OOTB 1

10 0 0
                                    

"Hi magandang binibini, maari ba akong maki upo dito" magalang na tanong ng isang lalaking ngayon ko lamang nakita dito.



"Sure, aalis na rin naman ako kay sige sayo na ang pwesto ko" walang pang aalinlangang sagot ko.



Kinuha ko ang mga libro ko at tumayo na. Katatalikod ko pa lamang nung naramdaman ko ang paghawak niya sa balikat ko. Ayokong may humahawak sakin, ayoko.



"Wait, miss, I just want to know you" Sabi Niya,
I faced him and slapped him.


Deserve.

"Aww para saan naman yon?" Nagtatakang tanong niya habang hawak hawak pa rin ang kanyang namumulang pisngi.

Pinipigilan ko naman ang tawa dahil sa reaksyon niya.


"Para ipaalala sayo na hindi ka dapat basta bastang nanghahawak ng babaeng hindi mo kilala" nginitian ko siya at tumalikod muli.




"Sorry, I just want to know your name" sambit niya.




"Shamel, shamel ang pangalan ko" sagot ko naman sa kanya.




"I will not forget your beautiful name, Shamel" iniwan ko siyang hawak hawak pa rin ang pisnging sinampal ko.





Alam kong mali ang ginawa ko pero yon talaga ang initial reaction ko kapag hinahawakan ako ng lalaking hindi ko kilala.





Umalis na ako sa tinatambayan ko at lumipat ng library dito ko na lang ipagpapatuloy ang pagrereview ko.




"Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap" masiglang pagkakasabi ni Cali.




"Saya mo today ah,nakita mo na naman crush mo no?" Biro ko sa kanya.

"More than that girl, may nakita akong isang lalaki napaka gwapo" kinikilig na hampas niya sakin.

"bruha wag kang maingay nasa library tayo, magagalit na naman niyan si Ms. Jane" saway ko sa kanya.

"Sorry na ang gwapo niya lang kasi talaga tapos ngayon ko lang siya nakita dito" humahagikgik na sabi niya. Pag talaga may nakikita siyang gwapo lumalabas ang pagkamaingay niya.

"Baka naman kasi hindi siya dito nag aaral kaya ngayon mo lang nakita" komento ko.

"Hmm pwede pero sana makita ko ulit siya, sobrang hindi siya nakakasawang tignan lalo na ang mga mata niyang nangungusap"

"Alam mo kapag narinig ka ng manliligaw mo matuturn off yon sa kalandian mo"biro ko sa kanya at nagtawanan kami ng mahina

"Tapos ka na ba? Kain tayo nagugutom ako" yaya niya.


"Samahan na lang kita, alam mo namang nagtitipid ako at malapit na ang bayaran ng apartment ko" nakangiting tugon ko.


"Libre kita ano ka ba, niyaya nga kita diba? So ako ang taya" nakangiting sabi niya sa akin.

"Palagi mo na lang akong nililibre, nakakahiya na. Ang dami kong utang sayo" saad ko.

Kalimitan kasi siya ang nagiging sandalan ko kapag gipit na gipit na ako. Lalo na't hindi naman ako umaasa sa Mama ko at sa pangalawang asawa nito.


"Magkaibigan tayo Shamel, at alam mo namang naiintindihan ko ang sitwasyon mo kaya tara na tumayo ka na dyan at kumain tayo" nakabguting sabi niya.


wala talaga akong masabi sa kabaitan ni Cali, halos lahat ng students dito ay kaibigan niya. Wala siyang pinipili. Maging ako na hindi niya kalevel ay naging pinaka matalik na kaibigan niya at lubos akong nagpapasalamat na nakilala ko siya.


Out of the BlueWhere stories live. Discover now