Chapter 3

5.8K 202 16
                                    


Chapter 3

NATHAN LOUIS POV

"Hayss ano ba yan bessy, Anong oras ba sila pupunta?sayaw na sayaw na ako sa loob oh" Reklamo ni Ella , my friend.

"Teka lang tatawagan ko siya" Saad ko. Kinuha ko ang cellphone ko at pagkakuha ko ay may papalapit na magkabarkada samin. Napatingin ang isang lalaki sa amin at lumapit.

"Uyy Pare, Ikaw ba si Nathan? Yung sa the black claws?" Tanong ng lalaki sa akin.

"Ah yes, ako nga." Saad ko dito. Napatingin yung mga kasama niya sakin.

"Uy Pre si Nathan oh" Saad ng lalaking nagtanong sakin.


"Uyy Gagi si Nathan! Lods, pwede mag papic?"Saad noong isang naka-hoodie.


"Ah sure." Saad ko. Lumapit ito sakin at inakbayan ako tas nagpicture kami ng tatlong bases.

"Uy ako naman!"Saad noong isa. Isa-isa silang nagpapic. sakin at nagpaalam na silang pumasok sa bar. Inaya pa nito na sumama kami sa kanila ngunit tumanggi ako.


"Inferness may itsura silang lahat ah? Sama kaya tayo sa kanila" Saad ni Ella. Napataray nalang ako sa kanya at kinuha yung cellphone ko at denial yung number ni Jackson. Maya-maya ay sumagot ito.

"Hello? Nasan na ba kayo? Kanina pa kami naghihintay dito oh" Inis na saad ko.

"Sorry, traffic kaya. Pumasok nalang kayo sa loob tas magorder narin kayo, otw na kami" Saad nito.


"Hayss bahala ka" Saad ko at pinatay yung tawag.


"Oh ano daw sabi?"Tanong ni Ella.

"Pasok na daw tayo, papunta na sila."Saad ko.

"'yon oh! Lezzgo!!" Saad nito at hinila ako papasok ng club. Agad na bumungad samin ang malakas na musika at ang mga nagsasayawang tao. Humanap kami ng mauupuan ni Ella at nagorder narin ng maiinom.

"Oh my god!, Ang gaganda ng music nila dito!" Saad ni Ella. Hindi ko nalang siya pinansin at tumingin sa mga nagsasayawang tao.

Halos 20 minutes kaming naghintay bago makadating sila jackson kasama ang GF nito.


" Nathan, Ashley nga pala Gf ko and Ashley this is my kuya's siblings in father, which is obviously my Tito but he's just on my age so I treat him like a friend Nathan and her friend, Ella." Pagpapakilala ni Nathan samin. Tumingin ako sa babae at mukhang bata pa ito pero marunong ng pumorma at masasabi kong may natural beauty siya.


"Hi, I'm Ashley! Jackson's girlfriend. Nice to meet you!"Saad nito.


"Hello! Ang ganda mo naman! I'm Ella, Nathan's bestfriend" Pagpapakilala ni Ella.


Kidnapped by a Mafia bossKde žijí příběhy. Začni objevovat