Chapter 9 - Reminiscing the Past

29 1 0
                                    


Tinakbuhan ko si Denzel hanggang sa umabot na kami sa tapat ng bahay.

"I didn't know you can still run that fast," sabi niya habang naka tukod ang isang kamay sa isang tuhod. Ang kabilang kamay naman ay inabot ang kamay ko.

"Inisip ko na lang may asong humahabol sa akin," sabi ko. Nang mabawi niya ang hininga ay tumayo na siya nang tuwid.

"Now I'm a dog," di makapaniwalang hayag niya.

"Asong baliw sa akin," biro ko.

"Ang sama mo," sabi niya sa akin.

"I know right," pagmamayabang ko na tila proud pa.

Tinawanan niya lang ako, maging ako ay natawa sa pinagsasabi ko. Nahinto ang tawanan namin ni Denzel nang biglang buksan ni Mama ang pinto nang bahay. Imbis na bitawan ni Denzel ang kamay ko ay lalong hinigpitan niya ang pagkakahawak dito.

"Anong ginagawa mo sa labas?" tanong sa akin ni mama. I just gave her an awkward smile.

"At sino naman yang kasama mo?" tanong niya. Inalis ni Denzel and suot niya sumbrero bago nagsalita.

"Goodmorning tita," tila nahihiyang bati ni Denzel.

"Sandale, bakit magkahawak kamay kayo?" tanong ni mama habang nagpapalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa.

"Vladimir!" tawag ni mama sa kapatid ko.

"Po?" pupungas-pungas pang tanong ni Vlad kay mama na ngayon ay nakatayo na rin sa bungad ng pinto.

"Totoo ba ang nakikita ko? Magkahawak kamay ang ate mo at si Doc Denzel?" tanong niya rito.

"Opo," sagit naman ni Vlad.

"Bakit magkahawak ang mga kamay niyo?" tanong sa amin ni mama.

"Jowa ko na si Denzel Ma," diretsong sabi ko.

"Hala! mahabaging langit. Maraming salamat at dininig mo ang panalangin ko," pagpapasalamat ni mama habang nakatingala sa langit.

Nagkatinginan naman kami ni Denzel at parehong natawa sa naging reaksiyon ni mama.

"Hala siya, pumasok na kayo at baka mahamugan pa kayo at sipunin," aya sa amin ni mama.

Pareho kaming pumasok sa loob ni Denzel at naupo sa sofa sa may sala. Sa harapan naman ay nakatingin sa amin si Vlad na pailing-iling. Tila nahihiwagaan sa kung anong nangyari.

"Bakit ka ganyan makatingin?" tanong ko sa kanya.

"Anong gayuma ginamit mo kay kuya Denzel? Baka sakaling gumana sa crush ko," seryosong tanong ni Vlad.

Kinuha ko ang throw pillow sa likuran ko at ibinato sa kanya. Sinangga naman niya ito ng braso niya.

"Kuya Denzel, kita mo 'yun? Sigurado ka bang gusto mong jowain ang ate ko?" tanong ni Vlad na tila iba ang pahiwatig.

"Lumayas ka sa harapan ko Vlad at baka itong flower vase na ang ibato ko sa iyo," pagbabanta ko.

Agad siyang tumayo at tumakbo papasok sa kwarto niya.

"Your being too harsh Vi," sita sa akin ni Denzel na kanina pa tumatawa.

"Sige, pumili ka, siya ang babatuhin ko o ikaw?" tanong ko sa kanya.

"Sige siya na lang batuhin mo," pagsuko niya.

"See, takot ka rin pala," kumento ko. Nginitian niya lang ako.

"Do you have for the weekend?" biglang tanong niya sa akin.

"Wala, sa kwarto lang tatambay, sama ka?" pagbibiro ko.

Before She DiesWhere stories live. Discover now