01

79 2 0
                                    

"May susuotin ka na para sa Soc Sci?"

Napatingin ako kina Elle at Shaira nang umupo sila sa harap ko. Nandito kami ngayon sa canteen, vacant na naman bago ang matinding labanan para sa earth science .

"Meron na," sagot ko sakanila.

"Sana all."

"Ano susuotin mo?" tanong ni Elle.

"Wedding gown," tarantado kong sagot kaya nakatanggap ako ng batok sa kanilang dalawa. Tinawanan ko sila habang binabato na nila ako ng kutsilyo sa mga tingin nila.

"Ano nga? Nireact lang ni Maurone 'yong tweet mo kagabi lumala ka na kesa kay Mich ngayon," ani Elle.

"Nanghiram lang ako ng hardhat sa kaibigan ni mama. Tapos corporate attire lang yung susuotin ko."

Para sa final performance task namin sa Social Science at final exam na rin, magsusuot kami ng kung ano ang gusto namin maging sa future namin. E totoo din naman yung sagot ko kay Elle ah. Dun din naman kami patungo ni Mauvi, sa altar. Ems, paladesisyon!

Umorder silang dalawa ng pagkain habang ako ay naglalaro lang sa cellphone ko, maya maya ay bumalik din naman sila agad at kumain na ng inorder nilang spaghetti. Panay pa ang alok ni Elle sa'kin kaya panay din ang tanggi ko. Pagkatapos sa nangayari kagabi halos di na ako nakatulog. Alam kaya niyang tungkol 'yon sa kanya? Baka napindot niya lang 'yon. E di ko nga alam kung bakit nakita niya yung tweet ko hindi niya naman ako finollow back.

I was having deep thoughts when suddenly two men entered the canteen. Halos mabitawan ko ang phone ko nang nagtama agad ang mata naming dalawa. Suddenly my heart starts beating fast again. Una akong umiwas ng tingin nang feeling ko mapapaso na ako sa titigan naming dalawa.

Nakatalikod sina Elle at Shaira sa entrance ng canteen kaya hindi nila nakita. Nilagpasan nila ang table namin. Hindi ko napansin na pinipigilan ko pala ang hininga ko. Para tuloy akong hiningal. Agad namang nanlaki ang mata ni Elle nang nakita niya na sila na nasa likuran ko na. Kinurot niya pa si Shaira na tahimik lang na kumakain sa spaghetti nito.

"Aray!" hinampas niya si Elle pabalik pero hindi man lang nasaktan ang gaga.

"Kung makapagsalita ka kanina, mukhang ikaw pa ata ang mas malala kesa sa'min ni Michette e."

Napatingin siya sa'kin at nag ngiting aso, "Tangina ba't kasi ang gwapo."

"Kung ako sa inyo, gayahin niyo ako, nasa kabilang school ang gusto," Shaira smiled sheepishly.

"Masyadong malayo, di ko masilayan," sabay naming sabi ni Elle kaya sabay kaming natawa.

Natahimik kami bigla nang may naglapag ng tray sa tabi ko. Halos mabulunan ako sa sarili kong laway nang nakitang si Mauvi 'yon.

Si Mauvi... lumapit sa'kin.

"Pwedeng makishare ng table? Wala na kasing bakante." I can feel my insides melting because of his voice. Tangina feel ko malo-loose thread panty ko tuwing kakausapin niya ako. Charot!

"S-sige walang problema," sagot ko.

"Nautal pa nga," bulong ni Shaira na sa tingin ko narinig naming lahat. Agad ko siyang sinipa sa ilalim ng lamesa kaya agad siyang sumubo sa spaghetti niya para mapigilan ang tawa.

Natahimik din bigla si Elle nang umupo sa side nila si Jay. Nasa long table kasi kami at totoo nga'ng wala nang mauupuan dahil halos lahat ng table may mga studyante nang nakaupo. Patapos na kasi ang 1st semester kaya hindi na masyado pumapasok ang mga guro sa klase. Pinapahanda nalang kami para sa finals.

Kundiman (Silent Sanctuary Series #1)Where stories live. Discover now