Chapter 45: The Long Wait Is Over ♡♡♡

83 11 0
                                    

Pag nahanap mo na siya at feeling mo siya na talaga ang nakalaan para sayo, bakuran mo na, wag mo na pakawalan! Baka mamaya maagawan ka pa, sige ka baka magsisi ka.

--Lai Villarosa

Chapter 45: The Long Wait Is Over

Kate's POV

Ang bilis ng araw! It's been a month nang huli kaming magkasama. Nakakainis! Lagi nalang siyang busy. Pag tumatawag ako saglit lang kami nagkakausap tapos minsan di siya sumasagot. What the hell is he doing ba??? May iba na ba siya??? Yung Jen ba na tumawag sa kanya ang pinagkakabusyhan niya???

"Aaaaahhhhhh!!!!"

Napasigaw ako sa sobrang inis! Tapos biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko.

"Bessy! Why? What's happening here?"

Si Mich lang pala. May dalang paper bag. Hindi ko alam kung ano ang laman.

"Wala! Naiinis lang ako sa kuya mo!!!!!!"

"Stop shouting please??? Ang sakit sa tenga e!"

"Ugh!"

Napaupo nalang ako sa kama ko.

"Bakit ba? Nag-away na kayo ni kuya?"

"No! Isang buwan na kaming hindi nagkakasama! Where the hell is he na kasi? Bakit lagi nalang siyang busy sa ibang bagay? Wala na siyang time sakin. Nakakalimutan na niya ako. Sobrang miss ko na siya!"

*Sad face*

"OMG! Bessy are you pregnant? Naglilihi ka na ba? Pinaglilihian mo na si kuya??"

"Gaga! Wala pang nangyayari samin ever since!"

"Ayy sad. Kala ko magkaka-baby na sa bahay. Oh by the way. I have a dress here. Suot mo 'to, tapos mag make over ka. Dali!"

"Ha?? Bakit?? Anong meron??"

"Basta! Bilis na, maligo ka na, 6pm na oh. Go go go!"

"Oo na, oo na."

Mich's POV

Pinilit ko talaga si Kate na mag over dahil lagot ako pag di ko nagawa ang task ko. Excited ako para mamaya.

"Hoy, anong iniisip mo dyan at nakangisi ka?"

"Nothing bessy. OMG! Bagay na bagay sayo ang suot mo."

She wore a white laced dress na above the knee na tinirnuhan ng white heeled shoes. Hindi naman ganun kataas. Naka-ponytail ang haur niya then I put her a light make-up then perfume.

"Now, we're ready to go! Bilis baka matraffic pa tayo, saturday pa naman ngayon maraming tao na pumupunta dun."

"Saan ba kasi tayo pupunta?"

"Basta. Relax ka lang."

*Wink*

Hinila ko na siya palabas ng bahay at sumakay ng kotse.

On our way, tenext ko na sila 'coz we're coming! Ako ang kinakabahan. OMG! Nakakaloka!

35 minutes nakarating na kami sa SM MOA.

"Dito lang pala tayo pupunta, pinagbihis mo pa ako ng ganito."

"Ssssh mamaya ka na magreklamo."

She smirked. Ay grabe!

Kate's POV

Pagpasok namin ng mall, agad tumugtog ang "Thinking Out Loud." Naisip ko agad si Troy. Ito yung kanta na tinugtog nung nasa skating rink kami. Naiiyak ako. Naaalala ko yung mga happy memories namin. Aside from that, I can feel that there's something special that will happen tonight.

Perfect TwoWhere stories live. Discover now