19. Another Plan.

40 1 0
                                    

*CRASH!*

Asar na binato ni Scott ang glass ng wine na hawak nya kaya nabasag ito. Kakaalis lang ni Skyler na nagmamadali dahil at galit na galit sakanya.

Bakit daw ginawa nya yun para lang sa walang kwentang date daw. Ilang beses nya na itong pinigilang umalis at kung ano-ano ng dahilang ang pinagsasabi nya para lang hindi ito umalis. Pero hindi nakinig si Skyler sakanya umalis parin ito na may masama pang tinging binibigay sakanya.

Akala ni Scott ay umaayon na sakanya ang lahat. Ang plano nya pa naman nya ay dapat habang kumakain sila ng dessert ay tatanungin nya si Skyler tungkol sa buhay nito.

Para bang kikilalanin nya ito ng lubusan at iparating kay Skyler na interesado talaga sya dito.

Pero epic failed lang ang nangyari.

*Bzzttt~ Bzzttt~*

Galit na huminga ng malalim si Scott saka kinuha ang cellphone nya.

"What?"-hindi interesadong tanong nya sa taong nasa kabilang linya. Wala na sya sa mood para alamin kung sino ang tumawag sakanya.

"Scott... Narinig ko na yung pinagusapan ng Grandma mo saka nung personal investigator nito sa office."-nakilala agad ni Scott mula sa boses kung sino ang tumawag sakanya si Detective Theo.

"At ano ang narinig mo?"-kunot noong tanong nya dito.

"Kung ano man ang binabalak mo kay Skyler Perez bilisan mo na kasi mukhang pinapahanap na ng Grandma mo si Skyler."-natigilan si Scott sakanyang kinatatayuan ng marinig nya ang sagot ni Detective Theo sa kabilang linya.

Hindi maari.

Hindi maaring maunahan sya ng Grandma nya. Paano kung makita na nito si Skyler?

Paano na sya?

Mawawalan na ba sya ng karapatan sa lahat ng pag mamay-ari ng Dela Vega?

Paano kung makilala na ng kanyang Grandma at ng kanyang Ama si Skyler tapos sya maiiwan ng walang kaalam-alam kung saang lupalop ba sya nanggaling.

Mariin na napakuyom ng kamao si Scott dahil sa mga tanong na sumagi sakanyang isipan.

Hindi sya papayag na mangyari yun.

Kaya dapat maunahan nya ang mga ito kay Skyler at kailangan nyang mapakasalan ito habang hindi pa nagkikita ang Grandma nya at si Skyler.

-••••-

T University | 7:34 AM

KINABUKASAN.

Lakad takbo ang ginawa ni Skyler para mabilis na makapunta sa building nila Kurt. Mamaya pa naman ang klase nya saka gusto nya makausap si Kurt para sa nangyari kagabi.

Pagkaalis nya sa condo ni Scott kagabi ay agad syang pumunta sa Samgyupsal shop para tignan kung bukas parin ito pero huli na si Skyler dahil nung nakapunta na sya dun sa shop ay sarado na.

Galit na galit sya kay Scott sa ginawa nito.

At nakita pa ni Skyler na ang daming text at tawag sakanya galing kay Kurt. Sa malamang nagaalala ito kung ano na nangyari sakanya.

"Nandyan ba si Kurt?"-tanong ni Skyler sa kaklase ni Kurt na nakita nya sa labas.

"Oo ata? Baka nasa loob lang ng classroom."-tinuro nung pinagtanungan ni Skyler ang classroom nila Kurt. Tumango naman sya at nagpasalamat dun sa estudyante.

Marry Me, Skyler Perez [BL | Tagalog] HIATUSWhere stories live. Discover now