CCH #32

1.6K 54 4
                                    

"Saisha ano ba!"
Naghihilaan kami ni Saisha.

Kaya pala niyaya ako dito sa quadrangle para lang asarin ako. Sumama ako kasi sabi niya may bagong tayo na stall ng ice cream sa loob ng quadrangle kasi nagppromote sa school. Ako naman si gaga naniwala kasi madaming tao na pumupunta.

Pagdating namin kitang kita ko ang quantum leap, andaming estudyante sa iba't ibang department na nagpapapicture sa kanila.

Parang ginawa nila tong araw para maka interact sila sa mga students one last time.

Nandoon lang ako kanina sa sulok nanonood habang andaming pumipila sa pito, nakangiti naman nilang tinatanggap yung mga congratulatory message tapos lahat sila halos may bitbit na bulaklak or letters.

Di kalayuan sa poste si gian, ngiting-ngiti yung kumag.

Hanggang unti-unting naubos yung mga tao, may mga iilan pa rin kahit papano. Lagpas singkuwenta pa naman pero maluwag na yung quad, kanina ko pa inaaya umalis si saisha kaso ayaw patinag. Mukha lang kaming ewan dito sa gilid nakamasid.

May nakita pa akong iilan sa kaklase ko don.

Tangina kasi nakakahiya to si saish.

Lumapit samin yung kaklase namin sa anatomy.

"Uy wren diba close mo si gian? Ano pang ginagawa mo dito batiin mo dali. Baka hinihintay ka non."

Sabi nung isa, nag-AYIIEE naman yung isa. Etong dalawang to chismosa ng taon, tagal na akong iniissue kay gian.

"Ulol niyo ako nanaman napagtitripan niyo, bahala kayo."

Aalis na sana ako kaso naging mabilis yung pangyayari, yung tinginan nilang tatlo nila saisha. Ang alam ko na lang hawak na nila magkabilang braso ko saka tinutulak papunta sa gitna, kahit anong pagpupumiglas ko hindi ko kaya, tatlo sila hello?!

"HOY TANGINA NIYO PAGSISISIHAN NIYONG TATLO TO, GAGO KASI WAG."

Dahil sa ingay ko habang papalapit kami don napatingin halos lahat ng quantum leap sakin, may ilan ding estudyante.

Tangina gusto ko manirahan sa mars.

Iniwasan kong mapatingin sa gawi ni gian, ang nakita ko tuloy e yung ngiti nila kuya andre sakin.

Dahil nakatingin sila yung ibang estudyante tuloy napatingin sakin.

Binitawan ako ng tatlong bruha malapit sa puwesto ni Gian, pagtingin ko nakatingin lang siya sakin. Ano inaabangan ba nitong lalapit ako sa kaniya? Asa.

Napaubo kunyare si kuya river, halata namang peke ang oa ng pagkaubo e.

"Uy wren papapicture ka rin?"
Natatawang asar pa ni kuya andre, halos mamula ako habang hindi mapakali yung kamay ko.

"Ay picture lang? Mahina." Sigaw ni kuya Gab kaya napatingin na lahat ng taong nandon sa akin, PUTANGINA BAKIT KAYO NAKATINGIN

YUNG KABOG NG DIBDIB KO

"Kuya Gian papapicture daw sana siya kasama ka kaso nahihiya kanina kasi madaming tao." Sabi ni Saish sa tabi ko.

"Tangina ka ba?" Bulong lang dapat yon kaso napalakas kaya narinig ng lahat, tawang-tawa yung mga estudyante na nandoon.

"Ngayon ka pa nahiya kay Gi?" Sabi ni kuya Avan kaya hindi na talaga maalis yung mga nanonood. Puta ano to live show?!!!

Kita ko pati mga prof na dumadaan nakiusyoso dahil andaming nakatingin sakin. Konti na lang kanina to a?!

Lalo akong kinabahan noong tinulak ako ni saish hanggang mapalapit ako sa harapan na ni Gian.

Ni hindi ako makatingin ng maayos.

Rinig na rinig ko yung ilang tilian.

"Hoy pumwesto ka na dali, tingin dito." Nasa harapan kaagad namin si Saish hawak yung phone niya.

Tangina hiyang-hiya talaga ako ngayon, ang laki pa ng ngiti ng kumag na 'to.

Biglang lumakas yung tilian ng mga estudyante nong ipinatong niya yung braso niya sa balikat ko at hinila ako papalapit sa kaniya para magpose sa picture. Andaming nakatingin samin, tuwang-tuwa sila kuya cyd amputa ako hindi.

Halos tumayo mga balahibo ko nong biglang lumapit amg mukha niya sakin at bumulong.

"Are you ready?"
Ramdam na ramdam ko yung hininga niya sa tenga ko.

Puta anong ready?

Cupid's ChokeholdWhere stories live. Discover now