Kabanata 16 - I'm Sorry

3K 172 27
                                    

PINILIT na ipikit ni Ffion ang kaniyang mata kinagabihan. Wala si Audric, mamaya pa ito papasok sa kanilang silid kapag nasigurado na nitong tulog na siya at kuha niya na ang bagay na iyon. Gano'n ang set-up nila lagi mag-asawa.

Masakit na masakit ang kaniyang ulo at para itong mabibiyak. Mainit din ang kaniyang katawan kahit tapos na siyang uminom ng isang pirasong paracetamol.

Pero kahit anong pilit niya, hindi siya dinadalaw ng antok. Mailap ito sa kaniya na parang isang hayop. Gusto niya ng magpahinga mula sa nakakabaliw na pangyayari sa araw na ito. Ito yata ang dahilan sa lakas ng pagkakasampal sa kaniya ng Donya o sa takot na nararamdaman niya kay Lorenzo. Alinman sa dalawa, hindi niya na ito pinansin. Hinihiling niya na sana ay makatulog na siya at maaga pa siya bukas para paghandaan ang lalaki.

Nagpasya siyang bumangon at kasunod niyon ang pagsigid ng sakit sa ulo niya. Mainit na mainit ang kaniyang balat at para siyang napapaso sa sarili niyang init. Hindi naman siguro siya nilalagnat dahil nakainom na siya ng gamot pero bakit masakit pa rin ang kaniyang ulo?

Ilang segundo siyang nakaupo bago nagdesisyon na pumunta ng banyo para maligo. Baka kulang lang ng cold shower ito. Tama, baka kailangan lang niyang ibabad ang sarili sa ilalim ng rumaragasang tubig at baka sakali dito, mawawala ang sakit ng kaniyang ulo.

Una niyang hinubad ang suot niyang oversize shirt ni Audric at kasunod ang cotton short. Tinanggal niya rin ang dalawang saplot na nakatabing sa mahalagang parte ng kaniyang katawan. Agad siyang dumulog sa cold shower pero hindi niya maramdaman ang lamig. Mas nangibabaw ang init ng kaniyang balat na parang nasa ilalim siya ng impyerno.

"Nahihilo yata ako..." Bahagya siyang napapikit at huminga ng malalim. Marahan niyang pinilig ang kaniyang ulo para mawala ang hilong nararamdaman niya pero ang huli, napasandal siya sa dingding.

Kaagad niyang pinatay ang shower at inabot ang towel. Tinapis niya ang tuwalya at nang ibuhol niya na ito sa katawan, tuluyan umikot ang kaniyang mundo. Ang kasunod na kaniyang naramdaman ay bumagsak siya sa sahig at nagdilim ang mundo niya...

.
.
.
.
.
.

KINAPA ni Audric ang doorknob ng pintuan at walang ingay na pumasok. Sa mga oras na ito, alam ni Audric na tulog na ang asawa. Sandali siyang napabuntong-hinga. Tinungo ng kaniyang paa ang closet at kumuha ng damit doon. Maliligo siya saglit.

Pumasok siya agad ng banyo at may ingat ang kaniyang bawat hakbang kahit alam niya na ang pasikot-sikot sa bahay na ito... minsan nasasagi pa rin ang kaniyang paa sa mga nakaharang na kagamitan. Natigilan lang si Audric nung may sumagi sa paa niya.

"Ffion?" May kung anong bumundol na kaba sa puso niya. Kaagad niyang kinapa ang katawan ng dalaga at hinanap ang pulsuhan nito para matigilan lalo. "Damn Ffion! Ang taas ng lagnat mo!" Walang sinayang na oras si Audric, kaagad niyang binuhat ang asawa na alam niyang tanging tuwalya lang ang nakatapis sa katawan. Wala itong malay iyon ang alam niya. Dahil ilang beses niyang tinawag ang pangalan nito pero walang sagot mula sa babae.

Maingat niyang nilapag sa malambot na kama ang asawa at agad na tumalima para kumuha ng damit sa closet. Ang unang nakapa niya ay ang kaniyang tshirt at boxer. Hindi na siya nagdalawang isip na isinuot ito sa katawan ni Ffion kahit wala siyang nakikita.

Damn! Get a grip, Audric!

Tinapik niya ang pisngi nang hindi sinasadyang nasagi ng kaniyang kamay ang dalawang umbok na dibdib ng asawa. Kahit anong iwas ng kaniyang kamay, hindi sinasadyang nasasagi niya ito.

Matapos niyang bihisan ang asawa, muli niyang sinalat ang leeg nito. mainit na mainit pa rin ito at kailangan niya itong dalhin sa Hospitan! But damn it! Paano niya madadala sa Hospital ang dalaga kung tatlong oras ang layo ng Hospital sa San Mateo? Isa pa, ang kapansanan niya.

Kinapa niya ang braso nito at napahinga si Audric ng maluwang. Inakala niyang naglaslas si Ffion at sa parteng iyon palang, kinabahan na siya. Ito ang unang pagkakataon na may lagnat ang asawa at nalilito siya sa unang gagawin. Hindi siya sanay na may sakit ito ngayon magkasama na sila sa iisang bahay.

"A-adi..."

Parang may kung anong kumirot sa puso niya nang marinig ang paos at mahinang boses ng babae. Kinapa niya ang kumot at kinumutan ang asawa. "Ffion, stay here. Kukuha lang ako ng gamot at maligamgam na tubig para bumaba ang lagnat mo..."

"A-adi..."

Napahugot siya ng malalim na hangin at nagpasyang tumayo. Hindi pwedeng wala siyang gagawin habang mataas ang lagnat nito. Wala siyang paningin pero kaya niyang gumalaw. Sapat na ito.

Mabilis siyang lumabas ng kanilang silid at nagtungo sa kusina. May pagmamadali sa kaniyang galaw. Wala siyang nakuhang plangganita kaya ang ginamit niya ay caserole. Nag-init siya ng tubig sa heater at binuhos niya roon. Nilagyan din niya ito ng tubig mula sa gripo at bumalik sa silid nilang mag-asawa.

Ang isang kamay niya ang nakahawal sa kaserola habang ang isang kamay niya ang nagmistulang gumigiya kung saan siya deriksyon pupunta. "The hell I am doing this for Ffion?" Gusto niyang magmura pero nang maisip na kailangan na kailangan nito ang kaniyang tulong, wala siyang magawa kundi ang ihakbang paa na bitbit ang kaserolang may laman na kalahating tubig maligamgam.

Wala siyang mahanap na towel kaya ang ginamit ni Audric ay ang kaniyang malinis na boxer. Kaagad niyang binasa ito sa tubig na dala niya at nilagay sa noo ng babae. Tumayo siya at nagpunta sa banyo kung saan nakalagay ang medicine box. Kinuha niya iyon para mapamura lang ng malakas!

Paano niya mababasa kung alin sa mga gamot na hawak niya ang para sa lagnat? Galit na binato niya lahat iyon sa lababo at nagtungo ulit sa kinahihigaan ng asawa. Mataas pa rin ang lagnat nito at panay ito tawag sa kaniyang pangalan.

"Shh... I'm here. I'm here..."

"A-adi..."

"Yeah? I'm here..."

Humikbi ito. Natigilan siya. Marahan niyang kinapa ang pisngi ng asawa at nalaman niyang umiiyak nga ito. Mabilis niya itong pinunasan. Ang unang beses na nakaya niyang punasan ang luha nito simula nung naging mag-asawa silang dalawa.

"I'm sorry..."

Nahigit niya ang kaniyang hininga. Gusto niyang tanungin ang asawa kung bakit ito humihingi ng patawad gayon wala itong naging kasalanan sa kaniya.

"I-I'm s-sorry, A-adi... I'm s-sorry kung b-bakit mahal kita... I'm sorry kung bakit ako nandito imbes na ang babaeng mahal mo. I'm s-sorry..."

Hindi siya kumibo. Gusto niyang pahintuin ang pag-iyak ni Ffion pero hindi niya alam paano patahanin ito. Nagbago ang lahat. Hindi na sila ang Audric at Ffion na matalik na magkaibigan noon. Na isang iyak lang ng dalaga at isang ungot lang nito sa kaniya ay pinagbibigyan niya ito sa mga gusto nito, maliban na lang sa mahalin ito ng mas higit pa. Iyon lang ang nag-iisang hindi niya kayang ibigay sa babae.

The Billionaire's Club #1: THE BLIND BILLIONAIRE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon