Chapter 32

11.5K 361 24
                                    

Tristan's Point Of View:

Mabilis kong inasikaso si Cathalina dahil hindi nila puwedeng makita ang asawa ko. Kanina ay napansin ko rin na may mga taong panay ang tingin sa room ni Cathalina maliban sa mga guards na nasa labas, hindi na rin maganda na nandito kami dahil panay ang tingin nila at masama na ang kutob ko sa ganito. Inayos ko si Cathalina pagkatapos kong ilagay ang baril sa gilid ng pants ko, huminga ako nang malalim at agad na nilagay ang mga unan sa kama para magmukhang nandoon si Cathalina.

“Don’t worry babe, aalis tayo dito.” Nahihirapan ako lalo pa‘t hindi pa rin maganda ang lagay niya. Alam kong matapang si Cathalina at alam kong hindi niya kami iiwan.

Mabilis kong nilagay sa braso ko si Stella na nakatingin sa kanyang Mommy. Ngumiti ako kay Stella at agad na hinalikan ang kanyang noo, kung puwede ko lang kunin ang poison sa kanyang katawan ay matagal ko ng ginawa dahil ayokong magkaroon ng ano mang sakit si Cathalina.

“Doon tayo sa likod dadaan,” ani ni Hades. “Nandoon ang mga guards at nandito rin ang royal car ngunit kailangan nating ma-labas agad si Cathalina.”

I nodded my head. Tinignan ko si Cathalina na nasa wheelchair habang nasa kanyang katawan ang tela para hindi makita ang mukha niya. Hinalikan ko ang noo ni Cathalina dahil hindi pa s‘ya nam-monitor ng doctor dahil biglaan ang nangyari ngayon. Hindi pa rin kasi nalalabas ang poison sa katawan niya dahil kailangan pa ng operation. Akala ko normal na bullet lamang ‘yun ngunit nalaman namin na hindi pala.

Narinig namin ang alarm at mabilis kaming lumabas. Tinignan ko si Cathalina at agad kaming lumabas habang ang dalawang anak ko ay na kina Noemie at Arkin na parehas na seryoso at agad kaming lumabas, niyakap ko si Stella habang nasa isang kamay ko ang baril. Panay ang tingin ko kay Cathalina dahil gusto kong maayos ang lagay niya.

“Fuck!” si Hades sa malakas na boses kaya agad akong natigilan. “They’re following us!”

We ran as much as we can. Mabilis kaming nakarating sa parking lot sa likod at mabilis kong pinasok si Stella sa kotse. I cursed under my breathe nang marinig ang putok ng baril kaya mabilis kong inayos ang asawa ko at agad na nagtago sa gilid. Bakit ba kasi sila nandito? Ano bang kailangan nila sa amin?

“What should we do?” kalmadong tanong ko habang nakatingin sa dalawang baril na hawak ko.

“We need to kill.” Tumango ako at nag-tanong kung bakit nila kailangan si Cathalina. “Once na nakuha nila ang magiging reyna ay magagawa nila ang gusto nila dahil si Princess Cathalina ang isa sa mga importanteng tao na kailangan ng bawat palace. Kung makukuha nila ang first born, magiging delikado ang kalagayan ng Valeria Palace.”

“Kaya pala ganun na lamang ang kagustuhan nilang kunin si Cathalina.” Napatingin ako kay Arkin. “Sobrang importante pala ng asawa mo.”

Nagpaputok kami ng baril at isa-isa kaming nag-tago. Isa ito sa mga natutunan ko kay Cathalina at sa bawat araw na nag-training ako ay hindi ko na namamalayan na nagagawa ko ang kilos niya, sinabi niya sa akin na magagamit ko rin ito para sa ibang bagay. We almost trained everyday, walang asa-asawa kay Cathalina dahil gustong gusto niya na natututo ako ngunit nananatili akong marahan sa kanya, ayokong nasasaktan ko s’ya ngunit sinusugod niya ako nang mabilis at walang awa kaya wala akong magawa kundi ang gawin ang gusto niya.

“Damn it!” sigaw ko. “Sasakay na ako sa kotse, sumama ka na!”

Tinignan ako ni Arkin at sabay kaming sumakay sa kotse, pinunasan ko ang pawis ko at agad na tinignan si Noemie na nakatingin sa labas. Mabuti na lamang at bullet proof ang kotse kaya hindi nila mabilis na masisira, mabilis kong pinaandar ang kotse habang ang isa kong kamay ay nasa labas at nagpapaputok.

Mafia Series 1: Guarding The Mafia Heir Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon