Pinigil niyang huwag mapaiyak sa sakit. Pakiramdam ni Ffion, namaga ang kaniyang mukha lalo na at malakas ang pagkakasampal sa kaniya ng Donya.
"Magsalita ka Ffion kung ayaw mong masaktan! Saan at bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko sa bahay na ito?! Hindi mo ba ako kilalang babae ka, ha? Ako si Donya, Vilma Gasis Villanueva. Ang Ina ng lalaking tagapagmana ng Villanueva at ito ang gagawin mo sa'kin, punyeta ka!" Nameywang ang isang kamay nito at ang isang kamay ay pumapaypay sa sarili nito. "Saan ang aircon ng bahay na ito! Ang init. Ang yaman-yaman ng pamilyang meron kami tapos walang aircon sa bahay na ito?" Naglibot ito ng tingin at napaismid. "Ano? Yuyuko-yuko ka lang diyan? Kunan mo ako ng maiinom at kanina pa ako nauuhaw sa byahe, ingrata ka!"
Kaagad siyang tumalima nang sabihin ito ng Donya. Hawak-hawak niya ang pisnging sinampal nito at aaminin niya o hindi, masakit ang pagkakasampal ng Donya.
Kaagad siyang kumuha ng pitsel sa ref at isang baso. Nagsalin siya roon at saka dinala sa sala kung saan panay lakad nang lakad ang babae at hindi mapaupo sa sofa. Init na init ito at maarteng nagpapapunas ng pawis.
"T-tita, ito na ho ang t-tubig niyo..." Nagyuko siya ng ulo at inabot dito ang basong may malamig na tubig.
"Tubig?" Napapantastikuhang tanong nito pero kinuha nito ang baso. "At tingin mo, tubig ang gusto ko!" At sinaboy sa mukha niya.
Napasinghap naman si Ffion at hindi inaasahan na gagawin ito ng Donya. Oo, alam niyang ayaw nito sa kaniya. Ayaw nito sa kaniyang Ina at mas lalong ayaw na ayaw nito sa kaniyang pamilyang pinagmulan. Paulit-ulit nitong pinapamukha sa kaniya na isang kabit ang kaniyang Ina pero ang ginawa nito ngayon, hindi niya inasahan!
Basang-basa ang kaniyang damit ng tubig nang magtaas siya ng tingin at sinalubong ang mapangmatang titig ng Donya. "H-hindi niyo naman kailangan isaboy sa'kin ang tubig, T-tita kung ayaw niyo. Pwede niyo naman sabihin na kunan ko kayo ng ibang gusto niyo..."
"At sumasagot-sagot ka na sa'kin ngayon punyeta ka?" Akmang sasampalin siya nito nang magsalita si Audric.
"Kung nandito ka lang, Mom, para pilitin akong magpa-opera ng mata, umalis ka na."
Sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng boses. Nakita nila si Audric, nakatayo ito sa gilid ng hagdanan at nakatingin sa kanilang derikyson.
"Audric, my son!" agad nagliwanag ang mata ng Donta. Akmang lalapit ito sa may hagdanan pero bumaba na si Audric na parang nakikita nito ang hinahakbangan na baitang. "Ano, Ffion! Tutunganga ka lang diyan babae ka? Tulungan mo ang anak kong makababa. Engrata ka talaga!"
"A-ayaw po ni Audric na inaalalayan, T-tita..."
"At sumagot ka pa?!"
"ENOUGH!!!" Malakas na boses ang pumuno sa bahay na iyon.
Pareho naman silang natahimik ng Ina nito. Pero ang mga mata ng Donya ay nagbabanta ng panganib sa kaniya. Matalim ang mga tingin na binigay nito sa kaniya.
"Bukas ang pintuan. Bumalik na kayo sa Maynila. Hindi kayo nababagay rito. Alam natin pareho na balikan ang bahay na ito ay isang sagabal para sa'yo."
"S-son don't talk to me like that." Lumambot ang ekspresyon ng mukha ng Donya. Nagdadalawang isip ito kung sasalubungin ba ang anak na pababa ng hagdanan na walang alalay mula sa kaniya. "Alam mong mas mahalaga ka sa'min ng Dad mo. I am here to help you son, huwag mo kaming itulak papalayo sa'yo ng Dad mo. We are family!"
Napahinto naman si Audric sa paghakbang at marahan natawa pero nararamdaman ni Ffion ang sakit at galit sa tawang pinakawalan ng kaniyang asawa.
"Family? Yeah, family." Muli itong humakbang sa baitang ng hagdan pababa. "Muntikan ko makalimutan na pamilya tayo."
