t w e n t y - s i x

1K 35 13
                                    

26

 I can do and sacrifice everything

 Bakit kaya ganon? Sa lahat ng pwedeng ma inlove sa akin, bakit si Jongin pa? Isang lalaking pilit na inaabot ng nakararami, isang talentadong nilalang na ubod ng kagwapuhan ang binigay sa akin? I know, I know. Masama tumanggi sa grasya pero hindi  ba parang sobra-sobra naman ata ito? 

Sa tanang buhay ko, wala na akong ginawang tama. Hindi naman ako naging mabuting anak sa mga magulang ko dahil wala na akong ibang ginawa kundi gastahin ang perang pinaghihirapan nila. Alam kung maling mahalin ang isang taong nagngangalang si Park Chanyeol pero anong ginawa ko? 

Nagsimula ang lahat sa pagkakaron ng simpleng paghanga sa kanya. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, lumalim ang damdamin ko para sa kanya. Ganyan naman ang buhay hindi ba? Life is so unpredictable. 

Minsan kasi, maiinlove ka na lang sa crush mo dahil sa mga iniisip mong ginagawa niya o gagawin niya sa sarili mong mundo, kahit na ang totoo ay hindi naman talaga mangyayari sa real life. Sobrang pag daydream. 

Pero hindi ko pinagsisisihan na minahal ko siya dahil sa totoo lang, masaya ako dahil minahal ko siya. Kahit na minsan nasasaktan na ako at nahihirapan, hindi ko mapigilan na mahalin siya ng lubos. 

"Nadia, malalim ata ang naiisip mo?" napatigil ako sa pagiisip ng tanungin ako ni Mama habang nagdidinner kami dito sa rest house namin dito sa Jeju Island. Yep, we are on a vacation! Sobrang masaya ako dahil after so many months, nagkasama ulit kami. You all know naman siguro na sobrang busy sila sa work di ba? At ako, well busy din naman ako, kay Yeol. 

"Ahh. Wala po ito ma, ahehe. Ang ganda kasi dito kaya nakakatulala" sabi ko sabay inom ng orange juice ko saka tumingin sa labas. May beach doon ang ramdam mo ang malamig na ihip ng hangin mula sa dalampasigan. Dinig na dinig mula dito sa rest house ang malakas na paghampas ng alon. Nakakamangha dito dahil sa maganda ang tanawin at puti ang buhangin. Sobrang nakakarelax. 

"So how are you this past few days, anak?" tanong ni Papa saka nginitian ako. Nilagay niya ang takas na buhok sa likod ng tenga ko. Napangiti ako. Such a sweet gesture from my father. "I heard naging busy ka sa pagiging fangirl mo ah? Ano may improvement na ba ang paghahabol mo?" sabi ni papa saka sumubo ng salad niya. 

"Well, I got his number. Nagkausap kami at nagkakilala na" sabi ko habang pinipgilan ang ngumiti habang naaalala kung paano kami nagkausap ni Chanyeol "Pero, ganon pa din naman ang tingin niya sa akin eh. Isang ordinaryong babae sa crowd" sabi ko saka ngumiti ng mapait. 

"Aw, sweetie. It's okay. Normal lang yan dahil una sa lahat, isa siyang idolo anak. Mahirap talaga na makuha ang atensyon niya, worst ay ang trust niya. Hindi ba?" paliwanag ni Mama saka hinawakan ang baba ko at itinaas ito para makatingin ako sa kanya "Good for you dahil nagkausap na kayo at maybe nagtetext sa isa't-isa hindi ba?" 

I smilled. Tama naman, sa simula pa lang ng larong ito. Hindi na ako umaasa na mahalin niya, para sa akin, sapat na na mapakita at maparamdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal at handang gawin lahat para lang sa kanya. Yun lang sapat na sa akin, kahit na wala ng kapalit. I'm happy. Pero I can't stop this thought na sana. akin na lang siya. Uminom ako ng juice para maibsan ang nasa isip ko. Masyadong malalim.

Loving Park ChanyeolWhere stories live. Discover now