IIWTAK.12

11.4K 307 4
                                    


Edited.

His P.O.V.

Hindi ako makapaniwala... Muntik ko na siyang markahan. Muntik ko na siyang makuha. Hindi ko inakala na ganito pala kahirap. Ang hirap pigilin ng sarili sa isang bagay na gustong gusto. I swear I almost lost my sanity, for wanting her more...more than lust. Marami na akong nakuhang she-wolf sa tanang buhay ko. Marami na at lahat sila ay puro puson lang ang pinaiiral ko. Pero sa kanya... Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa kanya, o dahil ba alam kong akin siya kaya ganito ang nararamdaman ko?

"Alpha! Kumpirmado! Talagang narito si Orakulo kanina, pero hindi namin maintindihan kung paanong bigla na lang iyon nawala!" ani Jelo. Isa sa mga magagaling sa grupo ko, pagdating sa pag-trace ng mga bagay na mahirap ma-trace o ma-amoy ng mga Omega (tawag sa mga pangkaraniwang mamamayan at sa mga sundalo ng palasyo ng Alabaya).

Kapansin-pansin ang pagtahimik ni Ivo, mukhang malalim na naman ang iniisip nito. He is the brainy among the rest. Hindi naman sa sinasabi kong mahina ang ulo ng mga omega ko. Sa totoo lang, magagaling nga sila at maaasahan, talaga lang namumukod tangin ang paraan ng pag-iisip ni Beta Ivo kesa sa iba. At kung magkakataon pa, baka parehas din kami ng hinala sa mga oras na ito...

"Bumalik na tayo, kalat na ang dilim sa buong paligid. Hindi puwedeng narito pa tayo kapaglumalim pa ang gabi," sabi ko. Sabay-sabay namang nagsitayuan ang mga kasama ko na panay naghahanap ng bagay na puwedeng maging clue.

And yes, we are here in this place again. Dito kung saan, muntik na namang mapatay ni Orakulo, ang Luna ko.

Bitak ang lupa at halatang kagagaling lang nito sa malakas na pag-yanig.

"Hindi niyo na ba ulit naramdaman ang presensiya ni Orakulo nang linisin niyo dito?" tanong ko sa kanila. Lahat sila'y abala sa ka-aamoy sa pligid ngunit kahit gaano pa katalas ang aming pang-amoy, wala parin kaming mapala.

"Opo kamahalan," sagot ng halos lahat sabay pihit at yukod. Mabilis nagsipag-shift ang mga ito in human form at mayamaya pa'y bihis ulit sila ng kanilang mga baluting panglaban.

Kung sa bagay, wala na ang mumunting pagkalog ng lupa, pero...

Kung hindi namin naagapang linisin ang lupa, sigurado ko na mas malaki pa ang magiging pinsala ng Alabaya bukod sa limang gusaling nawasak sa sentro, habang dalawampu namang kabahayan naman ang gumuho at kinain ng lupa bunga ng kagaguhan ni Orakulo.

Nag tagis ang mga bagang ko, habang pinagmamasdan ang eksaktong lugar kung saan namin nakuha ang halos patay nang katawan ng aking Luna.

Bago pa lumalim ang gabi ay nakabalik na agad kami ng palasyo. At habang wala ako kanina, pinalibutan ko ng maraming Omega ang paligid dahil sa totoo lang, natatakot akong mapasok na naman ang palasyo at maratnang wala na naman ang aking Luna. Pakiramdam ko, kung hindi ko gagawin iyon ay kulang ang seguridad ng palasyo.

"Nasaan na ang Luna?" tanong ko sa isa sa mga Yunuko. Yumuko naman ito sa akin bilang tanda ng respeto at pagsuko.

"Nagpapahinga po siya at ayaw kumain. Ang sabi niya kanina'y hihintayin niya raw kayo para sabay na kumain," anito na naka-yuko parin.

"Sabihin mo sa mga kasambahay na ihanda ang hapunan namin ng Luna at dalhin sa kanyang silid. Doon kami maghahapunang dalawa," sabi ko, saka ako nagdaling humakbang patungo sa silid nito.

Pagpasok ko sa loob, nakita ko na mahimbing na siyang natutulog pero hindi pa siya nakakapagpalit. Mukha ngang nakatulugan nito ang paghihintay sa akin. Parang may kung anong humaplos sa puso ko.

Nilapitan ko siya at umupo sa gilid ng hinihigaan niya.

Ngayon ko lang siya napagmasdan talaga buhat no'ng kunin namin siya mula sa mundo ng mga tao...

Maganda siya talaga pero mas maganda pala siya habang tinititigan ng matagal.

‘Yakapin natin siya Rave! Gusto ko siyang maramdaman!’ sabi ng wolf ko. Nakakaramdam na naman ako ng matinding pagnanais na mapalapit sa kanya, pero natatakot akong sumugal sa nararamdaman ko.

Nakita ko kung paanong nanghina ang ama kong hari nang mawala ang mama ko. Hindi ko maunawaan noon dahil bata pa ako, pero ngayon na nahanap ko na ang aking Luna, natatakot na ako. Ngayon lang ako natakot ng ganito sa tanang buhay ko.

Nasaksihan ko kung paano masira ang ama ko, at kung paanong naging impiyerno ang hatid ng bawat araw na wala ang aking ina. Ang papel ko bilang anak ay hindi naging sapat para kahit paano'y maibsan ang pangungulila niya dito.

He became fragile and weak after his other half, died..

Pero ganoon pa man, hindi niya ako napabayaan. Nakita ko kung paano niya pinilit maging masaya at malakas para sa harap ko. Ayaw niyang makita ko ang bagay na hindi ko pa nauunawaan noong mga panahong iyon. Pero ramdam kong hindi na siya gaya ng dati. Ang ama ko at ang hari ng lahat ng Alpha sa buong Alabaya na may lakas at kapangyarihang walang katulad, ng mga sandaling iyon ay nawala na. Ramdam ko ang panghihina niya. Tuluyan nang nawala ang kanyang sigla nang mawala ang ligaya ng buhay niya. Ang kalahati ng kanyang daigdig at buhay...

Ikinulong ko siya sa magkabilang braso ko habang nakatukod ang mga siko ko sa magkabila niyang gilid. Parang may kung anong nasa loob ng dibdib ko at nagwawala ang puso ko.

"Bakit kailangan mo pang dumating? Dapat hindi na lang. Sana hindi nalang," pabulong kong sabi sa kanya. Nagulat ako nang biglang magmulat ang mga mata niya. Lumakas lalo ang tibok ng puso ko.

"A—Alpha," tanging nasabi nito. Hindi ako umalis sa pagkakalapit ko sa kanya dahil sa hindi malamang dahilan. Basta, gusto kong palaging ganito kalapit. Ngumisi na lang ako, para pagtakpan ang tindi ng kabog ng dibdib ko. Damn it! So gay!

"Gising na, kakain na tayo ng hapunan," I told her.

Nakita ko ang pamumula ng mukha niya. Napangisi uli ako, I know this is new to her. Pero once and for all, gusto ko na mapalapit sa kanya.

...

HBGJ.

█║▌│█│║▌║││█║▌│║▌║ ®™ I'M INLOVE WITH THE ALPHA KING @All Rights Reserved 2014Where stories live. Discover now