CHAPTER EIGHTEEN

68 2 2
                                    

NAGING maayos naman ang unang linggo sa trabaho ni Beatrice sa kumpaniya ni Seth Amoroso.

Magaan ang trabaho niya, parang mas marami pa ang upo niya kaysa sa gawa.

"Natapos mo na ba ang official report na ipinapaayos kong loan para sa health insurance ni Mrs. Ferrer?"tanong ni Seth mula sa telephono.

"Yes sir, kailangan niyo na ho ba ngayon?"

"Oo, come to my office right away. May sasabihin din ako,"wika ni Seth at tuluyan ng naputol ang tawag.

Naglakad na palapit sa may pinto ang dalaga. Habang bit-bit niya ang folder na kailangan nito.

"Have a seat, i-re-review ko lang ito,"nakangiting sabi ni Seth na iminuwestra pa ang upuan sa harap ng table nito.

Matipid naman nangiti si Beatrice at pasimpleng iniwas ang mukha nang mapansin niya ang kakaibang ning-ning sa mata ng lalaki.

Inabala na lang niya ang sarili sa pagmamasid sa loob ng office ng boss niya. Lahat ng designs, furniture at piniling kulay roon ay maaliwalas tignan. White and light blue.

Makalipas ang limang minuto ay binalingan na siya ni Seth, tuluyan na rin nitong isinara ang folder na katatapos lang basahin.

"Miss De Guzman, after office hour may pupuntahan ka ba?"tanong nito.

"Wala naman sir, uuwi lang ako agad sa condo,"tugon niya.

Napatango-tango lang ito, patuloy lang sa pagpindot ng hawak nitong fountain pen sa ibabaw ng lamesa. Tipong nahihiya.

"Bakit sir may ipapaasikaso ba kayo?"

"N-no... I-I mean h-hindi ganoon ang ibig kong tukuyin. Ang totoo, I'm asking you take out for dinner after dismissal hour,"mahinang saad ni Seth.

Hindi naman nakaimik si Beatrice tila nag-iisip ito ng mga sandaling iyon. Kaya upang bawiin ng lalaki ang pag-aaya.

"Kung gusto mo lang sana, pero sige huwag na lang..."

"Okay lang sir, s-sige,"maiksing tugon niya. Tumayo na siya matapos niyang magpaalam.

Nangiti na lang siya dahil dinig pa niya ang nagagalak nitong hiyaw na tuwang-tuwa sa pagpayag niya.

Nang makaupo siya ay unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya. Napalitan ng lungkot ang pakiramdam niya.

"Kailan kaya kita ulit makikita Ruru,"bulong sa kawalan ni Beatrice. Halos isang linggo na rin ang lumipas na hindi nagpapakita sa kanya si Rudny.

Ang tanging dumadalaw lang sa kanya ay si Rodjun na nangangamusta. Dahil iisang kumpaniya lang naman sila nagta-trabaho ay isinasabay na siya nito sa pagpasok at uwian. Walang kaso iyon, dahil one way lang naman ang biyahe nila at ang mansyon ng mga Aragon.

Magkagayon man ay madalang silang nagkikita sa Amoroso, dahil sa field naka-assign ang binata.

Nagpasalamat siya kahit paano na may trabaho siya, dahil naabala niyon ang utak niya sa pag-iisip kay Rudny. Kung hindi tiyak ay nababaliw na siya sa pagka-miss rito.

Napabuntong-hininga na lang siya at muling itinutok ang atensyon sa trabaho.

AGAD siyang inalalayan ni Seth matapos niyang makababa sa BMW 7 Series 740Li Napatanga pa saglit si Beatrice dahil hindi niya aakalain na sa AA Resort siya ng mga Aragon dinala nito. Kahanay niyon ang casino, hotel at golf course lang naman nina Rudny.

"Mukhang nagulat ka na dito kita dadalhin,"masuyong wika ni Seth na inaalalayan pa rin siya sa siko. Matipid naman nangiti si Beatrice.

"S-slight lang, ang totoo first time kong mapapasyalan ang resort na pag-aari nina Tito Ricardo,"sagot ni Beatrice. Sinadiya niyang hindi sabihin ang pangalan ni Rudny dahil sa tuwing nanunulas sa bibig niya iyon ay nauutal siya at naiiyak.

Mafia Boss Trapped (Season I) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon