52.1

6.5K 467 157
                                    

[CELESTIAL ESCAPE: 52]

Note: You can skip this one if you don't like
(quick) narration. It has no bearing on your reading experience.

▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃

Napalingon si Whiskey sa ibabaw ng kaniyang kama nang tumunog ang kaniyang cellphone. The rapid sound of the keyboard disappeared as he found himself running towards the gadget. Nang makita kung sino ang nagpadala ng mensahe ay bahagyang nawala ang kunot sa kaniyang noo. He was stressed out because he was trashtalking with a child in a certain roblox game. That's what he does whenever he's bored. Pamatay lang ng oras. Pampaantok.

"Doon ka kay Truce kaya," he whispered after reading the message.

But nevertheless, he found himself going outside, as he waited for the delivery guy to arrive at their address. Naisip niyang siya na lang ang maghatid sa dalaga dahil baka mangyari na naman ulit 'yung nakaraan. Hindi siya natatakot para rito, natatakot siya para sa driver. He was supposed to kill time until sleep knocks in his system. But look what he ended up doing. Ang nakakapagtaka, hindi niya makuhang matanggihan.

"Salamat boss," sambit niya pagkarating ng driver. "Ito tip boss pang yosi."

Nang matignan at makasigurado sa bitbit, naglakad na siya papunta sa bahay ng dalaga. Suot ang puting t-shirt at pajama, naka-tsinelas, kumportableng nag-martsa si Whiskey. He was humming a certain melody as he continued to walk towards his destination.

Ilang saglit pa, nagsalubong ang kilay niya nang matanaw sa malayo si Sugar. The girl was also wearing her pink pajamas and cute headband. Panay ang tapik nito sa kaniyang hita dahil pinapapak na ito ng lamok.

"Kulit talaga," bulong niya.

When Sugar looked in his direction, there was a sudden glint of excitement in her eyes. Bumaba ang tingin nito sa kaniyang dala na mas lalong kinatuwa ng dalaga. Hindi pa man din siya nakakalapit sa pwesto nito, kusa na itong tumakbo sa kaniya na parang batang naghihintay ng pasalubong.

"Oh." Inabot ni Whiskey ang dalawang box ng pizza. Ang isang kamay ay nasa bulsa ng pajama. Nakanguso habang nakatingin sa ibang direksyon.

Sugar's smile widened. Kinuha nito ang pizza, bahagyang namumula ang magkabilang pisngi, at nangyari ang hindi niya inaasahan.

Niyakap siya ng dalaga sa beywang.

"Thank you, Lolo!" Sugar beamed.

Hanggang sa makaalis na ito sa kaniyang harap, nanatili siyang estatwa sa kinatatayuan. Dumapo ang kaniyang daliri sa parte kung saan pumalibot ang kamay ni Sugar. Ilang beses siyang napamura. Napakurap siya nang muling tumunog ang kaniyang telepono. Curious to know who it was, he ended up smiling like an idiot.

Sugar:

Hala i'm sorry for the hug!
I got carried away becz of the food
Thank u again and good night, lolo

Tumalikod siya, nilagay ang kamay sa magkabilang bulsa, at nagsimula ulit maglakad pauwi ng bahay. Ramdam niya ang init ng kaniyang tainga at leeg. Muli siyang ngumuso.

"Cute talaga."

Kailangan ko na magdasal.

Celestial EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon