C.2

1 0 0
                                    



"Will the defendant please rise," saad ng Chief Justice ngunit hindi basta- basta tumayo si Riggs,

"WILL. THE.DEFENDANT.PLEASE RISE." pag uulit pa ng Judge ngunit natatawa lang si Riggs sa paligid niya at tumayo ito ng dahan-dahan.

Wala itong pakialam sa paligid at walang tinitignang tao na tila may sarili itong mundo.

Nagulat kami ng biglang-


Ibinuga niya ang chewing gun sa gitna ng Court na ikinalaki ng mata ko at ikinagulat ng marami, ang mga camera sa paligid ay agad na tumutok sa kaniya.



Halata sa mga police ang takot nila kay Riggs, ano bang nakakatakot sa kaniya?

Kaya pala hindi nila ito kayang suwayin dahil-

Takot sila


Nagbulong-bulungan ang mga tao sa paligid ngunit nanatili paring kalmado ang mga judge at pinapkita parin nila ang pagiging professional nila, Nakatayo na ito at hindi ko parin makita kung saan o sino ang tinitignan niya pero nararamdam kong natutuwa siya.


"We have given you one last time to give your statement, do you have anything else to say to defend yourself? you have the right to speak." paliwanag ng Chief.


"The hell," ito ang narinig kong sambit niya, "Yup, hell is the place you belong with Mr, Riggs." sambit ng prosecutor kaya agad naman siyang tinignan ng judge.







"This case is long overdue Riggs, the law has been waiting for you for a long time." habol pa nito, "Prosecutor Horem, hayaan mo na ako magsalita." saad ng Chief justice kaya tumango naman ang prosecutor.




"You have committed a great crime against the law, murder, not just one but a hundred times and your crime  is no forgiveness, the use of money power is never good." panimula nang judge.





"A heinous crime is very evil or wicked." sunod pa nito, "And because you break the human law, you are convicted of..." hindi pa natatapos ang sasabihin ng Chief Justice ngunit narinig ko na ang iyakan sa paligid.






Nakatayo parin si Riggs habang ini-spin ang ballpen na hawak niya, seryoso? wala siyang pakialam? hahatulan na siya oh.



Sabagay, psycho nga pala bakit ko ba nakalimutan.





"THE DEFENDANT IS GUILTY"





"Bilang isang Chief Justice ng korteng ito-"





"Riggs Greyson, Hinahatulan kita ng PARUSANG KAMATAYAN." nanlaki ang mata ko sa narinig ko dahil sa unang pasok ko sa korte ay iyon na agad ang una kong narinig, agad namang nagkagulo ang paligid at pinukpok na ang gavel at nagsalita na ang nasa tabi ng Judge.



"REPUBLIC ACT No. 9346, AN ACT PROHIBITING THE IMPOSITION OF DEATH PENALTY, Republic Act 7659, the law signed in 1993 and which imposed the death penalty, heinous crimes." Sambit ng isang Attorney na nasa tabi ng Chief Justice.


Agad namang nagkagulo kaya rumesponde agad kami at nakita ko rin na pumasok na ang mga reporters, ang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ko maipaliwanag kung bakit.

Ang bilis ng pangyayari-

Tama ba ang narinig ko


Death penalty


Nakatayo lang ako at nakatitig sa pinoposasang si Riggs habang nagkakagulo ang paligid at inaayos ito ng kapulisan, maingay ang paligid at umalis na rin sila Chief Justice at ang mga kasama niya, ang masayang ngiti ng prosecutor na si Horem kung tama ang pagkakarinig ko na natatanaw ko mula sa malayo.

Ito pala ang korte.




Nakakagulat ang araw na'to, ngayon ko lang naramdaman ang ganito at tumaas ang mga balahibo ko, ba't parang natatakot ako, ano bang kinakatakot ko? dahil ba sa death penalty? o ano bang pake ko do'n? pero 'di parin makatarungan na sila ang humatol sa buhay ng lalaking 'to.

