe, nakakapagod pala talaga.

Nakakapagod lumaban sa buhay mas lalo na kung hindi mo naman makita ang rason kung bakit buhay ka pa rin hanggang ngayon...

He didn’t blame me but I do blame myself for it.

The past that I have mula sa lolo at lola ko’y parati akong hina-hunting, gabi-gabi at araw-araw. At ang masakit pa nito’y nadadamay ko na pati si Papa.

Si Papa na nasaktan noong iniwan kami ni Mama. Si Papa na nakalimutan ako dahil sa paghihiwalay nila. Si Papa na ibinigay ako kina lola at lolo sapagkat batid niyang nasa miserableng sitwasyon siya’t ayaw niya akong madamay.

Artist Series #1: The Mystical Note WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon