f i ve

1.5K 58 20
                                    

F I V E

'Kasalanan ko'

"Leshe ka Nads! Bakit!?  Kinausap ako ni Kai. Yung second bias ko. He's so hot talaga." Pinag hahampas ka ni Bani sa kilig. Grabe na talaga 'tong best friend ko. Mas malala pa to kaysa sakin eh.

"Masakit Bani! I know how you feel, pero mas masaya siguro kung si Chanyeol ang nakausap ko ng ganon! Handa na ako mamatay sa pagkakataon na yun. Ay hindi pa pala pwede. Hindi pa kami kinakasal at wala pa kaming sariling pamilya ni Yeol" humagikhik ako na parang baliw. Nandito pa din kami sa may cafe malapit sa may dorm nila. It's already 9 in the evening pero nandito pa din kami at naka tambay.

"Puro Chanyeol ah! Minsan lang may kumausap sa'yo na super star, Nads!" sabi ni Bani at ininom ang kanyang latte.

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa nang biglang nag ring ang phone ni Bani at agaran nya itong sinagot.

"What?!" Sigaw ni Bani at ikinagulag ko. Gulat na gulat ang expression sa kanyang mukha at napatahimik nang saglit. Pagkababa niya ng phone niya, agad niyang kinuha ang bag niya at tumayo.

"I'll fly away na muna Nads. Emergency. Say hi to Xiumin for me" sabi niya at kumaway paalis doon. Napangiti na lang ako at ininom ang latte na inorder ko at nanatiling tahimik sa kinauupuan. Kaunti lamang ang tao sa cafe na ito sa ganitong mga oras. Napag isipan ko na mag earphones at ipinatugtog ang bagong kanta ng EXO.

Sinabayan ko ang rap part ni Yeol. Kabisadong-kabisado ko na ang bawat linya nito dahil aa paulit-ulit ko itong pinapatugtog. Bagamat ilang beses ko na ito pinakinggan ay kinikilabutan pa din ako sa boses ni Yeol. Ang malalim at buo nyang boses na tumatagos sa kaluluwa ko. Napangiti ako na para bang baliw.

Nanatili ako doon hanggang sa napatingin na lamang ako sa orasan ko and it's already 11:30pm. Napansin kong medyo kumunti na ang mga fans sa labas dahil siguro sa mag mamadaling araw na.

Patuloy pa din ako sa pakikinig ng music sa akong phone nang bigla mong maramdaman na may kumalabit sayo. Agad kong tinanggalang earphones ko at agad itong nilingon.

"Uhmm. Miss. Kailangan niyo na pong umalis. Mag sasara na po kasi kami" sabi ng waiter sa akin. Tumango ako at nag pasalamat. Dali-dali kong inayos ang bag ko at umalis na doon.

Naisipan kong tumambay na lang muna sa may bench sa harap ng dorm nila. Malamig ang gabi. Malamig na sa labas, buti na lang at naisipan kong mag coat at nag dala ng hotpack. Tahimik na ang paligid at napatingala na lamang ako sa kalangitan. Madami ang bitwin ngayon kumpara sa ibang gabi.

Naramdaman ko ang malamig na ihip ng hangin. Pero di ako nagpatinag at nanatili pa rin doon. Wala akong paki sa lamig na dadanasin ko kung alam ko namang saglit na kasiyahan ang kapalit.

Napatingin ulit ako sa orasan ko. It's already 1:30 am at ako na lang ang fan na nag hihintay sa labas. Mas lalong lumamig ang ihip ng hangin, pero kahit na ganon ay wala akong paki kahit na mag mukha na akong tanga kakahintay dun.

Naghintay pa ako ng saglit hanggang sa nakaramdam ako ng gutom. Tumayo ako sa aking kinauupuan at umalis para pumunta sa pinaka malapit convenience store para bumili ng mainit na kape at sandwich. Pagkatapos nun ay naglakad na ulit pabalik doon para mag hintay.

Habang nag hihintay ay nag check muna ako ng fan account ko upang makakuha ng balita tungkol sa kanila. Matapos iyon ay tumayo ako dahil nangangawit na sa kakaupo. Pagkatayo ko ay bigla akong may narinig na kotse. Nilingon ko ito at agad kong nakita ang saskyan nila. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Naunang pumasok ang ibang miyembero. Kinunan ko sila ng ilang litrato nang patago gamit ng phone ko. Agad na hinanap ng mga mata ko si Chanyeol. Siya at si Kai na lang kasi ang hindi lumalabas mula sa sasakyan.

Loving Park ChanyeolΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα