Prologue

13 0 0
                                    

"Mag sabi ka ng totoo! Anak ko ba siya, Shamel?" Maluha luhang tanong niya sa akin.


Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa itsura niya ngayon o maaawa?



May mga tao talaga na akala mo sila ang naging biktima at ganun na lang magpaawa. Wala pa rin talagang kupas ang isang Jedron! Just like the old times pa Sad boy pa rin siya. Hindi na ba talaga siya magbabago?




"Anong pinagsasasabi mo dyan? Ofcourse not! Anak ko siya, anak ko at kailanman hinding hindi ikaw ang kikilalanin niyang ama" Giit ko sa kanya.




Anong karapatan niya para maging ama ng anak ko? He left us, he left me when I needed him the most. Tapos ngayong okay na kami bigla bigla na lang siyang susulpot sa harapan namin na para bang ganun ganun na lang yon? Na sa isang iglap matatanggap namin siya?




"Pero sa pagkakatanda ko bago tayo maghiwalay ,apat taon na ang nakalipas. Sinabi mo sa akin na buntis ka at ako ang ama" sigaw niya sa akin.




Iyon na nga siguro ang pinaka maling nagawa ko, ang ipaalam sa kanyang buntis ako at siya ang kasama kong bumuo. Maling mali ako sa pag a-akalang paninindigan niya ako at ang anak ko.






"Oo nga pala sinabi ko sayo ang totoo, pero sa mga oras na yon na sinabi mong magiging sagabal sa mga plano mo at pangarap mo ang pinagbubuntis ko. Doon pa lang Jedron, nawalan ka na ng karapatang maging ama ng anak ko" Kalmado pa rin na pagkakasabi ko pero kung wala lang dito ang baby ko ay nasampal ko na siguro siya!





Siya mismo ang nagsabi na hindi niya kami gustong maging parte ng buhay niya. Kaya anong pag iinarte tong mga sinasabi niya?







"Shamel" tawag niya sa akin. Patuloy pa rin ang pagbuhos ng luha sa mga mata niya. Bakit ba nagpapakaplastik pa tong lalaking to?



Pangungulila, yan ang nakikita ko sa kanya. Pero hinding hindi na ako magpapadala muli sa mga mata niya.





Nginitian ko lang siya at hinayaang magsalita. This time pakikingan ko lang siya. hahayaam ko siyang mag paliwanag o kung ano man.



"I'm so sorry, napaka imature at tarantado ko nung mga panahon na yon. Hindi ko man lang pinanindigan ang responsibilidad ko sayo. Wala akong ibang inisip kung hindi ang sarili at future ko. Hindi ko naman inasahan na mawawala kayo ng tuluyan sakin dahil sa pagiging walang kwenta ko. Pinagsisisihan ko lahat ng iyon. Sana mapatawad mo ko at hayaan mong bawiin ko ang mga taon na wala ako sa tabi niyo. Handa na ko Shamel. Kayang kaya ko na kayong buhayin ng anak natin. At magpa-hanggang ngayon, mahal pa rin kita" pagsusumamo niya sa akin. Lintik na pagmamahal yan!




"Hindi mo na kailangang humingi ng tawad Jed, napatawad na kita" nakita ko ang pagkislap ng mata niya at ang abot tengang ngiti niya.




Kitang kita kong umaasa siyang sabihin kong hahayaan ko siya maging parte pa ng buhay namin.







"Hindi mo na rin kailangan pang bumalik sa buhay namin dahil nakaya ko naman mag isang buhayin ang anak ko and I can assure you that we don't need a jerk like you anymore" He smiled bitterly kinarga ko ang anak ko at naglakad palayo sa kanya. Sa pagkakataong ito, kami naman ang lalayo sa buhay niya. Niligon ko siya bago kami tuluyan lumabas ng pinto and I saw how disappointed he was. I saw the sadness na inasahan kong makikita ko sa kanya 4 years ago.




Hinding hindi ko na gugustuhing bumalik pa sa buhay namin si Jed. Hindi na. Tama na yung pagpapasakit niya sakin at sa anak ko.




Kung dumating man ang pagkakataong gustuhin siyang kilalanin ni Primo ay hahayaan ko ang anak kong makilala ang totoo niyang ama pero sa ngayon ay hindi ko hahayaang magpaka ama siya sa kanya. I will never allow him hurt us again.


"Mommy will do everything to protect you, baby" bulong ko sa anak ko.

Hinding hindi magkukulang sa pagmamahal na mararanasan ang anak ko, after all he have me.

Out of the BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon