Subdivision

36 3 5
                                    

Chapter 24

I kept on looking behind us amidst our nonstop running towards I-don't-even-fucking-know where. Like bitch, ako raw ang target. AKO.

Hindi ko na maintindihan ang nararamdamang kaba at takot knowing na may zombing gustong kumatay sa akin, sabayan pa ng pagkapagod dahil sa walang hintong pagtatakbo namin simula pa kanina sa convenience store. Nag-aalala rin ako kung napano na sina Louize roon.

Are they safe? Si Nica rin at si Zayn, are they okay?

Tuloy-tuloy na tanong ng utak ko.

Tinignan ko ang aming paligid, alam ko kung nasan na kami ngayon. Nasa Carangan na kami at kung hindi ako nagkakamali ay sa unahan lang dito iyong malawak na under construction na subdivision. Sumilip ulit ako sa aming likuran para subaybayin kung nakasunod pa rin ba iyong zombing gusto akong katayin nang buhay. Nakita kong wala kaya medyo gumaan ang aking pakiramdam ngunit nababahala rin dahil sa pag-aalala kung ano na nangyari kina Zayn.

Sa aming giliran ay kitang-kita ang subdivision. Bitch, I'm right. Nasa Carangan na nga kami napadpad. Parte pa rin ng Ozamiz itong Carangan, medyo pamilyar ako sa lugar na ito kasi lagi kaming dumadaan dito ng kapatid ko noong may pinapabili si lolo at lola sa amin ng kung anu-ano sa syudad. I sighed. I miss my family and the peaceful, normal days before this zombie outbreak.

Sa unahan ay may biglang nagsulputan na mahigit pitong zombies at nagtakbuhan na para salubungin kami. Gulat, ay napilitan kaming lumiko papunta sa mahigit isa at kalahating lawak na subdivision. Maalikabok ang buong lugar nitong subdivision dahil sa mga sako ng sementong nagkalat sa kung saan at mga masa ng sementong hindi natapos. May mga bakas din ng dugo na nakapinta sa daan at sa pader ng iilang mga bahay kaya mas nagpanik pa ako. God's sake, ma t-trap na ba kami rito? What if magsisulputan ang mga construction workers na naging zombies na dito? Tapos naalala ko rin na may pitong zombies pa palang kasalukuyang nakahabol sa aming dalawa ni Emi ngayon.

BITCH!

Give us a break!

Instinctively right, ay nagsilabasan sa unahan namin ang mga construction workers na ngayo'y zombies na. Pinakaumay pa ay hindi lang ito lima o anim. Mahigit sampu.

Yes, bitch. TEN.

Agad namang kinuha ni Emi ang pala na nasa malapit namin at sinundo ng hampas ang mga nagtangkang lumapit. Napayuko nalang ako sa giliran habang hawak ang aking nag-iisang patalim. Nagpapanik na ako at hindi makapag-isip nang maayos kung ano ang gagawin ko sapagka't may pito pang mga zombies na nasa likuran namin.

"Lillian, tulong!" hingi ni Emi habang patuloy na pinaghahampas at pinagtataboy ang mga kalaban gamit ang palang dala.

Kasabay ng aking napakabilis na paghinga, I scanned my surrounding hoping to spot something useful to use. May steel kaso anlalaki, di ko kayang buhatin. Bato, sako ng semento, bricks...

Bitch? Seriously?!

Without any other options, kinuha ko ang mga bato at pinagbabato sa mga zombies.

"Lillian, seryoso?!" di makapaniwalang sambit ni Emi sa napakawalang kwenta kong ginawa.

"Girl, your dagger. Gamitin mo!" she muttered while currently struggling in holding off the zombies.

Napagtanto ko ang dagger ko at agad na tinulungan si Emi at buong lakas na pinagsasaksak sa ulo ang dalawang zombies.

I swear. Panic is making me dumb.

Pinaghahampas din ni Emi ang isa pang zombie kaya anim nalang kaso palapit na yong pito pa sa aming likuran. Wala kaming magawa kung hindi ay tumakbo ulit. Pumasok kami sa isang two storey residential house na malapit na matapos. Isasara ko pa sana ang pinto kaso nakapasok na ang mga zombies. Tinahak namin ang second floor at magtatago sana sa isang kuwarto nitong bahay kaso wala pa palang pinto ang mga rooms dito sa itaas. Ginamit ni Emi ang pala niya para harangin ang mga kumaripas papasok sa kuwarto kung saan na kami ngayon. Agad ko namang tinusok sa mata ang nasa unahan mismo.

THE DEAD ARE NOT GONE FOREVER (Zombie Slayer)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon