PAHINA V

33 56 0
                                    

Dalawangpung taon ang lumipas, lahat ay naghahanda sa mahalagang okasyon. Ang araw ng pagtalaga ng aking pamumuno sa buong Deria bilang isang Hari.

Pinanghahawakan ko ang mga sinabi sakin ni Ama at Ina. Aking pananatilihing maganda at mapayapa ang Deria. Alam kong ginagabayan nila ako dahil ramdam ko ang mga pagmamahal nila sa akin.

"Kamahalan, tapos na po."sabi ng nag-aayos sa aking buhok. Tumingin ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili. Kahit mabago ang kulay ng buhok ko ay makikita pa rin ang pagkakulay ginto nito. Pinakulayan ko ang aking buhok ng itim dahil ayokong maghinala ang mga tao sa aking itsura. Ngunit ang aking mata ang hindi ko kayang baguhin. Ang mga mata na kahalintulad nina Ama at Ina na mala abo ang kulay, napaltan ng berdeng mga mata.

Naalala ko nung labing limang taon ako ay napansin ko na ang mga pagbabago sa aking katawan. Nag-iiba ang kulay ng buhok ko. Ang kulay itim kong buhok ay napapaltan ng dilaw na halos ginto ang kulay. Napansin ko ito ng tumingin ako sa salamin at ang tuktok ng buhok ko ay mag-iiba ang kulay.

"Nagsisimula na ang epekto ng dugo ni Flavia."napatingin ako kay Obispo Declan.

"Tama ka. Papangit ba ang itsura ko kapag nag-iba ang kulay ng buhok ko?"tanong ko sa kanya habang pinahawakan ko ang aking buhok. Narinig ko ang pagtawa nito.

"Master Zion. Kahit magbago ang kulay ng buhok niyo ay magandang lalaki pa din kayo. Kamukhang kamukha niyo ang inyong Ama."sabi niya kaya natigilan ako sa aking ginagawa at naupo sa aking silya.

"Hahaha. Pero mas magandang lalaki ako sa kanya. Sana makita nila ang pagbabago sa aking sarili."sabi ko. Tumingin ako sa pintang larawan namin nina Ina at Ama na nakasabit sa aking silid.

"Ah!"nakaramdam ako bigla ng sakit sa aking mata. Ang hapdi. Parang pinapaso.

"Master Zion. Anong nangyari?"lumapit sakin akin ang Obispo.

"A-ang....mata ko."giit ko. May luha ng tumutulo sa mata ko dahil sa hapdi. Ano bang nangyayari sa aking mata?

"Tingnan ko."sabi niya at tiningnan ang mata ko. Nakita ko ang panlalaki ng kanyang mata.

"Obispo Declan. Bakit? Meron bang dumi sa aking mata? Sobrang hapdi."

"H-hindi. Ang iyong mata."sabi niya saka kinuha ang maliit na salamin na nakalagay sa aking mesa.

Iniharap niya ang salamin sa akin para makita kung anong nangyayari sa aking mata. Nagulat ako ng makitang nag-iba ang kulay ng mata ko. Naging berde ito. B-bakit?

"Pakiwari ko ay isa rin yan ng epekto ng dugo ni Flavia. Kahit mata mo ay nagbago din ang kulay."napatingin ako saglit kay Obispo at ibinalik ang tingin sa salamin. Mas inilapit ko ang aking mukha para makita ng malapitan ang itsura ng aking mata.

Ang kulay abo kong mata ay naging isang purong kulay berde. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Ano pa ang magiging pagbabago sa aking katawan?

Mga sumunod na linggo ay napagpasiyahan ko na simulan ang aking pagsasanay. Nagsanay akong gumamit ng pana at palaso,sibat atsaka espada. Tinuruan ako ng isa sa mga Heneral ng Deria na gumamit ng mga sandata. Naisipan ko na maglaban kami nito.

"Magaling ka,Master Zion. Namana mo ang galing sa pakikipaglaban kay Lord Colson."sabi ng Heneral.

"Matagal na ako nanonood ng paglalaban dito sa pagsasanay kaya nasaulo ko ang mga kilos."sabi ko sa kanya habang patuloy parin kami sa paglalaban. Malakas ang Heneral. Alam kong hindi niya binibigay ang tunay na lakas nito dahil alam niyang bata pa ako at alam nito ang limitasyon.

Sa aming pag-eespada,ay hindi niya sinasadyang mahiwa niya ang aking kanang braso.

"Ah!"

"Paumanhin,Master Zion. Hindi ko po sinasadya na masaktan kayo."sabi niya na halatang nag-aalala. Ngumiti ako dito.

"Huwag kang mag-alala. Isang maliit na sugat lamang ito."sabi ko sa kanya.

"Diyan lang po kayo. Tatawag ako ng manggagamot para gamutin agad iyang sugat niyo."mabilis itong tumakbo upang tumawag ng manggagamot. Umupo muna ako sa buhanginan para hintayin ang Heneral.

"Master Zion!"napatingin ako kay Obispo Declan na tumatakbo papalapit sa akin.

"Nasugatan ka raw. Patingin ng iyong sugat."sabi niya na nag-aalala rin. Napatawa na lang ako bigla.

"Huwag kang mag-alala. Tingnan mo isang lang itong....."natigilan ako ng itinaas ko ang manggas ng aking damit at ipinakita sa kanya ang aking sugat. Bakit nawala bigla ang aking sugat?

"Walang sugat. Nahiwa ako ng espada ng espada kanina. At kita ko ang pagdurugo nito."wika ko na hindi makapaniwala. Paanong nawala ang sugat sa aking braso?

"Sigurado po ba kayo na nasugatan kayo?"sabi ng Obispo. Tumango ako sa kanya.

"Hindi ako nagkakamali. Tingnan mo ang aking manggas. May dugo kaya imposibleng walang sugat."

"Hindi kaya. Isa rin ito sa epekto ng dugo ni Flavia?"takang sabi niya. Ano? Kahit ang sugat ay nawawala? Nagtaka ako sa ginawa ng Obispo. Kinuha niya ang espada na hawak ko at hinawakan ang aking palad.

"Master Zion. Patawarin niyo ako sa aking gagawin."sabi ng Obispo kaya bigla akong kinabahan sa kanyang sinabi. A-anong gagawin niya? Napahiyaw ako sa sakit ng hiwain niya ang aking palad. Napakahapdi.

"Ahh!"hiyaw ko sa sakit.

"Ang sugat niyo."napatingin ako sa palad ko na patuloy sa pagtulo ng dugo. Ilang segudo lang ay hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Ang sugat ko sa palad ay unti unting naghihilom.

"Paanong...."

"Nakakamangha. Nakakamangha ang kapangyarihang dumadaloy sa dugo niyo, Master Zion."

Hindi ko alam ngunit namangha ako sa aking nakita. Ang sugat ko ay naghilom sa isang iglap. Ngayon lang ako nakakita ng ganung pangyayari.

"Master Zion! Nandito na ang Doktor!"napatingin kami sa bagong dating na Heneral at kasama nito ang Doktor. Lumapit ito sa amin.

"Master Zion. Akin na po ang inyong sugat sa braso at aking gagamutin."sabi ng Doktor. Tumayo ako saka pinagpag ang aking pantalon.

"Hindi na kailangan. Maayos lang ako."nakangiti kong sabi sa kanya.

"Ngunit Master Z----"

"Maayos na ang braso ko,Heneral. Tapusin na natin ang pagsasanay at ako ay magpapahinga na. Ikaw na bahala sa mga ginamit natin,Heneral."sabi ko sa kanya saka tinapik ang balikat nito.

----

Kaya nitong lumipas ang dalawangpung taon, nasanay na ako sa pagbabago sa aking katawan. Tinanggap ko na sa sarili ko ang dugong dumadaloy sa akin. Ang dugo ni Flavia.

"Kamahalan. Handa na po ang lahat."sabi ng Obispo sakin kaya tumayo na ako.

Matagal ko nang pinaghandaan na humarap sa lahat ng tao. Ipakita sa kanila at ipagpatuloy ang pamumuno ng aking Ama.

"Ako, Si Zion. Anak nina Colson at Aniya. Ang unang tao na nagtayo ng Deria. Ako, na bilang isang anak ay ipagpapatuloy ang pamumuno na hindi natapos ng aking Ama. Aking poprotektahan ang Deria bilang isang Hari at mamamayan ng Deria!"

Rinig ko ang hiyaw at tuwa ng mga tao ng Deria. Ramdam ko ang galak at saya ng mga ito. Dito magsisimula lahat ng pamumuno ko sa Deria.

Awaits of the Golden Dragon | WIPWhere stories live. Discover now