PAHINA I

47 60 0
                                    

Zion's POV

Sa ilang daang taon na nabubuhay ako, ang dami ko ng nasaksihan. Ang daming tao ko nang nakilala at nakita mawala sa mundong ito. Kada may makikilala ako, lahat sila namamatay.

"Atin nang simulan ang subasta!"

Isang madilim na silid. Sa isang dilim na kung saan ay liwanag ng isang bitana ang siyang nagbibigay ilaw sa akin. Bilog na bilog ang buwan. Sa liwanag na natama sa aking mukha ay siyang kumikinang ang aking buhok.

Mula dito ay naririnig ko ang mga sigaw at hiyaw ng mga tao. Hindi ko makita ang mga kasama ko sa lugar na ito. Madami akong naririnig sa paligid na na naiyak at mga nagmamakaawa.

Sa tagal na ng pamumuno ko sa Deria ay wala nang ni isang tao ang nakakakilala sa akin. Isa na lamang akong ordinaryong nilalang na kakaiba ang wangis na hindi normal sa ibang tao.

"Huwag po! Maawa kayo sa akin! Ayokong mapunta sa mga taong yun! Nakikiusap ako!"

Iyan ang naririnig ko sa mga taong inilalabas sa silid upang isubasta sa mga matataas na tao. Inusubasta para maging alipin, laruan, at pagmalupitan ng mga taong makakabili sa amin.

Natandaan ko na kung paano ako napunta sa lugar na ito.

"Hoy! Halimaw!"

Iyan ang tingin ng mga tao sa akin. Halimaw. Kakaiba. Masama. Sa daming beses kong tinulungan ang mga tao ay iyon pa rin ang tingin nila sa akin.

Nang matapos ang digmaan sa Deria ay pinili kong lumayo sa lugar na iyon. Iyon na ang huling beses na lumaban ako para sa Deria. Umalis ako na duguan ang kasuotan hanggang sa maging marumi ito. Mga dugo ng mga napatay ko sa digmaan. Ilang dekada na ang lumipas matapos ang digmaan ay iba't ibang bayan at lungsod na ang aking napuntahan.

"Sino iyan? Kakaiba ang kanyang itsura."

"Tingnan mo ang kanyang buhok. Iba ang kulay."

Nagawi ako sa lugar ng Antia. Sa kanluran na malayo sa Deria. Hindi ko maalintana ang aking itsura. Marumi. Walang suot sa paa. Lahat ng tao ay pinagtitinginan ako. Nawalan ako ng pakialam sa lahat.

"Ahhh! Ang mga bandido!"

Nakita ko ang bayan ng Antia na sinasalakay ng mga bandido. Bawat bata at babae ay kinukuha at sinasakay sa mga malalaking karwahe.

"Ahhh! Tulungan niyo kami!"

Madaming sugatan. Madaming namatay. Gusto kong tumulong ngunit natatakot akong malaman nila ang aking katauhan.

Hanggang sa isinama ako sa mga dinukot nilang mga bata at babae.

Wala akong magawa. Gusto kong tumulong pero hindi ko na magawa. Simula ng laban ko sa digmaan ay pinangako ko sa sarili ko na hindi na ako makikialam sa mga tao. Itatago ko ang aking katauhan sa lahat. Kung sino ako.

Narinig ko ang mga yabag ng mga guwardiya papalapit sa akin. Kahit nakayuko ako ay alam kong ako na ang sunod.

"Ilabas mo na yan! Sigurado akong malaki ang magiging halaga ng isang ito."naramdaman ko ang paggalaw ng aking kadena sa leeg. Hinila ako papalabas sa silid ko na halos dalawang taon na akong nakakulong sa silid na iyon.

Hila hila ako ng guwardiya palabas ng lugar na iyon. Tumingin ako sa aking harapan at nakikita ko ang isang liwanag na kung saan nanggagaling ang mga hiyaw at sigaw ng mga matataas na tao.

"Ang susunod sa subasta ay isang lalaki na kakaiba sa lahat! Siya ay kasamahan ng mga Antia."

Biglang tumahimik ang buong paligid ng lumabas ako at iharap sa kanilang lahat. Tiningnan ko silang lahat. Halata sa kanila na mga maharlika silang tao. Ang buong lugar ay puno ng bulungan habang nakatingin sa akin.

"Kakaiba ang lalaking ito."

"Halos kulay ginto ang buhok nito."

"Ngayon lang ako nakakita ng ganitong itsura."

"Ang mata niya. Kulay berde."

Yumuko lang ako at pinagmasdan ang aking paa na may gapos na bakal. Hindi ko alam pero nais kong matanggal ang gapos na ito.

"Maganda na ang itsura nito at magandang lalaki. Alam kong magiging isang malaking pakinabang ito sa inyo!"sabi ng lalaki na nagsusubasta.

"Dalawangpung ginto!"sigaw ng isang lalaki na nagpanimula ng subasta.

"Dalawangput limang ginto!"sigaw naman ng isa pa.

"Tatlungpung ginto!"

Nagulat ang mga tao sa sinabi ng isa pa. Napakalaking halaga ng tatlungpung ginto. Kayang kaya mo ng bilhin ang isang bayan.

"Sino pa ang lalaban sa tatlungpung ginto? May dodoble pa ba?"

"Limangpung ginto!"

"Isandaang ginto."

"Dalawang daang ginto."

Palaki ng palaki ang taya ng mga tao. Hindi ko akalain na ganito ang mga tao. Itataya ang kung ano meron sila para makuha ang nais.

"Isang libong ginto!"

Nanlaki ang aking mata sa narinig. I-isang libong ginto? Anong klaseng tao ang magkakaroon ng ganung kadaming ginto? Bihira lang ang magkaroon ng ginto at mahirap makahanap ng ginto sa panahon ngayon. Kaya nakakagulat na may magsusubasta ng ganung kalaking halaga ng ginto.

Tumingin ako kung sino ang taong yun. Isang babae. Nakamaskara ito pero halata sa itsura nito na mas mataas siya sa mga taong nandidito dahil sa itsura ng pananamit nito.

"Nakakagulat. Wala na bang hahabol pa?"kita sa mga tao na hindi na kaya tapatan ang halaga na iyon.

"Kung ganun. Tapos na ang subasta sa lalaking ito. Nanalo ang babaeng nakamaskara."tumayo na ang babae habang nakatingin sa akin. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Hinila ako ng mga guwardiya pababa at dinala sa isang tanggapan. Tinanggal nila ang mga gapos sa aking leeg,kamay at paa.

Naiwan ako dito habang hinihintay kung ano ang mga susunod na gagawin. Maraming bantay sa lugar na ito para hindi magagawang makatakas.

"Ano na ang mangyayari sa akin?"tanong ko sa aking sarili. Hindi ko alam kung ano ang magiging buhay ko sa pagbili sa akin ng babaeng iyon.

"Nandito ka na pala. Isuot mo ang balabal na ito."inabot sa akin ng babaeng nakamaskara ang kulay pula na balabal. Ito pala ang kanyang itsura sa malapitan.

Kulay kape ang kanyang buhok. Ang kanyang mata na kakulay din ito. Ang suot niya na mahabang bistida na kulay berde na may mga bato na nakaburda sa dulo.

"Isuot mo na iyan at tayo ay aalis na."sabi niya kaya kaagad kong sinuot ang balabal. Medyo nahirapan akong isuot ang balabal sa patong patong tela na nakatahi dito.

Nagulat ako ng lumapit siya sa akin at tulungan akong isuot ito. Napakaganda ng kulay ng balat ng mukha niya. Maputi at makinis.

"Nagagalak ako at nakita kita,Zion."nanlaki ang aking mata ng marinig ko na sabihin niya ang aking pangalan. Kilala niya ako?

"K-kilala mo ako?"tanong ko sa kanya. Sinuot niya ang pandong sa ulo ko at ngumiti siya sa akin.

"Hindi. Pero alam ko kung ano ka. Kaya isang malaking swerte at nanalo ako sa subasta."sabi niya saka maglakad papalayo sakin.

Nahinto ako bigla. Anong ibig sabihin ng sinabi niya?

Awaits of the Golden Dragon | WIPWhere stories live. Discover now