02

59 1 0
                                    

"Saan tayo ngayon?"

Kakatapos lang ng exam namin para sa araw na ito. Meron pang bukas, earth science at pre calculus pa. Nakaakbay si Shaira sa aming dalawa ni Elle. Halfday lang ang exams namin, umaga kami tapos sa hapon naman ang grade 12. Ginawa 'yan ng principal para daw hindi kami masyado ma burn out sa dami ng pag aralan.

"Kailangan kong mag aral, earth sci at precal pa naman yung subjects bukas," utas ko.

"Mamayang gabi ka na mag aral. Gala muna tayo," pamimilit pa ni Shaira.

Agad akong umiling. Nasasayangan ako sa oras kapag sasama ako sa kanila na gagala. Tsaka kapag nalaman ni Mama na gumagala ako at may exam pa ako bukas ay paniguradong malilintikan na naman ako no'n.

"Pagkatapos ng exams na tayo gagala para naman wala na tayong iisipin pa," suhestyon ko sa kanila.

Napasimangot silang dalawa pero sa bandang huli ay napatango lang din.

"Gusto kong isipin na dahil yan sa Mama mo pero mas malakas talaga ang kutob ko na tungkol na naman kay Mauvi to, e," sabi ni Elle.

"Ano nama'ng kinalaman niya dito? Papagalitan nga ako ni Mama, alam niyo naman 'yon basta exams, e. Nagtext na nga sa'kin kanina na umuwi ako kaagad."

"Speaking of text, may nangyari ba kagabi? or..."

Muli ko na naman naalala 'yung nag text sa'kin kagabi. Sino kaya 'yun? Agad akong napatingin sa dalawa na mukhang nag aantay talaga sa isasagot ko. Pabiro kong hinatak ang buhok nilang dalawa.

"Aray! Bakit na naman?" reklamo ni Elle.

"Ano na naman 'tong pakulo niyo? Pinagtitripan niyo na naman ako."

"Huh? Boang ka na ba beh? Wala kaming kinalaman diyan oy," defensive pa 'tong si Shaira habang inaayos ang buhok niya.

Malakas ang kutob ko na may kinalaman silang dalawa sa text kagabi kaya pinanliitan ko sila ng mata. Mahirap talaga paniwalaan 'tong mga 'to dahil saksi na ako kung paano sila magsinungaling 'pag may pinagtitripan na naman sila. E, syempre kasali na ako no'n.

"Kaninong number 'yun? Kapag sasabihin niyo sa'kin manglilibre ako sa Potato Corner," pangb-black mail ko pa.

Agad na nagliwanag ang mukha ni Elle at magsasalita na sana pero agad na tinakpan ni Shaira ang bibig nito at inakbayan.

"Sis, diba may pinapabili si mommy sa'tin? Tara na baka magsara na 'yun malapit na mag lunch break. Bye Kaine! See you tomorrow."

Hinatak niya na si Elle na tinatakpan pa rin ang bibig. Kumaway naman si Elle sa'kin at natatawa pa kahit may nakatakip sa bibig niya. Mga lokong 'yun iniwan pa ako. Desidido talaga silang hindi ipaalam sa'kin. Kaya desidido din akong hindi siya rereplyan.

Dumaan muna ako sa cr dahil naiihi na ako. Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin at inipit ang buhok ko. Inayos ko din ang bangs ko bago lumabas ng cr. Muntik pa akong napatakbo pabalik sa loob nang nakitang dumaan si Mauvi sa cr ng mga girls. Buti nalang at hindi niya ako nakita. Mukhang papauwi na ata siya.

Nagsimula na din akong maglakad patungo sa gate nakasunod sa kanya pero higit limang metro ang layo namin. Tahimik ko lang pinagmasdan ang likod niya. Walang hiya kahit likod niya ang gwapo din.

"Mauv!"

Sabay kaming napalingon sa babaeng tumawag sakanya. Kaklase niya ata 'yon dahil mukhang close sila. Nabigla akong nang bigla niyang binalot ang braso niya sa braso ni Mauvi. At worse, hinayaan lang 'yon ni Mauvi at ngumiti pa sa babae.

Kundiman (Silent Sanctuary Series #1)Where stories live. Discover now