Chapter Forty

81 7 2
                                    

HAILLEY

"Kuya?!"

Napatingin ako kay Keith na ngayo'y nanlaki ang mata. Di niya yata inexpect na andito kuya ko. Ako nga eh.

"Anong ginagawa mo dito?", tanong ko sa kanya sabay taas ng isang kilay ko.

"Sinusundo ka" sabi niya at tinignan si Keith. "Sino ka? Ba't kasama mo kapatid ko?", diretsong tanong niya.

Napa-imaginary facepalm naman ako. Tsk, si kuya talaga oh.

"Ah, ako nga po pala si Keith. Ihahatid ko sana si Hailley sa inyo" sagot naman agad ni Keith na ngayo'y mukhang chill lang.

Tinignan lang ulit ni kuya si Keith at tumingin sa akin. Binigyan naman ako ng sumunod-ka-na-sa-akin-look, tapos tumalikod na siya.

"Ah Keith, pasensya ka na kay kuya, ha? Ganyan lang talaga siya" nahihiyang sabi ko sa kanya.

Ngumiti naman siya, "Okay lang. At least, nagkita na kami ng kuya mo" sabi niya naman habang tinaas-baba ang kilay niya.

Bigla namang may bumusinang sasakyan sa gilid namin, pagtingin ko, sasakyan ni kuya.

"Keith, una na ako ha? Salamat pala sa oras. Ingat ka sa pagmamaneho. God bless" sabi ko sa kanya at nagmadali ng pumasok sa sasakyan.

Umupo naman ako sa unahan at nagpatugtog.

Habang nasa byahe kami pauwi,

"Bakit ka niya ihahatid?", naiintrigang tanong ni kuya Matt.

"Bakit? Bawal ba? Pasalamat ka nga may naghahatid sa bunso mong kapatid eh" sagot naman.

"Bakit? Sinabi ko bang bawal? Nagtanong lang naman ako kung bakit ka niya ihahatid. Kaya huwag mong ibahin yang sagot mo. Bakit nga?"

Kahit kailan talaga, di ako mananalo sa kanya.

"Eh kasi naman po, sabay na talaga kaming umuuwi. Tapos siya naman yung nag-aaya na ihatid ako" sagot ko sa kanya. "At isa pa, crush ko siya"

Diretsuhang sabi ko, kaya bigla siyang nagbreak.

"Ay adik ka ba kuya?! Ba't bigla-bigla ka nalang huminto?!", gulat na sabi ko sa kanya.

"Eh, sino ba kasing hindi magugulat kung yung nag-iisang babaeng kapatid mo ay bigla-biglang magsasabi sa kung sino ang taong gusto niya. Like what the heck?!"

"May  problema ba dun? Like duh, it's normal to have a crush" sabi ko sa kanya.

Napabuntong-hininga naman siya at nagsimula ng magmaneho.

Tahimik naman kami sa byahe. Nang makarating na kami sa bahay,

"Ano ba bang nagustuhan mo sa lalakeng yun?", tanong niya bigla.

Napatingin naman agad ako sa kanya, "Seriously brother? Do I really have to answer that question?", naiilang kong tanong sa kanya. Hindi naman kasi ako sanay na ganito topic namin ni kuya. Awkard kaya.

Tinignan niya naman ako ng seryoso. Kaya napabuntong hininga ako, "I like him. And, I have no reason for that"

KEITH

Ngayong araw na ang simula ng University days namin at tutugtog ang banda sa opening remarks.

Di ko pa nakikita sa Hailley ngayong araw. Naaalala ko na naman yung kuya niya. Grabe.

Parang kambal lang ni Hailley yung kuya niya. Parang girl version si Hailley eh. Pero, magkaiba talaga sila ng ugali. Sa totoo lang, nakakatakot ang aura ng kuya niya. Parang papatayin na kasi ako kung makatingin sa akin.

Mr. Music For MeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt