IIWTAK.10

10K 301 2
                                    


Edited

[ALPHA RAVE'S POINT OF VIEW]

"Kamahalan! Rave!" napakislot ako at napatindig sa narinig kong sigaw mula sa kung saang bahagi ng kakahuyan sa loob ng bakuran ng kaharian. Bumilis ang pintig ng puso ko at naramdaman ang pagkabantulot ni Rade, ang Wolf ko.

Si Lovella na nasatabi ko ay nagulat sa biglaang kong pagkislot. Kanina pa ako naiinis sa totoo lang, dahil naiinitan ako sa kakukunyapit niya. Pasimple kong inalis ang kamay niya sa pagkaka-angkla sa akin at tumayo.

‘Rave, tinatawag niya tayo! Nasa panganib sila!’ anunsiyo ni Rade, ang wolf ko.

"Naaamoy ko si Orakulo," a ni Ivo na biglang napatindig na rin pagkasabi niyon.

"Nasa panganib ang Luna ko, Tinatawag niya ako." Kinakabahan ako, at hindi maganda ang pakiramdam ko. "Hindi ko sila ma-trace!"

"Hanapin natin! Nasa paligid lang si Orakulo! Hindi niya puwedeng mapatay ang Luna," urgent is in his voice. Pero kung ano ang pag-aalalang nararamdaman niya para sa Luna ay higit ang sa akin. Sinusubukan kong huwag matakot pero kapag naiisip kong puwedeng mapatay ni Orakulo ang Luna ko sa bawat sandaling hindi kami magkasama, pakiramdam ko mamamatay ako.

This is all my fault damn it! I didn't stop her when she run away, fuck!

Sabah kaming tumindig ng aking beta at tinungo ang pinto.

"T...teka! Saan kayo pupunta?" Seriously? Naririnig ba niya ang pinag-uusapan namin ng aking beta? Dapat ba itanong pa niya kung saan kami pupunta? Hindi pa ba Obvious?

Hindi ko na siya sinagot dahil umiinit na ang ulo ko. Baka hindi ko na siya matantiya kahit pa babae siya at anak ng isa sa mga gabinete ko.

Wala kaming sinayang na oras. Agad kaming umalis at hindi na pinag aksayahan pa ng panahon ang istorbo. Kanina pa kase siya. Gusto kong makasama ang Luna ko. Kung hindi lang dikit nang dikit sa akin si Lovella, ang Luna ko sana ang kasama ko at hindi sana siya nawawala.

Sa bintana na kami dumaan at Lumukso para mabilis ang daan since sa kakahuyan naman ang agad na bagsak namin.

"Huwag na kayong tumuloy!" narinig pa naming sigaw nito, pero huli na, dahil agad na kaming lumagpak sa lapag. Kahit naman pigilan niya kami ay hindi niya ako mapipigil. I don't need her.

"Naaamoy mo na ba sila Ivo?" tanong ko sa aking beta habang sabay kaming tumatakbo. Malayo-layo na din ang naitatakbo namin. Sa lawak at laki nitong bakuran ng palasyo, sigurado akong nag-iingat ang mga iyon para hindi namin sila agad na mahanap. Naamoy ko na sila pero gusto kong masigurado kaya tinanong ko ito.

"Malapit na sila dito! Alpha, marami ang naaamoy ko!" kumpirma niya. Tama ako! Lalo nang nagwala ang kalooban ko. Natatakot ako, ngayon lang ako natakot ng ganito sa tanang buhay ko.

Yumanig ang Lupa at nagkaroon ng guwang ang daraanan namin. Napa hinto kaming dalawa na parehas nakamulagat sa realisasyon na bumulaga sa aming dalawa...

‘Hindi maaari! Iisa lang ang ibigsabihin nito...’

"Nasugatan siya Alpha! Kapag nagpatuloy ang pagdanak ng dugo niya sa Lupa, iiyak ang ating Lupain at patuloy itong uuga, hangganag sa mawasak!" malakas na turan ni Ivo.

Hindi nagtagal natanaw namin ang grupo ng mga itim na Lobong Ligaw na nakapalibot sa isang bagay. Sa isip ko ay tinatawag ko na ang mga sundalo ko sa pamamagitan ng mind link. Agad naman tumugon ang mga ito at ilang sandali pa ay natukoy na nila ang eksaktong lugar na binabagtas namin.

Nagwala si Rade sa loob ko at hinatak ako patungo sa kumpol. Kahit hindi niya sabihin, alam ko na naramdaman niya na naroon ang Luna.

"Luna!" hiyaw ko nang makita kong duguan na ang tagiliran nito at inaambahan na naman ng isa. Nagtagis ang panga ko at mabilis pa sa alas kuwatro na sinalungat ng isang suntok ang papasugod na lobo dito.

Napa tigil ang lahat at mababakas sa mukha nila ang matinding takot sa aking presensiya.

"Ang malupit na Hari ng mga Alpha! Atras!" sigaw ng isa. Para silang nakakita ng apoy na nagniningas nang dumating ako. Mga papalayong likod na lang nila ang nakita ko, sinubukan pa silang habulin ng mga gama ko pero mabilis nang naglaho ang mga ito gamit ang mapanlinlang na mahika ni Orakulo.

Nalusaw ang lakas ko nang makita sa malapitan ang totoong kalagayan ng  aking Luna. Naliligo ito sa sarili niyang dugo at ang pagyanig ng lupa ay hindi parin humihinto.

Naramdaman ko na nagwala lalo si Rade sa loob ko. Agad kong dinaluhan ang nakabulagta niyang katawan at nag-utos na linising maige ang dugo ni Kiss na dumanak sa Lupa upang mahinto na ang lindol.

Nadala namin siya agad sa pagamutan ng palasyo. Halos mawala na 'ko sa katinuan nang maramdaman kong unti-unting humihina ang paghinga niya. Mabuti na lang at na-recover namin siya kaagad pero wala siyang malay.

"Huwag niyo munang palalapitin si Lovella sa akin Ivo, ayo'ko siyang makita," galit na sabi ko. "Ipinakuha niyo na ba siya? Gusto kong maparusahan siya! I-atang niyo sa mga babaeng gama ang gawain. Talian niyo siya ng silver. I want her to suffer!" I added.

"Alpha, do you realy need to do this? Kababata natin siya. At tsaka hindi niya naman ginusto iyon," dipensa niya para kay Lovella. Pero tinatalo talaga ako ng galit. Kailangan niyang managot sa nangyari sa Luna. Alam ko, in the first place kung ano ang motibo niya, kaya siya biglang sumulpot. At dahil sa kalokohan niya, nanganib ang buhay ng aking Luna!!

Hindi ako sumagot sa itinuran ni Ivo. Tama siya kaya napagpasyahan kong magaan na parusa lang ang ipataw kahit labag sa loob ko. Ipagagapos ko na lang siya gamit ang silver pero hindi ko na siya ipahahagupit. Kung noon nakaka lusot siya sa mga nagagawa niya dahil pinatatawad ko siya for the sake of our friendship, ngayon hindi na! Buhay na ng Luna ang nanganib at ng buong kaharian ng Alabaya.

°°°°°°°°°°°

HGBJ.

█║▌│█│║▌║││█║▌│║▌║ ®™ I'M INLOVE WITH THE ALPHA KING @All Rights Reserved 2014Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt