OOTB 2

4 0 0
                                    

"Mauna na ako helen, may kailangan pa kong aralin. Bye! ingat ka pag uwi ah" paalam ko sa katrabaho ko.

"Sige, Shamel salamat. Ikaw rin mag ingat ka! Kita tayo bukas!" sagot naman niya sakin.

Paalis na sana ako sa isang fastfood chain kung saan ako nagpa part time ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Kung mamalasin nga naman inabutan pa ko, tinignan ko kung may payong akong dala ngunit wala akong nakita. Malamang ay naiwan ko na naman sa apartment.

"Of all the people out there bakit ako na yata ang pinakamalas ngayong araw?" Bulong ko sa hangin habang naghihintay ng himala.


nakaka urat naman kasi ang mga nangyayari ngayong araw. wala na atang pag asang makauwi pa ko sa lakas ng ulan na yan. Tiyak na gagabihin na naman ako.


"Baka kasi hindi mo pa nakikilala ang swerte sa buhay mo, hello andito na nga pala ang lucky charm mo" nakangising sabi niya.




tinitigan ko siya ng masama bago ako nagsalita. Siya yung lalaking sinampal ko nung nakaraang araw!


"Ikaw na naman?" naiirita kong tanong sa kanya.




Sinusundan ba ako ng lalaking ito? o sadyang coincidence lang lahat?


"Hi Shamel, wala pa ring kupas ang ganda mo. Pero mas maganda ka sana kung hindi mo ko laging sinusungitan" hindi ko alam kung nang aasar ba siya o sadyang nagagandahan siya sa akin. pero saang banda naman? Nakaka Gago lang yung sinabi niyang maganda ako.




"Sorry Sir ah, wala akong oras makipagbiruaan sayo" sabi ko na lamang sa kanya at umiwas na ako ng tingin.




Pero persistent ang kakulitan niya kahit nung unang beses pa lang kaming nagkita ay nasampal ko na siya. Baka naenjoy niya yung sampal ko at gusto pa niya ng isa? Willing naman ang kamay kong dumapo sa maamo niyang mukha kahit paulit ulit pa.


"Wala kang payong? Ihahatid na kita" nakangiting paanyaya niya sa akin.



Tinignan ko siya at nakita ko na naman ang mga ngiti niya, bakit ang amo amo talaga ng mukha niya.




"At bakit mo naman ako ihahatid? Ni hindi pa nga tayo magkakilala" sabi ko na pang dahil natutunaw talaga ko sa mga mata at ngiti niya.




"Fine, let me introduce myself. I am Jedron Constantin Barrameda and you are?" Constantin, bagay na bagay sa kanya ang kanyang pangalan.




"Astraea Clementine Rojas" ayoko talagang binabanggit buong pangalan ko pero dahil nagpakilala naman na siya kaya siguro ayos lang magpakilala na rin ako.




"Tapos nickname mo yung Shamel? How cute" komento niya.

"Astraea Clementin, sounds like meant for Jedron Constantin" dagdag pa niya. Hindi ko na lang siya pinansin sa mga huling sinabi niya.


"That's what my auntie called me. Masyado daw kasi common kapag AC or thea. Kaya ni-ramble niya name ko at nabuo niya yung Shamel" I shared how my nickname was form.



I'm not comfortable at telling people na my auntie gave me that nickname since she was gone. The only person who believed in me. The one who truly loves ne and gave me everything. But I guess its okay na sabihin sa kanya since mabait naman siya.




"Unique, Just like you" he commended.




"Thankyou, maitanong ko lang ano nga palang  ginagawa mo dito? Hindi naman sa pagiging feelingera pero sinusundan mo ba ako?" Nginitian ko siya. Hindi naman pala masamang ngitian ko siya.




Out of the BlueOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz