Chapter 39: Complicated

121 11 0
                                    

Ang storya ng bawat tao ay hindi laging nagtatapos sa happy ending. May iba masaklap ang hangganan. Kaya nga wag tayong umasa sa happy ending dahil kadalasan nangyayari lang yan sa fairytales.

--- Lai Villarosa

Chapter 39: Complicated

Kate's POV

I think after this, everything's gonna be fine. Siguro nga hindi kami para sa isa't isa. Pinagtagpo lang kami ng tadhana pero talaga siya ang destiny ko. It's very hard to accept & just move on but that's the way it is. I don't any choice but to stay away from them especially from Troy. Marami ng nasaktan at nadamay maybe this is the time for us to let go.

Kahit mahirap kakayanin ko. Kahit masakit tatanggapin ko. Kung ito talaga ang plano ni Lord para sa amin, okay lang. Alam ko balang araw maggiging okay din ang lahat.

"Anak, let's go."

Dito na nga pala kami ni daddy sa airport, papasok na kami ng eroplano. Pupunta na kaming London. Lilipat na kami dun. Magsisimula ulit kami ng bagong buhay.

"Okay dad."

Tahimik lang ako sa loob. Nag-iisip habang nakatingin sa malayo. Naiiyak ako pero pinipigilan ko lang. Nalulungkot ako. Hindi man lang akp nakapagpaalam sa kanya at sa mga kaibigan ko. Pero mas okay na din yun kasi alam ko naman na hindi ko kakayanin. Baka hindi pa ako tumuloy pag nagkataon diba. Haaaay. Matutulog nalang muna ako. Para kahit papaano makalimot ako. :'(

Jhed's POV

Haaay nakakastress! Hanggang ngayon di pa namin alam kung nasaan si Kate. Sana okay lang siya. Dagdag pa yung paglantad ni Tom. Hindi ako makapaniwala e. Lahat naman yata kami nagulat na ang inakala namin lahat na patay na ay buhay na buhay pala.

Nakakabaliw! Dito nalang muna ako sa garden magpapahangin, gusto ko lumanghap ng sariwang hangin mabawasan man lang ang bigat na dinadala ko dahil sa mga nangyari.

Nakaupo ako sa may damuhan ng may narinig akong nagtatawanan. Pamilyar sakin ang kanilang boses kaya sinilip ko. Nagtago lang ako sa likod ng malaking puno. Nakita ko si Vince at Kit mukahang nagkakatuwaan. Ayoko na sana makinig pero parang nagtutulak talaga sakin na makinig.

Para mas intense kinuha ko ang phone ko at vinedeo sila.

'Oh pre, kamusta na kayo ni Mich?'

Tanong ni Kit kay Vince.

'Ayos lang. Medyo napapalapit na yung loob niya sakin. Ang saya nga e. Lalo na ngayong kailangan niya ng masasandalan dapat lagi ako nasa tabi niya para mas mahulog ang loob niya sakin.'

'Nice.'

'Oh e kayo ni Jhed?'

Tumaas ang kilay ko sa narinig ko. Bakit naman ako nasali sa usapan??

'Anong kami? Walang kami pare. Remember? Nagpustahan lang tayo na kapag nahulog ang loob niya sakin at napa oo ko siya, magpapainum ka.'

"What the hell!!"

Hindi ko napigilan ang sarili ko na masabi yun! Saka ako napatakip ng bibig at pinatay ang phone ko. Paalis na sana ako ng bigla akong natumba at tumama ang kaliwang siko ko sa matulis na bato, dahilan para mapasigaw ako.

Kit's POV

Nagkukwentuhan kami ni Vince dito sa may garden ng school ng biglang may sumigaw na babae. Kaya napatayo kami at hinanap siya.

Pumunta ako sa may likod ng isang malaking puno at nakita ko si Jhed na namimilipit sa sakit at dumudugo ang kanyang kaliwang siko. Inalalayan ko siya para makatayo.

Perfect TwoWhere stories live. Discover now