76

5.8K 320 113
                                    

[MESSAGES]

Jullienne
Today, 3: 32 PM

Jullienne
Hi Whiskey!

Whiskey
Oy yen
Bakit?

Jullienne
Can you come to our house?

Whiskey
Huh
Ngayon?

Jullienne
Oo sana
OT ako sa work e
Kaya hindi ako makakauwi nang maaga
Si Daddy naman nasa kuwarto lang yon
Kailangan kasi ni shu ng kasama

Whiskey
May nangyari ba?

Jullienne
Namatay kasi aso namin
Si Hermes
Kahapon

Whiskey
HA

Jullienne
Oo
E bago niya maging kaibigan sila Lovely
Si Hermes ang una niyang naging kaibigan
Lagi niya sinasabi kahapon na okay lang siya
Tapos kanina rin bago ako umalis
Pero halatang hindi
Kaya natatakot ako
Puntahan mo siya please?

Whiskey
Sige
Punta ako

Jullienne
Salamat Whiskey
Sobrang salamat

Whiskey
Wala yon yen
Hindi naman iba sakin ang kapatid mo

• •

Kit
Today, 4: 32 PM

Kit
Kuya san ka pupunta
Yung utos daw ni mama
Don't forget

Whiskey
Oo na
Kumuha pala ako pera sa alkansya mo
Pautang lang muna

Kit
ANO
KUYA!!!!!
SUSUMBONG TALAGA KITA KAY MAMA
PARA MAHATAW KA

Whiskey
Luh
OA mo
Babayaran ko agad pag-uwi ko
Wala lang akong barya

Kit
Kinakalimutan mo nga utang mo e
Hindi ako naniniwala

Whiskey
Hoy
Noong hinugasan ko ba pwet mo nung baby ka pa
Nagreklamo ba ako?
Tado ka ah

Kit
ANONG CONNECT

Whiskey
The dots
Sige na ang ingay mo
Bye

Kit
Pambibili mo lang yan ng robux eh!!!!

Celestial EscapeWhere stories live. Discover now