Chapter 45

11.2K 278 30
                                    

[The Vengeance 3]

Cathalina's POV:

Gigil, Galit, Poot, Lahat na ata ay nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Nagmamadali silang umalis kanina, hawak ko pa rin ang baril at nakatingin sa kanila na naglalakad palayo. Sobrang kapal ng mukha nila! Hindi ko alam saan niya ba nahugot ang kakapalan ng mukha! Nasa lahi na ata nila ang ganun! Naiinis na ako sa totoo lang! Huminga ako ng malalim lumapit si Luke sa'kin at inilahad ang kamay niya hinihingi ang baril.

"Give me the gun, Princess." mahinahon na saad niya.

"Bakit ninyo sila pinayagang makapunta dito?!" i hissed at tinignan s'ya na nakalahad pa rin ang kamay.

"I said give me the gun and calm down." mariin na saad niya at mariin rin ang tingin sa'kin.

Mahigpit ang kapit ko sa baril pero nagkataon na napatingin ako sa mga anak ko. Inosente sila nakatingin sa'kin, kumalma ako habang nakatingin sa kanila na tinuturo pa ako. Huminga ako ng malalim at padabog na binigay ang baril sa kanya. Nag-aalab ang galit sa puso ko, piling ko anong oras ay sasabog na ako. Pagkatapos ng ginawa kong plano sana naman matapos na ang lahat, pero alam kong hindi, dahil hindi sila titigil hangga't sa maubos kami.

"We were shock that they here, akala ko nakasalubong mo sila kanina.." saad niya sa'kin.

"May dinaanan lang ako sa bahay kanina." saad ko at nilayasan s'ya doon. "Tita.." yumukod ako ng kaunti sa kanila.

"Ayos ka lang ba?" tanong ng isa sa mga kapatid ni papa, malamlam ang mga mata.

"Don't mind me.." saad ko sa kanya. "I don't need sympathy.." mahinang saad ko sa kanila.

I looked at my father, naninikip na naman ang dibdib ko habang nakatingin sa kabaong niya. I sighed and caress it purong puti ang suot niya, hindi nagbago ang mukha niya. Nalipat ang paningin ko kay Hades, ang matalik na kaibigan ko simula ng bata pa ako.

"I'm sorry Hades.." saad ko sa kanya. "I didn't saved you.." i whispered and sighed.

Nakatitig lang ako sa dalawang kabaong ng mahagip ng mata ko ang Jar. Nanlambot agad ako ng makita ang abo ng anak ko, ang anak kong hindi ko alam na nasa loob pala ng tyan ko. Hinaplos ko ang Jar, nangilid agad ang mga luha sa mata ko. Naramdaman ko nalang ang braso ni Tristan na naka-agapay sa'kin, hindi ko s'ya binalingan ng tingin.

"A-anak.." my voice cracked when i uttered a word. "Bakit mo ako iniwan? P-patawarin mo ako k-kung h-hindi manlang kita naprotektahan.." umiiyak na saad ko kaya huminga ako ng malalim.

Wala akong alam, dahil nung nag test ako negative ako. Pinakita ko pa nga kay Tristan 'yun, pero now wala na s'ya. Piling ko nag pabaya ako hindi man lang ako nagpacheck-up. Nanghihina ako habang hinahaplos ang jar ng anak ko. Hinayaan ko ang luha sa mga mata ko na dumaloy sa pisngi ko, Tristan hugged me and i heard him cried. Alam kong masakit para sa kanya, ganun rin sa'kin. Pero swear, hindi ko siya kailanman sinisi sa lahat dahil una sa lahat, ako ang nagpabaya sa anak namin.

"Stop, crying baby.. masakit para sa'kin na nakikita kang ganyan.." he whispered on my neck as he hugged me. "And don't blame yourself, wala kang kasalanan sa lahat.. asawa mo ako kaya tell me if you're hurting. Wag mong sarilihin.." saad niya at niyakap pa ako.

Hanggang gabi nakatulala lang ako sa kabaong ng daddy ko, at sa anak ko at kay hades. Kumakain ako pero kaunti lang, inaasikaso ko rin ang mga anak ko. Minsan, hindi ko na napapansin ang oras at nakaupo lang ako the whole time. Minsan kinukulit ako nila stella, wala ako sa mood pero dahil makulit sila pinipilit ko na lang rin.

"Kumain ka muna baby.." saad ni Tristan at inabot ang kape at ang plato. "Eat." maotoridad na saad niya pa.

I ts-ked at kinuha ang pagkain sa kamay niya ngisi ngisi naman ang loko. Huminga ako ng malalim, hindi ko talaga kayang kumain nilapag ko agad ang pagkain ko. Katabi ko lang s'ya at inaasikaso ang mga anak namin na kumakain. Tumunog ang cellphone ko kaya tumayo ako at naglakad palayo.

Mafia Series 1: Guarding The Mafia Heir Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon