t w e n t y - e i g h t

969 30 4
                                    

28

 I trust you

Buong gabi, hindi ako nakatulog ng maayos. Kailangan ko na kasi mag isip ng plano kung paano ako mas mapapalapit kay Yeol. Mahirap na, may matinding kalaban na may pangalang Kim Jongin. Uggh. That sexy monster!

 Napagisip ko na gumala ulit para makalanghap ng fresh air. Feeling ko kasi sasabog na utak ko sa kaka-isip eh! Uggh. Nag hire ako ng private detective para tulungan ako sa paghahanap ng information about Dee. Syempre kailangan ko din yun noh! Isa pa, kapag nalaman ko na kung sino talaga siya, aba'y pwede ko ng husgahan kung bakit siya ang natipuan ni Chanyeol ko! Tss..

Isa pa, kailangan ko ding bumili ng regalo para sa gheis. Yes yes! We're celebrating 3 years! Wihiiieeee. Ang bilis ng panahon di ba? Haaay, being with them is really an adventure. Alam niyo yun? I mean, sabay-sabay nating hinarap ang mga issues, mga haters at bashers. And still, we are one pa din. And I hope that we stay together until the end!

So ayun, nakabili na ako ng gift para sa pito and sina Jongin at Chanyeol na lang ang wala. Haay, ang hirap mag isip kung anong pwedeng ibigay sa kanila. Lalo na kay Chanyeol. Gusto ko yung ibibigay ko sa kanya ay personalize. 

And speaking of personalize, may naisip na akong pwedeng ibigay sa kanya. Napangisi ako na parang aso. Grabe 3 years na akong nag eeffort para sa kanya pero hindi ako nag sasawa. At mukhang hinding-hindi ako mag sasawa. 

~*~*~

Palabas na ako ng mall at tinext si Chanyeol. Gusto ko maging special ang gabi mamaya. Napangiti ako na parang aso. Syeet! Mukha akong tanga dito!

To: Chanyeol bebe labs

Can we have a dinner later?

I was about to click the send button when someone bumped at me, napalipad ang cellphone ko. Napakunot ang noo ko at tumingala. Isang matangkad na nilalang ang tumambad sa akin, nasilayan ko ang ngiti na. Handa ng matunaw ang puso ko. 

"Hey" sabi niya saka ngumiti. Napangiti na lang din ako na parang tanga, na naman. Pero okay lang, handa akong magmukhang tanga basta para sa kanya. 

Pinulot niya ang cellphone ko at inabot ito sa akin "Sorry about that" sabi niya at tinignan ako. 

"Okay lang, ano ka ba!" sabi ko saka ngumiti. Ngumiti naman ito pabalik. Naka sumbrero siya kaya siguro hindi siya namukhaan ng tao sa paligid, Typical Chanyeol na mahilig sa sumbrero. 

"Uhhm. So what brings you here?" tanong ko sa kanya. Napatingin ito sa paligid saka nag lean sa akin at bumulong sa tenga ko. 

"Uhmm. Can we not talk here?" bulong niya sa akin saka ngumiti at hinila ako papasok sa isang cafe na wala masyadong tao. 

"Well, free day namin at gusto ko lang gumala by myself and then I bumped at you" sabi niya saka bahagyang tumawa. Napatawa na lang din ako at saka humigop sa frappe na binili niya. Aba't libre niya ito! Itago ko kaya yung cup nito? Remembrance lang. 

"Well, looks like your not gonna be going out all by yourself" sabi ko saka ngumiti at tumayo "I'm comming with you!" 

Ngumiti siya, finally I can finally say that we are friends now. Napangiti ako ng tumayo siya at kinuha ang ilan sa mga bag na bitbit ko at sabay naming tinahak ang daan palabas. Napangiti talaga ako na parang aso hanggang sa makalabas kami, sht kung panaginip ito sana hindi na ako magising

 "Saan ba tayo pupunta?" he awkwardly said. Napangiti ako. Kyaaah! This is really it? Going out with Chanyeol? 

"Uhhhmm. Sa Yuldong Park!" masaya kong sinabi. Alam ko kasing nandoon ang bungee jumping at gusto kong ma exprience yun kasama siya! Nakita ko namang ngumiti siya sa idea ko na pumunta doon. 

"Okay! Pero, wala akong dalang kotse?" sabi niya saka kumamot sa batok niya na para bang nahihiya. Napatawa ako kaya napatingin siya sa akin saka ngumiti. Gadd. Why is he so cute? Wae?!

Tumingkayad ako saka ginulo ang buhok niya. Napatawa naman kaming dalawa "Ano ka ba! Okay lang, mas masayang mag commute!" sabi ko saka hinila siya papunta sa bus stop. It's a good thing na medyo pa-gabi na kaya hindi naman siguro siya mamumukhaan ng kahit sino hindi ba?

May humintong bus sa harap namin kaya naman agad kaming sumakay doon, nanatiling nakayuko si Chanyeol. Kahit ako kinakabahan para sa kanya. Madaming sasaeng na nag gagala. Sana talaga at hindi siya mamukhaan. 

Nakapuwesto ako malapit sa may bintana at siya naman ay malapit sa may daanan. Nilingon ko siya, medyo naka yuko ito kaya bumulong ako sa kanya "Okay ka lang? Kung ayaw mo, huwag na lang. Baka kasi may makaki--" hindi niya pinatapos ang sinabi ko at umiling siya saka nagsalita. 

"Okay lang, gusto ko talaga pumunta doon para mag bungee jumping. Matagal na akong hindi nakakapunta doon. Huwag ka mag alala, sanay na ako sa ganito" sabi niya saka ngumiti ng tipid. Napangiti na lang din ako. Kung sabagay, sanay naman siya sa ganito di b? Sikat siya eh. 

"Sure ka?" 

"Yup, I'm sure. Isa pa kasama kita. Alam ko namang di mo ako pababayaan" sabi niya saka ngumiti. Napakunot noo ko. 

"Bakit parang nag mukha akong yaya mo? Ano aalalagaan kita buong araw? HAHAHA" sabi ko saka mahinang humalakhak. Eh kasi sa sinabi niya, parang ako ang incharge sa kanya. Ang cute lang. 

"Well, kind of like that. Eh ikaw naman ang nag yaya ah?" sabi niya saka mahinang tumawa. "And besides. I trust you" 

Napatingin ako sa kanya ng diretso. He trusted me? For real? Napangisi ako na parang aso. Napatawa naman siya saka ginulo ang buhok ko. 

"H-hindi ka ba uhmm, natatakot sa akin?" tanong ko sa kanya. I know that question is stupid. Pero kahit na, I'm his sasaeng. Kasama ako sa samahan na lagi silang sinusundan. We are called the obsses one when it comes to them.

"Bakit naman ako matatakot sa iyo?" sabi niya ng may halong pagtataka. 

"I mean, I'm your sasaeng. Di pa takot kayo sa isang katulad ko na obsses, harmful and--"

"I know your my sasaeng, Nadia pero your not like the other sasaeng. Like I said, I trust you" sabi niya saka ngumiti ulit. "My fans are like my family as well" 

Napangiti na naman ako. Finally I got his trust. 

"You are like my dongsaeng. A cute dongsaeng" sabi niya saka kinurot ang pisngi ko. Napangiti na naman ako. OMYGOD. IS THIS REALLY A DREAM? KUNG OO THEN I DON'T WANT TO WAKE UP!

"Thank you for giving me your trust, Oppa" sabi ko saka ngumiti na naman. Hindi ako makapaniwalang dadating ang panahong ito. For 3 years of chasing him, nakuha ko ang tiwala niya. 

Loving Park ChanyeolWhere stories live. Discover now