MCG-47 Friend

367 11 0
                                    

Rixie's POV

Hindi ko mapigilan ang humikbi. Kanina pa ko dito at hindi makagalaw dahil sa takot. Madilim ang paligid at nakakatakot. Idagdag mo pa ang sound effects kaya lalo akong hindi makaalis dito. Pilit kong isiniksik ang sarili ko sa sulok para hindi ako makita ng mga nananakot dito.

"Ang tanga mo naman kasi Rixie. Alam mong takot ka sa madilim tapos horror house pa ito ay sumama ka pa." pangaral ko sa sarili ko at pinahid ang luha ko na patuloy pa ring umaagos.

Niyakap ko ang mga tuhod ko at isinandal ang noo ko doon. Muling kumawala ang mga hikbi nang maalala ko kung paano ako napunta dito. Bigla niya akong binitawan habang nabubunggo kami ng mga kasunod namin. Dahil sa pagkabigla ay hindi ako nakagalaw, may biglang humila sa akin palayo at nang mapagtanto kong wala na si Calix sa paligid ay nagpumiglas ako dun sa humila sa akin. Akala daw niya ay kasama nila ko, humingi lang siya ng pasensya at tumakbo paalis kaya naman naiwan ako sa lugar na ito.

Hindi pa rin maalis sa isip ko na ang dali para kay Calix na bitawan ako. Alam kong simpleng gesture lang yun pero ang laki ng epekto sa akin. Nakakaramdam ako ng takot pero hindi ko alam kung ano ba talaga ang kinakatakutan ko.

By this time, sigurado akong hinahanap na ko ni Calix. Siguradong hindi niya ako iiwanan dito.

"Kanina pa kita hinahanap."

Nabuhayan ako ng marinig ang isang pamilyar na boses. Tama ako, hindi ako iiwan ni Calix dito-natigilan ako nang mapansin na iba ang boses niya. Inangat ko ang tingin ko at lalo akong napaiyak nang makumpirma na hindi siya ang nasa harap ko.

Bumukas ang mga ilaw sa paligid at nakita ko ang mga mata niyang puno ng pag-aalala. Lumapit pa siya sa akin at niyakap ako. Hinimas niya ang likod ko, dahil sa ginawa niyang iyon ay bahagyang gumaan ang pakiramdam ko.

"Hush... para ka naman bata kung umiyak. Okay ka lang ba?" tanong niya. Umiling ako at sumandal sa dibdib niya. Hindi ko mapigil ang paghikbi.

"A-ang g-galing mo talaga. I-ikaw na naman ang nakahanap sa akin." mahinang sabi ko. Si Andrei... siya lagi ang nakakakita sa akin tuwing nawawala ako.

"Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa diyan sa sinabi mo." sabi niya at inilayo niya ako sa kanya upang makita ang mukha ko. Hinaplos niya ang pisngi ko. Hindi ko maiwasang kilabutan dahil dun. "Kasi tuwing nakikita kita... kung hindi ka umiiyak ay malungkot ka." sabi niya at pinunasan ang luha ko gamit ang thumb niya.

"Sir, okay na po ba?"

Napalingon kami ni Andrei sa nagsalita. Medyo nagulat ako sa itsura niya dahil mukha siyang zombie. Kita ko rin sa paligid ang iba pang nilalang na nakatingin sa amin.

"Oo, nakita ko na siya. Salamat." sagot ni Andei habang tinuturo ako. "Flaire, tara na." sabi niya. Napasigaw ako ng bigla niya akong buhatin. Gusto ko sanang bumaba pero pinigilan niya ako. Lumakad na siya kaya hindi na ko nakapalag.

"Andrei, nasaan si Calix?" mahinang tanong ko. Bigla siyang huminto sa paglalakad kaya napatingin ako sa kanya. Hindi ko mabasa ang reaksyon niya.

"Nasa labas." tipid na sagot niya at naglakad muli. Tumango ako at pumikit. Isinandal ko din ang ulo ko sa dibdib niya. Ramdam ko ang pagsinghap niya dahil sa ginawa ko.

"Pakisabi tulog ako." sabi ko. Baliw na nga yata ako dahil sa mga pinagsasabi ko. "Tapos kung pwede, ikaw na lang ang maghatid sa akin." paki-usap ko pa.

Ayoko munang kausapin si Calix. Nagtatampo pa ako dahil sa biglaang pagbitaw niya at hindi man lang niya ako hinanap. Ang babaw ng reason ko pero nasaktan talaga ako at ayokong makita niya ako na ganito.

My Crazy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon