Prologue

235 2 0
                                    

Have you ever wonder what our destiny is?

What awaits in our future?

Kung makakasama pa ba natin ang mga taong nakakasama natin ngayon. Kung matutupad pa ba ang mga pangarap mo. Ang mga gusto mo. Kung makakasama mo pa ba ang mga taong minahal mo ngayon?

Minsan nakakatakot isipin kung ano ang nakahanda ng Diyos para sayo sa future mo.

Pero alam mong kailangan mo lang magtiwala sa kanya na magiging maayos ang lahat. Kahit sa mga bagay na pakiramdam mo wala ka nang magagawa para magiging maayos pa ito.

"Oh my god, nas-stress na ako masyado sa finals natin. Wala pa bang mas ihihirap to? Kasi kung meron maghahanap na lang talaga ako ng sugar daddy sa tinder. Kaloka!"

I laughed at Elle's complaint.

"Sige gora mare, hindi ka namin pipigilan," sabi naman ni Shaira.

Inirapan naman siya ng kanyang kapatid.

"Hay naku kayo, asan na yung never give up na sinasabi niyo ha?" nagkatinginan silang dalawa sa sinabi ko. "Kaya natin 'to guys! My god, may college pa oh. First year palang natin 'to sa senior year natin kaya laban pa din tayo."

"Tanginang earth science kasi, nakakamatay."

Muli kaming natawa sa sinabi ni Elle.

Nandito kami sa bleachers ng gym habang hinihintay ang susunod naming subject. Vacant kami ngayon dahil wala ang sir namin sa Oral Com kasi namatay ang kanyang tiyuhin.

Kahit sobrang saya namin dahil may isang oras pa kami para mag review sa performance task namin sa earth science, hindi pa rin maiiwasan nila ang pagrereklamo tungkol sa asignaturang ito. Dahil bukod sa napakaraming kailangang memoryahin na terms, may walong essays pa'ng kailangan isulat. Dinaig pa ang Oral Com.

Buti nalang talaga at agad akong nag answer last week kaya natapos ko na lahat ngayon. Nire-review ko nalang lahat. Ganon din si Shaira.

"Girls!"

Sabay kaming napalingon kay Michette na tumatakbo papunta sa gawi namin.

"Tangina, ang daming gwapo sa HUMMS C. Nakaharang pa sila sa hagdan kinailangan ko tuloy bumaba with poise." sabi niya sabay pose at pa-cute.

"Ikaw Mich wala ka na talagang ibang inaatupag kundi ang maghanap ng maghanap ng gwapo, " naiiling sabi ni Shaira.

"Aba syempre naman dae! Bobo na nga ako sa math ang lakas loob ko pang mag STEM. Syempre hahanap tayo ng magandang motivation para naman gaganahan tayong mag aral. Gayahin natin 'tong si Kaine," turo sakin ni Mich.

"O, ba't bigla akong nasali? Nananahimik lang ako dito, o," natatawang sabi ko.

Magsasalita na sana si Mich nang biglang napadaan ang mga taga STEM A. My eyes automatically hooked on the boy who holds three folders and two books, clean cut hair, neatly ironed uniform, dark hooded eyes, at nakatagpo ang dalawang makakapal na kilay. My heart suddenly raced when he glanced at us.

"O beh, yung puso, ikalma mo," di ko pinansin ang pang-aasar ni Elle dahil sinundan ko talaga ng tingin sila. O siya.

Umakyat na sila sa hagdan patungo sa second floor. Probably heading for their biology class. And yes, I memorized their schedule.

"'Yan yung ibig kong sinasabi kanina. Maghanap ng gwapo. Gawin mong crush tapos boom! Study hard ka para sa future niyo, oh diba!" ani Mich sabay hampas sa balikat ko.

Kundiman (Silent Sanctuary Series #1)Where stories live. Discover now