Chapter Thirty

140 8 4
                                    

HAILLEY

"Hailley, anong mas bagay? Itong yellow or blue?", sabi niya sabay pakita ng mga dresses na napili niya.

Andito kami sa mall, nag-aya kasi si Mayze na magshopping. Ewan ko sa babaeng to, di naman to mahilig mag-aya ng shopping.

Gusto kasi niya, kapag nagshoshopping siya, ayaw niya ng may kasama. Kaya nagtataka ako kung nagpasama siya, at ang mas nakakagulat, ako pa ang pinapili sa bibilhin niya.

"Aba, malay ko. Walang akong alam sa mga ganyan ganyan. Pero, tinanong mo naman ako, mas bagay sayo ang blue" sabi ko naman sa kanya.

Tumango naman siya at parang seryosong seryoso. Ano ba talaga problema ng babaeng to?

Pagkatapos naming bumili ng dress, pumunta na naman kami sa bilihan ng mga sandals.

Nakaupo lang ako sa upuan habang busy na busy si Mayze sa pamimili ng sandals.

Nagvibrate naman ang phone ko,

insan'Harlley calling ..

"Oh? Napatawag ka?"

"Insan, busy ka ba ngayon?"

"Hmm, kasama ko ngayon si Mayze. Oo, busy ako" sagot ko naman sa kanya.

Hindi naman agad siya nakasagot, akala ko binaba na niya.

"Uie, Harlley andiyan ka pa ba?", tanong ko.

Agad namang napatingin sa akin si Mayze.

"A-ah, oo. Sige. Ibaba ko na 'to. Salamat. Huwag mong kalimutan mamaya ha? Ba-bye!", sabi niya sa kabilang linya at binaba na agad.

Nilagay ko na sa bulsa ko ang phone ng nahagip ng mata ko na nakatingin pa rin sa akin si Mayze.

"Oh? Problema mo?", tanong ko at lumapit sa kanya.

"Ha? Wala. Si Harlley yung kausap mo?", nahihiya niyang tanong.

Binigyan ko naman siya ng nakakalokong tingin at tumawa, "Ayun naman pala eh! Ayiiee. Harlley!!", pang-aasar ko sa kanya at inirapan lang niya ako, at nagbayad nalang sa napili niyang sandals.

Napatingin naman ako sa oras, "Mayze, tara lunch na tayo" sabi ko sa kanya at sabay na kaming pumunta na favorite place namin, McDonalds.

Naghanap muna kami ng table pagkatapos, si Mayze na ang nag-order.

Habang naghihintay kay Mayze, nakiwifi muna ako at nagfacebook.

Nabasa ko naman ang latest status ng feeling gwapo kong pinsan.

Harlley Andrews feeling excited
Finally!

Ano naman ibig sabihin nito?

Nagscroll down nalang ako ng nakita ko ang pinost niya.

Keith C
Right time has come.

Eh? Anong 'right time has come'?

Di ko nalang pinansin at ibinalik na ang phone sa bulsa ko dahil dumating na si Mayze at may kasamang isang crew ng McDo.

"Salamat ho" sabi ni Mayze at umalis na yung crew.

Nagdasal muna kami pagkatapos nagsimula ng kumain.

"So, what's up?", tanong at ininom ang coke ko.

Napatigil naman si Mayze sa pagkain at nagtatakang nakatingin sa akin.

"Uh? The ceiling?", sarkastiko niyang sabi kaya pinitik ko ang noo, " Aray! Ba't mo yun ginawa?"

"Eh, seryoso ako dito. Bigla ka nalang mamimilosopo" sabi ko naman sa kanya. Nagsorry naman siya at umupo ng maayos.

Mr. Music For MeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang