Chapter VI

28 52 0
                                    

A/N: Ito ang huling kabanata ng nakaraan ni Zion. Medyo napahaba lang. Hahahaha.

Lumipas ang ilang taon ay naging maganda ang pamumuno ko sa Deria. Lahat masaya at naging masigla ulit.

"Kamahalan. Hinahanap po kayo ng Obispo."sabi sakin ng Dama.

"Sige."tumungo agad ako sa silid ng Obispo at nakita ko siyang abala sa kanyang pagsusulat.

"Obispo Declan."

"Haring Zion."lumapit ako sa kanya at naupo.

"Obispo, huwag niyo na akong tawaging Hari. Ayos na ako sa Zion na lang. Huwag na kayong maging pormal sakin."sabi ko sa kanya. Hindi kasi ako sanay na tawagin niya ako sa ganun. Sobrang tagal ko ng kilala si Obispo Declan. Halos siya na din ang nag-alaga sakin simula ng mawala ang aking magulang. Narinig ko ang pagtawa niya.

"Hindi maaari. Kung ano ang tawag sa iyo mga tao ay ganun din ang tawag ko sa iyo."sabi niya.

"Tsk!"simangot ko pero kaagad naman akong tumawa.

"Napakalaki mo na ngunit hindi ka man lang halata sa itsura mo na tatlungpu't lima kana. Napakabata pa din ng itsura mo."sabi niya. Akoy ngumiti sa kanya.

"Sang-ayon ako sa iyo. Kahit ako nagtataka dahil hindi man lang natanda ang aking itsura. Siguro dahil sa dugo ni Flavia."wika ko.

"Iyon nga din ang nasa isip ko. Kaya mas patibayin mo pa ang sarili mo at palakasin ang katawan mo. Lalo na at naging hari ka ng Deria. Alam kong tuwang tuwa at galak na galak sina Lord Colson at Lady Aniya sa inyo,Kamahalan."

"Sigurado akong masisiyahan sila kung nabubuhay sila ngayon. Kaya aking patuloy na pangangalagaan ang Deria."sabi ko na may paninindigan.

"May tiwala ako sa iyong sinabi. Alam kong mapoprotektahan mo---"natigilan ito sa pagsasalita at biglang umubo.

"Obispo Declan. Ayos lang po ba kayo?"alalang sabi ko sa kanya saka lumapit dito.

"Maayos lang ako. Naubo lang ak---"umubo ito ulit pero mas malakas.

"Ilang araw na kayong inuubo. Magpapatawag ako ng Doktor para magamot kayo."

"Hindi na kailangan. Ayos lang ako,Kamalahan."tanggi nito pero nagpumilit ako.

"Hindi. Magpahinga na kayo at papuntahin ko ang Doktor para tingnan ang inyong kalagayan."sabi ko at tinulungan siyang mahiga sa kanyang kama. Patuloy pa din ang pag ubo nito kaya lalo akong nag-alala.

"Hindi mo na kailangang gawin yun. Mawawala din ang ubo kong ito."

"Kahit anong tanggi niyo, hindi ako papayag. Magpahinga muna kayo dyan,Obispo."sabi ko sa kanya saka ngumiti. Bumuntong hininga ito.

"Sige. Maraming salamat."nakangiting sabi nito.

Pagkalabas ko sa silid ng Obispo ay sumalubong sakin si Heneral Gatlin. Siya ang Heneral na isa sa pinagkakatiwalaan ko. Halos kasing edad ko siya at isa din siya sa mahuhusay na Heneral ng Deria.

"Kamahalan,kanina ko pa kayo hinahanap. Nandito lang pala kayo."sabi niya.

"Heneral,tumawag ka ng Doktor at papuntahin mo sa silid ni Obispo Declan para tingnan ang kanyang kalagayan."

"Masusunod po, Kamahalan."sabi nito saka yumuko.

Sa aking paglalakad sa pasilyo ay may nakita akong isang lalaki na kahina hinala ang kilos. Tumitingin ito sa paligid na parang magsusuri. Sinundan ko ito kung saan ito patutungo.

Nagtaka ako sa lugar na pupuntahan nito. Malayo na ito sa bahayan ng kaharian. Tumago ako sa isang malaking poste ng tumigil ito. Sumilip ako upang makita kung ano ang ginagawa nito. Nakita kong may kausap itong isa pang lalaki.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 07 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Awaits of the Golden Dragon | WIPWhere stories live. Discover now