Chapter 10

4.5K 176 5
                                    


CHAPTER 10


NATHAN LOUIS POV


"Siraulo!Wag ka muna matutulog paparating na mamaya si boss"


"Ei bakit pa kasi kailangan bantayan to ei pwede namang ilock nalang yung basement"


"Ang arte mo. Sumbong kita kay boss ei. Ilapag mo na lang yang sopas sa tabi niya"


Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko. Nakaramdam ako ng lamig sa kinahihigaan ko at ramdam ko ang sakit ng buong katawan ko dahil sa matigas na hinihigaan ko. Binuksan ko unti ang mata ko at may nakita akong dalawang taong nakatayo at yung isa ay may hawak hawak na mangkok.


Linibot ko ang mata ko sa paligid at nakita kong medyo madilim at malawak ang kinalalagyan ko. Pinikit ko ulit ang mata ko nang may magsalita ulit sa kanila.


"Hindi pa ba gising 'tong batang 'to? Tangna ang tagal magising" Nakarinig ako ng yapak papalapit sakin. May naramdaman na lamang akong tumadyak sakin. Pinilit kong huwag gumawa ng ingay at galaw. Nagtulog-tulugan ako para hindi nila mahalata.


"Tulog mantika 'ata 'to" Rinig kong sabi..


Erkkk***

Nakarinig ako ng tunog na tila galing sa pinto. Nakarinig ulit ako ng yapak at may isang lalaking nagsalita.


"Psst..Magpahinga na kayo sa taas at ako ng bahala dito" Malalim na boses ang nagsalita.

"Salamat boss!" Saad nung dalawang lalaking naguusap kanina. Narinig ko ang yapak ng dalawa papalabas at narinig ko ang pagsarado ng pinto. Bigla na lamang tumahimik ang paligid hanggang sa narinig kong naglakad ang lalaki na kakapasok lang papalapit sa akin at bigla na lamang ulit akong sinipa ng malakas.


"Wake up kiddo. Alam kong gising ka" Saad nito nagkasalubong ang kilay ko nang buksan ko ang aking mata. Sinamaan ko ng tingin ang lalaking nasa harap ko.

"Don't look at me like that. Umupo ka" Utos nito. Unti-unti naman akong umupo habang nakatingin sa kanya ng masama at napatingin ako sa paanan ko nang may naramdaman akong matigas na bagay na nakabalot dito. Nakita kong nakaposas ang mga paa ko at nakita ko rin ang pamamaga nito.


"Here, kumain ka na dahil paparating na si Sir. Calex" Saad nito at linapit sa mukha ko yung mangkok. Umiwas agad ako dito at tumingin ulit sa kanya.


"Sino ka?" Tanong ko. Napabuntong-hininga ito at umupo sa harap ko.


"My name is Yno. How about you? What's your name?" Saad nito at nakipagtitigan sakin at linapit niya ang mukha niya sakin.


Kidnapped by a Mafia bossWhere stories live. Discover now