Kahit gaano pa kalaki ang kasalanan niya ay-

Tama ba ang death penalty?


Ganito ba talaga sa korte? bakit ba naninikip dibdib ko? huhu ano ba please stop....


Nagising ang diwa ko sa pagkatulala nang humarap na sa 'di kalayuan si Riggs at nasa tabi niya ang dalawang Police na may mataas na katungkulan habang ako ay nakatayo parin sa pinto na dadaanan nila.

Lumakas ang tibok ng puso ko nang-

Nang-

Nagtama ang tingin namin na ikinalaki lalo ng mata ko, 'di ako makagalaw, ba't parang natatakot ako, ano ba 'tong nararamdaman ko?




Nakatingin ba siya sa akin? o masiyado lang akong nagiisip ng kung ano-ano pero-

Palapit na sila ng palapit sa akin dahil katabi ko lang naman ang pinto palabas ng court na'to, kailangan ko nang tumabi pero bakit hindi ko magalaw ang paa ko, grr ano bang nangyayari sa'kin.

Baka natatakot ako kasi nakakita na ako ng taong malapit nang mamatay, oo tama ngayon lang ako makakakita ng taong malapit nang mamatay kaya ganito ako kakaba.

Tumingin ulit ako sa pwesto nila at malapit na sila, agad ko nang nagalaw ang paa ko at tumabi ngunit nakatingin nga siya SA'KIN!

*Blush*blush

Wah anong blush!


Tumabi na ako sa gilid at hindi na tumingin sa kaniya, nandito na sila at bigla siyang huminto, nakayuko ako pero nakita ko ang sapatos niya mula sa sahig na tinitignan ko.


Napatingin ako sa harap ko at unti-unti kong tinaas ang mga mata ko, nakita ko siya ng malapitan kaya mas nanaas ang balahibo ko, ano bang nangyayari?

Nagkatinginan ng malapit ang mga mata namin na tila bumabagal ang oras at paligid.Ano 'to?

Ang lapit niya lang as in, ang lapit! isang tapak lang ng paa ang layo namin sa isa't isa.

"What's your name?" narinig ko ang malamig nitong boses habang nakayuko at nakatingin ito sa'kin, ang lamig ng boses nito at ang tangkad niya.


Huminto ngaba siya sa harap ko?



Ang mga mata niya ang ganda, green with blue eyes at may makapal siyang kilay, mapulang labi at may maputing balat, 'ni hindi man lang siya nagkaroon ng peklat o kahit ano.


Inshort makinis

Ba't ba kasi may ganitong poging criminal.

Ang itim na itim nitong buhok, ang ganda ng pintig at katawan niya, sana nag model nalang siya hays.

Malinis siya at maayos tignan, gano'n ba talaga siya inalagaan? ano ba 'tong iniisip ko, "Aren't you done staring and recognizing me?" saad nito at agad akong umatras nang nagising ako sa diwa ko.


"I'm asking you, answer me if you don't want to die yet." nanlaki mata ko sa sinabi niya, ba't ba ako natatakot at kinakabahan, nakaposas naman siya ah, dapat ko bang sagutin? hindi, ayoko, ayokoooooo.


"Maglakad kana." sambit ng pulis na nasa tabi niya, hindi nila ito hawak at may pagkamalayo sila dito, ano 'to may virus?

"A-ah oo maglakad kana raw hehe." sagot ko at umatras pa lalo, ang lamig ng reaksyon niya at baka magyelo pa ako kung 'di pa ako lalayo sa kaniya.


"Remember this time, you didn't answer my question, policewoman." ngumisi ito at nagsimula nang maglakad, wah nagdadrugs ba 'yung psycho na 'yon.



"Psh, Lores." sarkastiko nitong bulong na parang natatawa habang naglalakad papasok sa pinto agad naman akong napatingin sa nametag ko na nakadikit sa damit ko at napatapik ako sa noo.


That psycho-








Psychotic HoneyWhere stories live. Discover now