Chapter Twenty-Eight

128 5 0
                                    

HAILLEY

Nagulat ako ng makita ko siya doon sa puno sa field. Agad naman akong napaiwas ng tingin at ewan ko ba, bigla nalang akong napangiti. Umiling nalang ako at nakinig sa prof namin.

Pagkatapos ng klase, pumunta agad ako ng cafeteria. Loner na naman ako ngayon, di ko kasi macontact si Mayze. Bumili na ako ng snack ko at umupo sa isa sa mga table at inilabas ang libro ko. Mags-study nalang ako dahil palapit na ng papalapit ang mid-terms.

Habang iniinom ang shake ko may umupo sa kabilang upuan na nasa harapan ko. Agad naman akong napatingin at nakita ko ang mukha niya na nakangiting napakalaki.

"Ah, may problema ba, Keith?", nag-aanlinlangan kong tanong.

"Hmm? Wala naman, bakit?", nakangiti niyang tanong.

"Uhm, sure ka? Eh, wala naman" sabi ko. Tofu, kinakabahan na naman ako basta siya kausap ko.

Hindi naman ako nakakapaconcentrate sa pagbabasa dahil nakatingin siya sa akin.

"Hailley" tawag niya sa pangalan ko. Tumingin naman agad ako sa kanya, "Hmm?"

"Wala naman. Ang cute mo" sabi niya sabay pisil sa pisngi ko at umalis na agad.

Napahawak naman ako sa pisngi ko at sinundan ng tingin si Keith. Parang namumula ata ako, shemay naman yung Keith na yun!

"Huy! Anong nangyari sayo at ang pula pula mo!"

Napatigil naman ako sa pagkakatulala at napatingin sa nagsalita.

"Mayze! Asan ka ba nanggaling? Kanina pa kita tinatawagan pero di ka naman sumasagot" tanong ko kaagad sa kanya.

Umupo muna siya bago niya ako sinagot, "Sorry na po Mommy Hailley. Nawala kasi ang phone ko. Nakalimutan ko kung saan ko nalagay" pagpapaliwanag niya at nagpout.

"Yan kasi, makakalimutin na. Hahaha" kantyaw ko naman sa kanya ng bigla akong nabulunan.

"Oh, yan kasi nangangatyaw" sabi niya at nag'bleh'.

Binalik ko nalang ang atensyon ko sa libro, ganun din siya. Seryosong mag-aaral kami ngayon.

"Hailley, tara na. Malapit na ang next class natin" sabi ni Mayze at iniligpit na ang gamit niya. Tumango naman ako at niligpit na rin ang gamit ko.

Kaklase ko kasi ngayon si Mayze sa subject na 'to kaya sabay na kaming pumasok.

Pagdating namin sa classroom, wala pa ang prof kaya inubob ko nalang ang mukha sa mesa at pinikit ang mata ko. Shemay, bigla sumakit ang ulo ko.

"Oy, okay ka lang?", tanong sa akin ni Mayze at kinalabit ako. Tumango naman ako sa kanya at ngumiti.

Di nagtagal, nakarating na rin ang prof at nagsimula na siyang magsalita.

Napatingin naman ako sa orasan ko, fifteen minutes more to go, makakauwi na rin ako!

"So, that's all for now. God bless us class. Mag-ingat kayo sa pag-uwi" sabi ng prof namin bago siya lumabas.

"Hailley, una na ako ha? May emergency sa bahay eh. Pasensya ka na, di ako makakasabay sayo" sabi ni Mayze sa akin.

"Sure, sure. Okay lang" sagot ko naman. "Sige, mauna na ako ha? Mag-ingat ka" sabi niya at nagbeso beso bago siya umalis.

Iniligpit ko na ang mga gamit ko at lumabas na ng classroom. Nagulat naman ako ng makita ko siya sa labas ng classroom, nakaupo sa railings.

Bakit siya andito? Baka may hinihintay siya.

Di ko nalang siya pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad, pero, mas nabigla ako ng tinawag niya at pangalan ko at lumapit patungo sa akin.

Mr. Music For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon