Hindi sumagot si Audric. Tumayo lang siya at marahan humakbang patungo sa bintana na nasa kanang bahagi niya. Mula roon, naramdaman ni Audric ang malamyos na hangin na sumalubong sa kaniya. Naririnig niya ang mahinang sigok ng babae pero wala siyang ginawa para patigilin ang pag-iyak nito ngayon. Dahil tama si Ffion, kaya niya pinapunta rito si Lucas para ang kaibigan niya na ang bahala sa babae at dalhin ito pauwi pabalik ng Maynila.
"Gusto kong mapag-isa, Ffion."
"P-pero bakit? B-bakit mo ako kailangan itulak papunta kay Lucas kung alam mo naman na hindi ko siya magagawang mahalin ng mas higit pa sa pagmamahal ko sa'yo."
Napailing siya sa narinig. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo Ffion? Ilagay mo ang sitwasyon mo sa kinatatayuan ko, hindi rin kita magawang mahalin dahil hindi ikaw ang babaeng tinitibok ng puso ko. Ngayon, ang gusto ko ay mapag-isa rito sa Villa. Sumama ka kay Lucas pabalik ng Maynila."
"Ayuko."
"At sa tingin mo mamahalin kita sa pagmamatigas mo, Ffion? Hinid. Kaya huwag matigas ang ulo. Sumama ka kay Lucas. Mas masaya akong siya ang mamahalin mo. Nagkamali lang ako sa desisyon kong ikaw ang suotan ng singsing sa araw na iyon lalo na at ang singsing na iyon ay para kay Ivony. Hindi ikaw ang babaeng para sa'kin, Ffion. Alam mo kung sino ang para sa'yo at 'yon ay si Lucas."
"A-adi..."
Natigilan si Audric nang maramdaman niya ang mahigpit na yakap ng asawa niyang si Ffion. Hindi siya kumibo habang umiiyak ito sa kaniyang likuran at mahigpit siyang niyakap.
"Huwag A-audric, huwag. Huwag mo akong itulak papalayo. Alam ko naman, alam ko naman na hindi m-mo ako magawang mahalin. A-alam kong hindi ko kayang pantayan ang pagmamahal mo kay Ivony." Napasinok ito. Nagpipigil ng iyak. "P-pero ang itulak mo ako papalayo sa'yo ay para mo na rin akong tinulak sa bangin at sinabing magpakamatay. Masakit. Ayuko, A-adi... Ayukong lumayo sa'yo kahit pa ilang beses mo 'kong sungitan at ipagtabuyan... Wala akong pakialam. Mahal kita at at tama ka, wala nga ako sa sitwasyon mo pero dama ko ang sakit na nararamdaman mo dahil iyan ang nararamdaman ko sa tuwing tinutulak mo ako papalayo."
Namagitan sa kanila ang mahabang katahimikan at ang tanging naririnig niya ay ang mahihinang iyak ng babae. Nakikiusap na huwag niyang itaboy papalayo pero desidido na ang kaniyang isip.
Tinanggal niya ang kamay ni Ffion sa pagkakayakap sa kaniya at tinulak ito papalayo. "Kung nararamdaman mo ang nararamdaman ko, Ffion, ngayon umalis ka na. Dahil hindi kita kailangan. Gusto kong mapag-isa sa Villa na ito at gusto kong pagbigyan mo ang gusto ko. Umalis ka na."
"A-adi..."
Hindi niya pinansin ang mahinang iyak ni Ffion, nagtuloy-tuloy lamang siya sa paghakbang papunta sa piuntuan at lumabas doon. Tinungo niya ang music room at hinarap ang antigong piano na pagmamay-ari ng kaniyang kuyang namatay.
Napakuyom siya ng kamao. Hindi siya totoong panganay. Pangalawa lamang siya sa panganay at ang unang Villanueva ay nagpakamatay. Iyon ang rason kung bakit sila totoong lumipat ng Maynila. Sampung taon gulang siya noon at ang dise-syete ang kapatid niyang panganay na magdesisyon kitliin ang sariling buhay.
Mapait siyang napangiti. Hindi siya ang tipo ng tao na suicidal pero minsan, pumasok na rin ito sa kaniyang isipan noon at muntikan wakasan ang lahat kung hindi dahil kay Ffion na laging sumusulpot at kinukulit ang araw niya. Mahal niya ang dalaga, pero hanggang kaibigan lang ito. Kung mas higit pa sa pagkakaibigan, hindi niya kaya itong ibigay.
Kaya mas gugustuhin niyang umalis ito at sumama kay Lucas, nang sa gayon ay tuluyan siya nitong makalimutan. Alam niyang nanatili ang babae dahil sa kaniyang sitwasyon ngayon na pagiging bulag. Pero tulad nga ng kaniyang sinasabi, kahit bulag siya at walang nakikita, hindi niya pa rin kayang mahalin ang babae. Pagmamahal kaibigan, oo.
MARAHANG pinunasan ni Ffion ang luhang walang tigil sa pagpatak. Bakit pa ba siya iiyak? Ganito naman talaga ang pagtrato sa kaniya ni Audric simula pa lang nung nandito sila. Magiging mabait ito, at tapos babalik na naman sa pagiging mainitin ang ulo at masungit. Much worse ang parati nitong pagtutulak sa kaniya papalayo. Ganiyan naman lagi sa kaniya si Audric pero ang hindi niya lang napaghandaan, ang papuntahin dito si Lucas para itulak sa lalaki at sumama.
Nalaman niya ito dahil sinabi ito mismo ni Lucas sa kaniya nung tapos na silang nag-ikot sila sa malawak na kalupaan ng Villanueva. Sinabi nito ang totoong pakay kung bakit ito nagpunta sa San Mateo at inaamin nito na gusto rin nito ang plano ni Audric pero nirerespito pa rin siya nito at kung ano man ang magiging desisyon niya.
Pero hindi, hindi niya susukuan ang lalaki. hindi siya aalis. Hindi siya sasama kay Lucas at alam niyang maiintindihan siya ng lalaki. hinding hindi siya aalis sa tabi ni Audric dahil alam niya sa sarili niyang kailangan siya nito pero hindi lang nito sinasabi.
Bago siya lumabas, hinarap niya ang mga gamit ng asawa niya sa pagpipinta at inayos ang mga iyon. Wala siyang masyadong ginalaw dahil ayaw na ayaw nito na pinapakialaman niya kung saan nakalagay ang mga gamit nito.
Parang may kung anong sumaksak sa kaniyang puso nang makita ang pinenta ng kaniyang asawa ngayon araw. Semi abstract painting ito pero alam niya kung sino ang nasa canvas. Hindi niya na pangalanan.
"Ffiona..."
Napalingon siya nang marinig niya ang tawag ni Lucas. Nasa bukana ito ng pintuan at nakatingin sa kaniya. Malungkot ang kislap ng mga mata nito...
"K-kanina ka pa ba diyan?" Gusto niyang kurutin ang sarili at kung bakit ito ang naitanong niya. Malamang na kararating lang nito dahil tinakbo lang naman niya ang pauwi papuntang Villa para kumprontahin si Audric pero siya pa rin itong talunan at luhaan.
"Hindi ka pa rin ba napapagod sa pagmamahal mo kay Audric?"
Nagbawi siya ng tingin at hindi kumibo. Napapagod? Kung napapagod lang ang usapan, matagal na siyang napagod. Pero hindi niya kayang sumuko. Dahil kahit bali-baliktarin niya ang mundo, ang lalaki pa rin ang kaniyang pahinga. Napapagod, oo, pero ito rin ang kaniyang pahinga. Kaya paano siya mapapagod sa pagmamahal niya kay Audric? Kung ito ang dahilan kung bakit siya nagmamahal ngayon?
"A-andiyan na yata si Manang Minda..." Pag-iiba niya sa usapan at nagmadali nang lumabas.
Tinungo niya ang hagdanan at sumunod sa kaniya ang binata. Nang maabutan siya nito, mahigpit na hinawakan nito ang kaniyang kamay. Natigilan naman si Ffion at napatingin sa mga mata ni Lucas. Nakikita niya sa kislap niyon ang awa at pagmamahal sa kaniya pero nangibabaw ang respito para sa kaniya.
Ang kasunod na ginawa nito ay kinagulat niya, bigla siya nitong niyakap. Yakap na alam niyang walang kahulugan o ano pa man. Yakap ng isang kaibigan sa taong tulad niyang nasa tabi ng bangin at isang hakbang na lamang ay mahuhulog na siya ng tuluyan.
"Ffiona..." mahinang anas nito sa kaniyang pangalan.
Tila ilog na umagos ang kaniyang luha. Sapat na ang kaniyang luhang magpapatunay na kailangan niya ng maiiyakan at masasandalan. Dahil hirap na hirap siya. hirap na hirap sa pagmamahal para sa asawa niyang walang ibang ginagawa kundi ang emosyonal siyang saktan pero mahal na mahal pa rin niya.
"L-lucas..." Tuluyan siyang umiyak sa dibdib ng lalaki. Parang sinasakal ang kaniyang puso sa sakit. Sobra siyang nasasaktan ngayon at 'yon ang totoo. Parang naipon lahat. Naipon lahat ng sakit at kailangan niya ng masasandalan kahit ngayon lang. Kahit ngayon lang at pagkatapos ay lalaban siya ulit. Gano'n naman iyon, 'di ba? Iyak ngayon tapos laban ulit.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Club #1: THE BLIND BILLIONAIRE (Completed)
General FictionSa sobrang galit ni Audric dahil iniwan siya mismo sa araw ng kasal nila ng girlfriend niyang si Ivony, ang kababatang si Ffion ang hinarap niya sa altar upang maging asawa niya. Gusto niyang iparamdam sa babae na kahit isa na siyang bulag, kaya niy...