IIWTAK.26

10K 234 14
                                    


Edited.

I'M INLOVE WITH THE ALPHA KING



Written by:
HannaGoBlueJazmine



Kiss's...

Gulat ang rumehistro sa mukha ng mga taga-control room nang marahas itong buksan ni Rave.

Naiinis ako at nagagalit sa kanya dahil sa inaasal niya pero ano bang gagawin ko? Wala akong magagawa sa lakas niya. Idinadaan niya pa ako sa paganyan-ganyan niya. Akala niya naman komo inuunahan niya ako ng galit niya, malilimutan ko na 'yung nakita ko kahapon.

Well wala naman akong paki 'di ba? Bakit kasi ayaw pa aminin eh! Okay lang naman sa 'kin! Basta ibalik niya ako sa mundo ng mga tao at magpaka saya sila dito ng Lovella niya! Sumakit ang puso ko.

"Ipakita niyo sa akin ang video ng spy cam dito kahapon sa pagitan ng 3pm - 4pm hanggang 6pm." utos nito na parang kidlat ang boses. Naghahati ang boses tao at halimaw niya. Nakakatakot at halatang kaunting push pa, mananakmal na ito.

Sa takot ng mga tauhan niya'y agad naman tumalima ang mga ito at hindi nga nagtagal at isinalang na ang video.

Ipina-fast forward nila ang video at may nakita silang mga kapuna-punang mga tao sa video bukod sa mga katulong doon.

Naroon ako, at si Rave. Pumasok kami sa isang kuwarto. 'Yung kuwarto na kinaroroonan namin kanina..

Tapos maya-maya, lumabas si Rave at nagpunta sa...

...sa conference? Habang sa kaparehas na oras, si Lovella naman ang pumasok sa isang kuwarto. Doon sa kung saan ko sila na huli ni Rave na you know what... Pagkatapos noon ay ako naman ang nakita nilang lumabas sa isang kuwarto kung saan kami pumasok ni Rave. Tapos, banda doon ay parang bumalik 'yung mismong narararmdaman ko sa senariyo na iyon na patiyad akong naglalakad papunta sa kung saan pumasok si Lovella na silid na naka-awang ang pinto.

Nandoon lang ako sa pinto at nakatayo at parang may tinitingnan. Tapos noon ay nanakbo na ako palabas ng mansiyon. Mga kalahating oras pa ay may kumatok na isang kawal sa pinto ng conference, kasunod ang nagmamadaling paglabas naman mula sa conference sina Rave, Ivo at mga iba pa na mga kausap nila doon.

Hindi ako makapaniwala sa napanood ko.

Nakita pa namin sa monitor ang pagkislap ng pintuan kung saan ko nakita ang senariyong 'yon... At ang hindi na muling paglabas ni Lovella mula sa loob ng silid.

Gabi... Pasado alas-otso, nakita si Lovella na dumaan sa likod ng mansiyon na basa ang suot na damit...

Tapos na ang video ay hindi ko parin maalis ang mga mata ko sa monitor.

***

Nahiya naman daw ako sa lahat ng emote ko kanina. Tsk!

"How could she do that to us?!" galit at hindi frustration ang nariring ko sa boses niya.

"Sa Tingin ko, naiisip ko na ang motibo niya. Pero siyempre hindi niya aaminin iyon, isa pa," parang sinadya nitong putulin ang sasabihin niya at tumingin kay Rave. Ako naman, kuwestiyonable rin sa lahat ng mga nangyayari, pero isa lang ang kailangan kong gawin.

"I'm sorry..." nabaling ang mga mata nilang dalawa sa akin. "Sorry kung basta na lang ako nakapagsalita ng ganoon. Kase hindi ko naman alam na..." Sinsero 'yan. Alam ko naman mali ang basta na lang mag-conclude. Nakalimutan ko na wala nga pala ako sa mundo ng mga tao kaya ang mga bagay na gawa ng mahika ay posible.

"Don't over think about that. Wala kang naman talagang kasalanan sa nangyari," sabi ni Rave sabay hamig sa akin at kinintalan ng halik ang ulo ko. Sheyt lang. Kinikilig ako mga bes. Ang chalap! Ako naman po ay enjoy na enjoy kaya siniksik ko pang lalo ang sarili sa kanya. I'm safe. He is my safe heaven.

█║▌│█│║▌║││█║▌│║▌║ ®™ I'M INLOVE WITH THE ALPHA KING @All Rights Reserved 2014حيث تعيش القصص. اكتشف الآن