Nakagat niya ang kaniyang labi sa naging sagot ni Audric. Ang pagkakaalam niya, masaya si Audric sa pamilyang meron ito. Lahat ng gusto ng Ina at Ama nito ay sinusunod ng lalaki kaya hindi niya maintindihan kung bakit parang may bahid ng galit at sakit ang bawat katagang binitawan nito sa sariling Ina.
"Anong oras kayong aalis?" Umupo ito sa mahabang sofang nandoon sa sala. Sa ibang deriksyon ito nakatingin ngayon.
"Audric!" Tumaas naman ang boses ng Donya. Halatang nasasaktan sa naging pagtrato ng anak nito.
Gusto niyang umalis at hayaan mag-usap ang dalawa pero parang napako ang kaniyang paa sa sahig habang basa ng tubig.
"Bigyan mo kami ng privacy ng anak ko, Ffion. Labas ka muna."
"No! Ffion is not going anywhere. She's my wife."
Sumikdo ang kaniyang puso nang banggitin ni Audric na asawa siya nito. Hindi pa rin siya nasasanay sa paiba-ibang mood nito at pagiging mabait sa kaniya minsan.
Sumenyas sa kaniya ang lalaki na umupo siya sa tabi nito at nag-alangan siya nung una pero sumunod pa rin siya sa gustong mangyari ni Audric. Kung ano man ang drama nito, sasakyan niya. Hindi niya lang makuha kung bakit ito ganito sa sariling Ina nito. Kung bakit ito galit.
Nahigit niya ang kaniyang hininga nang akbayan siya ng lalaki. Unang pagkakataon na inakbayan siya nito simula nang dumating sila rito sa Villa. Napatingin siya sa kaniyang asawa at tila sinasakal ang puso niya sa sakit at saya. Kahit alam niyang ginawa lang ito ni Audric dahil nasa harapan nila ang Ina nitong galit na galit na nakatingin sa kaniya.
"I am happy with her now. Wala akong balak bumalik ng Maynila sa ngayon. Hayaan niyo akong mamuhay ng tahimik na kasama ang asawa ko. Leave us alone, Mom."
"Audric! Nababaliw ka ba?! Anong hahayaan kang tahimik na mamumuhay kasama ang babaeng iyan? Hindi ako naging Ina sa'yo para hayaan kang mabulag habang-buhay! You came from a wealthy family, Audric. Mabilis maghanap ng eye donor! Cooperation mo lang ang kulang, anak. Dios me amore! Ano ba ang pumapasok diyan sa utak mo at mas gusto mong mamuhay ng walang mata?"
"Dalawang buwan pa lang akong bulag, Ma. Hindi ilang taon. Hayaan niyo muna akong maghilum ng sarili kong sugat at saka ako babalik kapag handa na ako. Handa ko ng balikan ang lahat."
"Pero anak, matanda na ang Ama mo. Gusto niya ng bumaba sa kaniyang posisyon at ikaw na lang ang hinihintay niya. You need to get a cornea transplant as soon as possible. Maawa ka sa Ama mo na panay trabaho dahil wala ka."
Isang mahabang katahimikan ang sumunod. Nagbaba siya ng tingin at hindi alam ang sasabihin o literal na walang maisasagot kung sakaling siya ang babatuhin ng mga tanong ng Donya. Sa mata pa lang nito, galit na galit na ito at halatang nagtitimpi lang. Habang ang kaniyang asawa ay kalmado lang na nagsasalita.
"Pumarito kayo para sa posisyon ni Dad. Ano pa nga ba? Kayamanan pa rin ng Villanueva ang iniisip niyo, hindi ako."
"Anak hindi sa gano'n..."
Ngumiti lang si Audric. ngiti na hindi abot sa mata. Ngiti na nababasa niya roon ang matagal ng tinatagong sakit. Adi... Parang sinakal ang kaniyang puso.
"Tapos na tayong mag-usap, Mom. Leave." Tumayo si Audric at ginanap ang kaniyang kamay. Hinila siya nito papalayo sa Ina nito at tinungo nila ang hagdanan papunta sa itaas.
"Audric! Hindi pa tayo tapos mag-usap!"
Nagkibit lang ng balikat ang lalaki samantalang siya ay walang kibo na sumunod sa lalaki. Ayaw niyang magsalita o magbitaw ng kahit isang letra.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Club #1: THE BLIND BILLIONAIRE (Completed)
General FictionSa sobrang galit ni Audric dahil iniwan siya mismo sa araw ng kasal nila ng girlfriend niyang si Ivony, ang kababatang si Ffion ang hinarap niya sa altar upang maging asawa niya. Gusto niyang iparamdam sa babae na kahit isa na siyang bulag, kaya niy...