MCG-15 Ashley

1.1K 19 8
                                    

Ashley's Pov

I was about to go out when my mom called me.

"Ashley! Where are you going?" she asked. Argg! I rolled my eyes and face her. Nahuli ako, Malas!

"Magpapahangin lang sa labas mom." sabi ko, she raised her eyebrow.

"Magpapahangin kailangan naka-dress?" mataray na sabi niya. Yeah right! Nakadress ako, I'm going out with my friends at hindi ako nagpaalam kasi hindi nila ko papayagan. Gusto nilang samahan ko dito si ate. Like duh!? Baka mahawa ako sa pagkabaliw niya at isa pa naiinis ako sa kanya! "Go to your room. You're not going anywhere." Napanganga ako sa sinabi ni mom. What the!

"Mom, you can't do this to me!" I said with disbelief. Bakit pati ako kailangan nilang ikulong dito sa bahay?

"I already did." sabi niya at umalis. Padabog akong bumalik sa kwarto ko at nagpalit. I just called my friends and said that I'm not coming.

"Ahahaha!"

I stop when I hear her. Napabuntong hininga ako, nababaliw na naman ang ate ko.

"Ayoko na nga! Ang kulit mo." sabi niya, this time nacurious na ko. Para kasing may kausap siya. Nasa kabilang kwarto lang si ate kaya rinig na rinig ko siya. Hindi sound proof ang mga rooms namin. Ang sabi ni dad incase daw na may mangyari or something ay maririnig agad namin.

I remember before lagi akong nagigising sa sigaw ni ate kapag binabangungot siya. Buti na lang at hindi na siya binabangungot ngayon. Don't get me wrong. I don't care about her. ASA! You know dati kasi lagi akong napupuyat dahil sa kanya.

"Hindi ang cool nga ng pictures na pinakita mo kahapon." narinig kong sabi niya, ang lakas niyang magsalita. Lumabas ako ng kwarto ko at tiningnan ang baliw. Nakita kong nakatapat ang phone niya sa tainga niya, nakaupo siya sa kama at nakasandal sa headboard. "Andrei, bye na! Inaantok na ko." sabi niya at binaba ang phone. Biglang napapalakpak ang tainga ko ng marinig ang pangalang Andrei. That gwapo creature na bisita ni ate. Agad akong lumapit sa kanya at kinuha ang phone niya. Halatang nagulat siya sa biglang paglitaw ko, but I don't care.

"A-ashley." sabi niya, hinanap ko na ang gusto kong kunin sa phone niya. Saved! Mabilis ko rin namang ibinalik sa kanya yun. "Ano ginawa mo?" tanong niya

"Wala kang paki." mataray na sabi ko. "and one more thing, pwede ba kapag may kausap ka ay hinaan mo ang boses mo, rinig na rinig kasi hanggang kwarto ko." sabi ko.

"Bakit kasi pinapakinggan mo?" bulong niya. Kahit kailan talaga nakakainis siya!

"At huwag ka ring bubulong kung magpaparinig ka lang." inis na sabi ko

"Wow congrats Ashley, ang lakas ng pandinig mo!" nakangiting sabi niya

"Alam mo ikaw! Kung magpapakabaliw ka na habang buhay, pwede ba huwag kang mandadamay. Dahil sa'yo hindi ako maka-alis ng bahay." inis na sabi ko, napansin kong biglang nawala ang ngiti niya at napalitan ng blank expression.

"Kasalanan ko pa?" tanong niya, bigla akong kinilabutan sa tonong ginamit niya. Ang lamig, parang hindi siya ang kausap ko kanina. "Hindi ko kasalanan. Kayo ang may gusto niyan kaya hindi ako ang dapat mong sisihin!" Mariing sabi niya. Natulala ako, ewan pero natakot ako, parang bawat salita niya nakakaramdam ako ng sakit.

"Anong nangyayari dito?" Napalingon ako kay dad na mukhang kararating lang. Sasagot na sana ko sa tanong ni dad ng biglang nagsalita si ate.

"Get out." sabi niya habang hindi nakatingin sa akin. Nainis ako sa paraan ng pagsasalita niya.

"Huwag kang mag-" hindi na natuloy ang sasabihin ko.

"Get out!" this time medyo taas na ang tono ng boses niya.

My Crazy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon