21

7.9K 440 150
                                        

[MESSAGES]

Jullienne
Today, 8: 23 AM

Whiskey
Yen
Kapatid mo ba 'tong Sugar
Kaapelyido mo e

Jullienne
Oo
Ano na naman bang ginawa

Whiskey
Wala naman
Limang babae na nagte-text sakin ngayong linggo
Inaaya ako mag-date
Putcha

Jullienne
OH MY GOD
Sorry talaga
Ewan ko ba sa batang yon
Kung di lang shaky ang health ni Daddy
Sinumbong ko na talaga yon
Huwag mo na lang pansinin
Pati nga si Daisy dinamay e
E isa rin 'yon na loka-loka

Whiskey
Hahahaha
Iba na talaga trip ng kabataan ngayon

Jullienne
Nabaliw nga sa kapatid mo
Grabe parang dati lang
Nanggugulo pa si Kit kapag gumagawa tayo ng report sa bahay niyo
Ngayon ang laki na

Whiskey
Wala naman pinagbago yon
Lumaki lang
Pero hindi pa rin marunong maghugas ng plato
at maglaba ng underwear
Ay nadulas

Jullienne
Really???
Sabihin ko nga kay Shu
Nga pala, pupunta ka sa reunion?

Whiskey
Reunion?

Jullienne
Reunion ng batch natin?
Wala ka bang natanggap na email
Sa sabado na yon ah

Whiskey
Teka tignan ko
AY
Oo nga

Jullienne
Punta ka ah?
Dito lang naman sa bahay
Everyone will be there kaya pumunta ka
Read 8: 48 AM

▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃

[TWITTER]

#MagparehistroKa @whiskeyismad
Sino pa ba may gusto diyan sa kapatid ko

#MagparehistroKa @whiskeyismad
Guato ko lang sabihin na hindi yon marunong maglaba ng brief niya

Kit @kitmadriaga
Wtf kuya?!!!!!

#MagparehistroKa @whiskeyismad
O bakit? Noong kaedaran kita marunong na ako maglaba ng underwear, e. Flex yon. 👍🏻

Celestial EscapeWhere stories live. Discover now