CCH #35

1.7K 43 9
                                    

"Ayan na pala yung mahal na prinsesa." Habang pababa ako sa hagdanan dinig ko si ate.

Nasa sala sila nakaupo sa couch, sa harapan niya si gian na inabutan pa lang ng juice ni ate Leti

"Sumpungin talaga yan, bunso e."

Nakasimangot akong humarap sa kanilang dalawa saka inirapan ko si ate.

"Anong pambabackstab nanaman sinasabi mo?"

Hindi niya ako sinagot, nginitian lang ako ng nakakaloko saka nagtaas baba ng kilay.

I love my sister but you know, sometimes you'll have the urge to commit mutiny.

"Ikaw na bahala diyan Gi, magrereview na ako sa room." Sabi niya bago ako kurutin sa tagiliran saka iwan kami ni Gian don.

Umupo ako sa sofa malapit sa kaniya. He's smiling. Wala namang nakakatuwa.

"Bakit nagtatampo 'yang bunso?"

Tangina bakit ba ang lambing ng boses?!

Tumingin ako sa kaliwa't kanan nasa bahay si daddy baka abutan kami dito. Ang tanging nakita ko lang si ate Leti na nakangiti rin sakin at parang bulate na kinikiliti sa sulok.

Wala akong magawa kundi hilain si gian palabas ng bahay, pagbukas ng pinto pumasok ako sa kotse niya na nasa harap lang ng gate namin.

"Bakit ba andito ka?"
Tanong ko noong magkaharap na kami sa kotse niya. Maling galaw tangina, ang sikip pala pag sa kotse nag-usap.

"Kasi nagtatampo ka. Hindi ka na naawa sakin hindi mo man lang ako binati. Naggraduate ako."

"Kailangan pa ba? Andami nang bumati sayo."

"Hinihintay ko nga yung sayo. By the way, Saisha told me."

Nag-iwas ako ng tingin kaya pinisil niya yung pisngi ko saka pilit akong pinaharap sa kaniya.

"Cute mo doc. Anddd I have something to tell you."

Hindi ako umimik pero nanatili akong nakikinig sa kaniya.

"Listen to me okay?" I nodded, like a child in front of him.

"Did you know na kapag kasama kita I never felt na mas bata ka sakin? All your thoughts, actions and how you carry yourself lahat yon parang mas mature pa kesa sa mga kakilala ko na mas matanda sayo. How you take care of yourself and how you take care of me, specially pag lasing ako you're the only one who can handle me well, madalas pakiramdam ko nga mas marami ka pang alam sakin. Minsan ko lang maramdaman na mas bata ka pala sakin, tulad ng ganito, cute."

"Tanginang Saisha yon."
Natawa siya dahil sa sinabi ko.

"Bakit mo kasi iniisip yon? Ayaw mo na ba akong kasama?"

Hindi ko alam ano ba tong nararamdaman ko normal pa ba to. Alam ko kasi dapat topak day ko to e. Ang hirap naman magtampo kapag ganito but at the same time sobrang nakaka-assure.

"Gian kasi."

Hinampas ko siya sa braso, tangina kasing mukha yan nakakarupok.

"Hm ano pa? Bakit ba pinipilit mong hindi na tayo magkikita paggraduate ko?"

"Kasi wala ka na nga sa rios, wala na akong kape kada umaga."

"Gusto mo ba magtake ako ng ibang course para masamahan pa rin kitasa RIOS? I don't mind."
Mahina lang ako please. Wag naman pong ganito.

"Tanga. Bakit mo gagawin yon."

"Kasi nagtatampo ka e, mamimiss mo 'ko no?"

Hindi ko siya sinagot, inirapan ko lang.

"Isasama naman kita pag magp-perform kami, gusto mo makinig sa mga kanta namin diba? Kahit di na sa rios, susunduin na lang kita lagi. Ano ayos ka na?"

Naiinis ako sa ngiti niya tanginang yan ano ba kasing klaseng topak na to. Oo na ako na marupok. Oo na bwiset talo nanaman ako kay Gian.

"Now asan na yung congrats ko?"

Nahihiya akong yumuko.
"Congratulations." Sa sobrang hiya mahina lang ang pagkakasabi ko.

"Ano? Di ko narinig."

"Sabi ko congrats."

"Where's my gift?"

Gulat pa ako nong nihug ako, tinanggap ko na lang. I hugged him too.

Ang bango.

"Congrats Gian."

"Sandali lang, may kukunin lang ako." Lumabas ako ng kotse at pumasok saglit sa bahay para may kunin, pagtapos bumalik kaagad ako sa shotgun seat.

Inabot ko kay Gian yung paperbag.

"What's this?"

"Gift ko."

Mas ngumiti lalo siya nong tinanggap niya yung paperbag. Maliit na bagay lang yon kumpara sa madaming bagay na nagawa na niya para sakin.

"Thank you, doc. Isang smile lang naman diyan kailangan ko. Thank you for the gift tho."

"Di ba may celebration ka kasama sila kuya Cyd? Saka pano family mo?"

"Yaan mo yon sila Cyd. Bukas pa celeb samin baka pumunta kaming Baguio, gusto mo sumama?"

Mabilis kaagad akong umiling. Family time yon e.

"Aight san mo gusto pumunta ngayon?"

"Aalis tayo? Ikaw yung magsecelebrate e kaya kung san mo gusto."

"You sure?"

"Oo"

Cupid's ChokeholdWhere stories live. Discover now